CHAPTER EIGHTEEN

2.4K 49 0
                                    

"Anong ibig ninyong sabihin na ibinenta na ninyo sa iba ang bahay at lupa namin?" gulat na bulalas ni Jessica nang makausap niya sa kabilang linya si Mrs. Tullia, ilang linggo na rin kasi itong hindi nagpaparamdam sa kanya kaya siya na mismo ang tumawag para sabihing makakapagbayad siya dito ng balanse kahit sa kaunting halaga subalit sinabi nitong wala na raw dito ang titulo ng bahay at lupa nila dahil may isang mayamang businessman ang bumili ng poultry nila.

"Wala akong magagawa Jessica, kasalanan mo rin naman, napakatagal mong magbayad ng utang kaya ibinenta ko na lang sa iba." Anito, gusto niyang magalit at sigawan ang matandang babae subalit nanatiling kalmado siya dahil iginagalang pa rin niya ito.

"Pero paano na po kami? Nagbabayad naman po ako sa inyo kahit papaano." Mangiyak ngiyak na sabi niya, narinig niya ang marahas na pagbuntong hininga ng matanda.

"Naku, h'wag mo na akong dramahan Jessica, tapos na ang usapan sa pagitan natin, kung gusto mo kausapin mo ang businessman na nakabili ng poultry ninyo." Anito, ibinigay nito ang address kung saan niya pwedeng puntahan ang taong nakabili ng Tierra Poultry.

Nang maibaba niya ang telepono ay lugong lugo siyang naupo sa mahabang sofa, pakiramdam niya ay nagsama sama ang lahat ng problema sa mundo at sinalo niya iyong lahat, hindi na rin niya napigilan ang sariling emosyon, umiyak na lang siya ng tahimik habang pilit na sinusuksok sa isipan niya ang sinabi noon ng kanyang ama.

"Anak, h'wag mong problemahin ang problema, mas mainam na gumawa ka ng paraan para masolusyunan mo ang problemang iyon kaysa sa iyakan mo at isipin ng isipin."

"Papa...ano na ang gagawin ko?" umiiyak na sabi niya habang nakatingin sa family picture nilang mag anak, kung sana ay naroon ang mga ito sa tabi niya kahit papaano ay maiibsan ang nadarama niya dahil may pagsasabihan siya ng problema niya.

Pero iyon ang reyalidad, wala na ang mga ito, mag isa na niyang haharapin ang mga problema niya, mag isa niya iyong sosolusyunan.

Sinulyapan niya ang maikling papel na hawak niya, nakasulat doon ang address ng businessman na bumili ng bahay at lupa nila kay Mrs. Tullia, doon lang din niya inintindi ang mga nakasulat doon kahit ang apelyido ng businessman.

Mr. Yashiro, Yashiro Building, Makati city.

Doon lang niya napagtantong na ang may ari ng sikat at mamahaling Yashiro hotel and restaurant ang nakabili ng Tierra Poultry.

Ano naman ang naisip ng mayamang businessman na iyon at binili niya ang lupa namin?

Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi, kailangan niyang makita at makausap ang Mr. Yashiro na iyon. Gagawin niya ang lahat para lang mabawi niya ang bahay at lupa nila, kung kailangang lumuhod ay luluhod siya, kung kailangang paghirapan niya iyon ay gagawin niya.

Muli siyang tumingin sa family picture nila.

"Papa, h'wag kayong mag alala, gagawin ko ang lahat para mabawi ang poultry na pinaghirapan ninyong itayo." Aniya, isiniksik sa bulsa ang maikling papel at tumayo.

Eksakto namang may narinig siyang boses mula sa labas ng gate, naglakad siya palabas upang sinuhin iyon.

Ganon na lamang ang pagkadismaya niya nang makita niya sa tapat ng gate si Hanz, nakasandal ito sa sasakyan nito habang may hawak na bulaklak at tsokolate.

Mag iisang linggo na rin itong nangungulet sa kanya, araw araw ay may dala itong kung anu-anong regalo o bagay na ibinibigay sa kanya na tigas naman na tinatanggihan niya, hindi rin niya ito binibigyan ng pagkakataon na makapasok ito sa loob ng bahay niya dahil ayaw na rin niya itong paasahin pa.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now