CHAPTER THIRTEEN

2.4K 58 0
                                    

"Ang ganda! Ang laki ng isda o!" masiglang sabi ni Ken habang itinuro pa ang malaking isda na nasa itaas nila, naroon sila sa ocean park at namamasyal.

Birthday ni Ken kaya tuwang tuwa ito nang malamang doon sila pupunta para i-celebrate ang espesyal na araw nito.

"Nay, ang ganda dito." Sabi naman ni Ren habang hawak niya ang kamay nito, ngumiti lang siya pagkuwan ay sinulyapan si Yuan na hawak naman si Ken.

Her heart filled with happiness, hindi naman matutuloy ang pamamasyal nilang iyon kung hindi dahil kay Yuan, hindi kasi sumapat ang ipon niya para sa apat na ticket doon, kailangan din nila siyempre ng sobrang pera para sa pagkain nila, mabuti na lamang at may kakilala ang binata na nagtatrabaho sa lugar na iyon kaya nabigyan sila ng napakalaking discount, hindi lang sila makakapamasyal at makakakain sa restaurant kundi makakabili pa siya ng regalo para kay Ken.

Lumundag yata sa rib cage ang puso niya nang sumulyap sa kanya si Yuan pagkuwan ay ngumiti ng ubod ng tamis.

Geez.She has never seen such a handsome face that affected her that much and she couldn't stop admiring that face.

"Bakit wala kang imik? Okay ka lang ba?" tanong niya ng lumapit sa kanya, tumango siya. Ikaw kasi! Masyado mong ginugulo ang isipan ko.

"Oo naman, masaya lang akong makita ang mga bata na masaya." Aniya, muli itong ngumiti sa kanya.

"Tama ka, ang sarap sa pakiramdam na nabibigyan mo ng kasiyahan ang mga bata." Anito, natuwa siya sa sinabi nito

"Mahilig ka ba talaga sa mga bata?" tanong niya, oo, sana...nausal niya, hindi kasi katulad ni Hans na walang kaamor amor sa mga bata, kaya naman takot na takot sina Ren at Ken sa dating kasintahan kung magkakabalikan sila nito.

Tumingin muna ang binata kina sa dalawang bata bago sumagot.

"Yes, I love children." Sagot nito, napangiti siya sa sagot nito.

"Talaga?"

"Oo, kaya nga mabilis na napalapit sa akin ang mga batang ito." anito na pabirong pinisil ang pisngi ng dalawang bata.

"Mahal mo kami uncle Yuan?" bigla ay tanong ni Ren na nakikinig na rin pala sa kanila, nasa tapat sila ng malaking aquarium habang lumalangoy sa harapan nila ang malaking stingray.

Mahinang tumawa si Yuan pagkuwan ay ginulo ang buhok ni Ren.

"Oo naman! Mahal ko kayo, pakiramdam ko nga anak ko na rin kayo." sagot ng binata, ganon na lamang ang pagkapula ng kaniyang pisngi.

Oh darn! Bakit ako kinikilig ng sobra ngayon?

Nang tumingin sa kanya si Yuan ay hiniling niyang hindi nito makita sa mga kilos niya ang totoong nararamdaman niya.

"Talaga uncle? Pwede ka ba naming maging tatay?" sabi ni Ken na nakisabat na rin sa kanila, sa pagkakataong iyon ay hindi na tumawa ang binata, seryoso na itong tumingin sa kanya.

"Kung okay lang sa nanay ninyo." Sagot nito

Diyos ko po...mahihimatay yata ako sa mga titig niya sa akin. Aniya sa sarili, bigla ay sumingit na naman sa balintataw niya ang matamis na halik nito noong nakaraan.

Naramdaman niya ang paghila ni Ren sa kamay niya.

"Nanay, pwede ba naming maging tatay si uncle Yuan?" tanong nito

"Oo nga nanay, gusto naming maging tatay si uncle Yuan." Sabad naman ni Ken

Hindi naman niya alam ang isasagot lalo pa't parang natutunaw na siya sa paraan ng mga tingin ni Yuan sa kaniya.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneKde žijí příběhy. Začni objevovat