CHAPTER TEN

2.7K 55 0
                                    

Dala ang pick up jeep ay kasama niya si Yuan na nagtungo sa bayan, sinama niya ito sa pagbili ng mga feeds tutal ay maaga pa naman sasamantalahin na niya ang oras habang tulog pa ang mga bata.

"Kailan ka pa natutong magmaneho?" curious na tanong ni Yuan

"Noong mag eighteen years old ako, tinuruan ako ni papa dahil ang sabi niya ay ako ang magmamana ng poultry na mahal na mahal niya." Sagot niya, nakita niyang nakatitig ito sa nakasabit niyang lisensya niya na nasa sasakyan, mabuti na lamang at hindi iyon nakasama sa bag niya noong mahold up sila, kung hindi pati ang pagpapalisensya ng bago ay gagastusin niya, mahalaga pa naman iyon sa kanya dahil madalas siyang magmaneho. Ilang mga ID business lang ang naroon pero gayonpaman ay mahalaga pa rin iyon sa kanya.

"Nag iisang anak ka lang?" tanong nito, tumango siya.

"Oo, kaya nga noong mamatay si papa tatlong taon nang nakararaan ay napilitan akong magresign sa trabaho ko, kahit na maganda na ang posisyon ko sa kumpanya, mas pinili kong ipagpatuloy ang nasimulan ni papa dahil mahalaga sa kanya ang poultry, ayoko din siyang biguin dahil ibinilin niya sa akin ang naiwan niyang hanap buhay ng pamilya namin." Kwento pa niya

"Nasaan nga pala ang mama mo?" tanong nito, hindi niya napigilan ang damdamin, alam niyang nakita nito ang kalungkutan na nagreflect sa mukha niya.

"Namatay siya noong nakaraan buwan lang." malungkot na sagot niya, napansin naman niyang saglit itong natigilan pagkuwan ay nagsalita.

"I'm sorry." Paghingi nito ng dispensa dahil sa pagpapaalala niya sa kanyang ina, saglit din siyang tumahimik upang ibsan ang kalungkutan, maya maya ay nagsalita muli siya.

"Mabuti na lang nasa tabi ko ang mga bata dahil kung hindi baka hindi ko na kinaya ang pagkamatay ni mama." Aniya, napahigpit ang paghawak niya sa manibela ng maalala ang magnanakaw na iyon.

"Isinusumpa ko ang lalaking iyon na pumatay sa mama ko." aniya, sa pagkakataong iyon ay nagulat na ang binata.

"May pumatay sa mama mo?" gulat na tanong nito, tumango siya.

Napilitan naman siyang isalaysay dito ang lahat.

"Masaya ang araw na iyon dahil noon lang kami nagsama sama para kumain sa isang mamahaling restaurant pero hindi ko akalain na ang araw ding iyon na mawawala si mama sa piling namin." May bikig na sa lalamunan niya pero pinilit pa rin niyang magpakatatag habang nagkukwento, tahimik naman ang binata habang nakatigin sa kanya.

"Kung sana ay hindi siya nakipag agawan sa bag ko, sana ay ibinigay na lang niya iyon, di sana ay buhay pa siya." Aniya pa, "Yung lalaking iyon, kung sana ay may nakakita sa pangyayaring iyon, mabibigyan ko sana ng hustisya ang pagkamatay ni mama." Patuloy niya, she bit her lower lip to stop her tears to fall, ayaw din niyang makita nito na umiiyak siya, na mahina siya.

Naramdaman naman niya ang paghawak nito sa isang kamay niya na nakahawak sa manibela. Dagli niya itong sinulyapan, nakita naman niya sa mga mata nito ang pakikiramay sa nangyari sa kanya.

Binawi na niya ang tingin dito at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho pero hindi niya alam kung bakit tila nararamdaman pa niya ang kamay nito sa kamay niya.

Hindi nagtagal ay nakarating sila sa bayan, ilang sako ng feeds ang binili niya para sa isang linggong pagkain ng mga alaga niyang hayop.

Lumuluha ang bulsa ni Jessica at lihim na nagsisi siya habang nakamata kay Yuan at sa dalawa pang lalaki habang buhat buhat ang mabigat na sako.

Nawala ang pagnguto ni Jessica nang mapagmasdan niya si Yuan habang walang kahirap hirap na binuhat ang mabigat na sako ng feeds, habang nakapasan sa balikat nito ang sako ay maingat nitong inalalayan ng dalawang kamay ang magkabilang dulo ng sako.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now