CHAPTER THREE

2.9K 68 0
                                    

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ng kanyang ina nang pilitin niyang magbihis ito, pinagbihis din ni Jessica ang mga bata pagkatapos ay sabay sabay silang lumabas ng bahay, nakasakay na sila sa lumang pick up nang sumagot si Jessica.

"Ma' magdidinner tayo sa labas, malaki ang pumasok na pera sa'tin sa buwang ito kaya ano na lang iyong i-treat ko kayo sa isang mamahaling restaurant." Nakangiting sabi niya, sabay na napapalakpak sa tuwa ang dalawang bata.

"Yehey! Kakain tayo sa Jollibee?" ani Ken, masuyong pinisil niya ang pisngi nito.

"Sa restaurant tayo kakain." Nakangiting sabi niya

"Bakit sa mamahalin pa?" tanong ng ina, alam niyang gusto lang maging praktikal ng kanyang ina kaya tila nagdadalawang isip din ito.

"Minsan lang naman ma', sa susunod sa Jollibee na tayo kakain." Aniya, muling napapalakpak ang mga bata.

"Gusto ko ng spaghetti nanay." Sabi ni Ken

"Chicken joy naman sa'kin." Sabi naman ni Ren

"Sige." Naiiling na sabi niya, binalingan naman niya ang pinsang si Oscar.

"Ikaw na munang bahala dito sa bahay Oscar, papasalubungan na lang kita." Natatawang sabi niya dito, ikinatuwa talaga niya nang sabihin nito kanina sa kanya na pinayagan ito ng mabait nitong boss.

"Oo ba! Enjoy your bonding moment 'insan!" anito na tinapik pa ang unahan ng sasakyan, pina-start na niya ang pick up at lumabas ng bahay nila.

Maya maya ay itinigil ni Jessica ang sasakyan sa mataas na building na iyon, ang Yashiro Hotel and restaurant, madalas niyang daanan iyon noong nagtatrabaho pa siya, bukang bibig din iyon ng mga katrabaho niya, marami daw restaurant sa loob niyon kaya makakapamili sila kung saan kakain, bawat floor ay may iba't ibang klase ng restaurant, may kamahalan nga lang daw pero masasarap ang mga pagkain at maganda raw talaga ang ambiance sa loob na maihahalintulad sa sikat na five star hotel.

Kaya naman ipinangako niyang isang araw ay kakain siya at ang buong pamilya niya sa ekslusibong restaurant na iyon.

Bumaba siya ng sasakyan, napansin niya ang magagarang sasakyan na katabi ng luma niyang pick up.

Mukhang mayayaman nga ang kumakain doon. Aniya sa sarili, Eh ano naman? May pambayad din naman siya sa kakainin nila.

"Tara ma'." Yakag niya sa kanyang ina, hinawakan niya sa makabilang kamay ang mga anak-anakan niya.

"Dito tayo kakain?" turo pa nito habang nakatingala sa mataas na gusaling iyon.

Ngumiting tumango siya, "Oho, kaya halina kayo at gutom na ako." Aniya

"Aba'y labas pa lang nito siguradong mamahalin na diyan, baka maubos ang pera mo Jessica." Nasa tono nito ang pag aalala, mahina siyang tumawa.

"Hindi ho ma', akong bahala, tara na." aniya

"Kung ipambayad na lang natin sa utang natin ang ipambabayad mo sa kakainin natin dito." Patuloy ng kanyang ina, nangunot ang noo niya.

"Pero wala naman tayong utang ma', kahit noong nabubuhay si papa hindi tayo nagkautang." Aniya, natahimik naman ito kaya takang hinarap niya ang ina.

"Bakit ho ma? May pagkakautang po ba kayo?" tanong niya dito, mabilis naman itong umiling.

"Tara na at pumasok na tayo." Anito na nagpatiunang maglakad, nagtataka pa rin siya habang nagsimulang maglakad papasok ng Yashiro hotel and restaurant.

"Good evening ma'am! Welcome to Yashiro hotel and restaurant." masiglang bati sa kaniya ng dalawang security guard, nakangiting tinanguan niya ang mga ito, nangingimi naman ang kanyang ina na bagaman may kaya naman sila ay hindi pa rin nakakapasok sa ganong kamahal na lugar.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now