CHAPTER TWENTY FOUR

2.5K 53 0
                                    

Matamang pinagmamasdan ni Yuan si Jessica habang matamang nagdarasal ang dalaga, nasa tapat sila ng puntod ng mama nito, pagkatapos magdasal ay inayos nito ang mga bulaklak na dala nila at ipinagtirik pa ng kandila.

"Kamusta mama? Miss na miss na kita." Kausap nito sa puntod, kitang kita ni Yuan ang kalungkutan sa mukha ng dalaga.

"Pasensya na po mama, hindi ko pa rin kayo nabibigyan ng hustisya." Nasa tono na nito ang pag iyak kaya naman lumapit na si Yuan at masuyong niyakap ang dalaga.

"Atsaka h'wag kayong mag alala hindi po ako galit sa inyo dahil sa mga problemang naiwan ninyo, mahal na mahal ko kayo mama..." lumuluha nang saad nito.

"H'wag din po kayong mag alala sa mga bata dahil maayos ko silang inaalagaan." Patuloy na kausap nito sa puntod, "Mama, malapit na akong ikasal." Anito, naramdaman niya ang pagyugyog ng balikat nito, tila mas bumigat ang nararamdaman nito ng mga sandaling iyon, "Pasensya na po at hindi si Hanz ang lalaking pakakasalan ko gaya ng hiling ninyo noon. Alam ninyo naman na hindi ko na siya kaya pang balikan, hindi ko na siya mahal gaya noon."

Tumingin sa kanya ang dalaga, parang piniga ang puso niya ng makita ang kalungkutan sa mga mata nito, masakit pa rin sa kanya ang pagkawala ng ina nito.

"Mama, siya po si Yuan, siya po ang lalaking pakakasalan ko." anito, lalong bumaha ang luha nito, hindi na niya napigilan ang sarili kaya mahigpit na niya itong niyakap.

Kung pwede nga lang niyang kunin ang lahat ng kalungkutan na nararamdaman nito ng mga sandaling iyon ay ginawa na niya, mas nasasaktan siyang nakikita itong nasa ganong kalagayan.

"Jess.." aniya habang yakap ito.

Saglit pa itong umiyak sa bisig niya, maya maya lang ay tumigil na ito at humiwalay sa kanya.

"I'm sorry, hindi ko lang napigilan ang sarili ko." anito

"It's okay, things will be okay, as long as I'm here beside you." Nakangiting sabi niya na pinalis ang ilang luhang naiwan sa pisngi nito.

Iyon nga eh! Mas mahihirapan na ako kapag nawala ka na sa akin, kapag natapos na ang pagpapanggap natin Yuan. sigaw ng puso ni Jessica, hindi ba pwedeng totohanin na lang natin ang lahat? Napatawad na naman kita eh, natanggap ko na ang nagawa mong pagsisinungaling noon dahil mahal kita, pwede bang ibalik na lang natin ang nakaraan? Hindi ba tayo rin naman noon, masaya tayo noong hindi ko pa nalalaman ang pagkatao mo, Yuan...mahal na mahal kita. Mas nahihirapan ang puso niya ngayong nalalapit na ang engagement nila, pagkatapos kasi niyon ay magpapakasal na rin sila. Natatakot siyang magtapos na ang lahat kapag nakuha na nito ang mana nito.

Hindi rin kasi niya nakayang pigilan ang sarili niya, kahit ilang beses niyang sansalain na hindi niya pwedeng mahalin si Yuan ay lalo lang lumalalim ang nararamdaman niya, habang lumilipas ang mga araw na magkasama sila ay lalo lang niyang napapatunayan na hindi pa rin niya ito nakakalimutan, na hindi pa rin nababawasan kahit katiting ang nararamdaman niya dito, na mahal na mahal pa rin niya ito.

Iyon ang isang dahilan kaya mabigat ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon, ayaw na niyang mahiwalay pa kay Yuan, natatakot na siya, gusto niyang palagi itong nasa tabi niya, nasanay na siya sa presensya nito, masayang masaya siya dahil magpapakasal na sila nito kahit pa nga na isang agreement lamang iyon.

Naramdaman niyang hinawakan ng binata ang kamay niya pagkuwan ay tumapat sa puntod ng kanyang ina.

"Mama, ako po si Yuan, ang lalaking pakakasalan ng anak ninyo." Simula ni Yuan, "H'wag po kayong mag alala dahil patutunayan ko pong mas deserving ako kaysa kay Hanz." patuloy nito, "I will take care of her."

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now