CHAPTER TWENTY TWO

2.6K 64 0
                                    

Nang bumukas ang pinto ng elevator sa fourteenth floor ay bumungad sa kanyang paningin ang salitang Welcome to Flower Boys Host Club.

Kusang umawang ang labi ni Jessica dahil napakaganda ng club na iyon, napansin kaagad niya ang ilang posters na nakalagay pa sa isang espesyal na salamin na iniilawan pa. Nakita niya ang ilang kalalakihang nasa posters habang nakausot ng half-mask sa mukha, may color coding ang mga ito pero mas natuon ang atensyon niya kay white knight dahil sa kabila ng puting maskara na nasa mukha nito ay kilalang kilala niya ang mga ngiting nakapagkit sa mapupulang labi nito.

Sinulyapan niya si Yuan na nakangiting nakatingin din sa kanya.

"Welcome to Flower Boys Host Club." Anito

"Anong klaseng club ito?" tanong niya sa lalaki.

Hindi rin kasi nakaligtas sa kaniyang paningin ang ilang caption na hindi naging maganda sa kaniyang mga mata.

You can choose one, you can buy one, you can date him anytime..anywhere, you can hire him, you can borrow him but you can't own him...

Maliwanag sa kaniya na miyembro si Yuan sa club na iyon pero hindi pa malinaw sa kanya kung anong klaseng club iyon at kung anong pumasok sa isip ng binata at paano ito nakasali sa ganoong klase ng club.

"A club that entertains guests especially female guests." He answered, nangunot ang noo niya, hindi pa rin niya maintindihan ang sinabi nito kaya mas ipinaliwanag ng binata kung ano ang host club na iyon.

"We are host men who entertain our guests by offering drinks and chatting with them." Paliwanag nito, napaawang naman ang mga labi niya sa kung anong pumasok sa isip niya.

"You mean gay bar ito?" hindi makapaniwalang tanong niya, nanlalaki pa ang mga mata niya.

Ganon na lamang ang pagtawa ng binata

"No, this is not a gay bar, our host club are different from those clubs outside." Natatawa pa ring sabi nito, muling nangunot ang noo niya.

"Paanong naging iba? Maliwanag naman sa sinabi mo na club ito na nagbibigay aliw sa mga costumers ninyo." Aniya, binalingan niya saglit ang mga human stand na nakita niya, iyon ba ang mga host men sa club na iyon?

They have the same height and same body built, para siyang nakakita ng mga modelong lalaki na nakikita lang niya sa mga western magazines. What more kung makita pa niya ang mga ito sa personal. At kasama si Yuan sa club na iyon...teka sandali!

Mabilis na binalingan niya ang binata, doon lang kasi nagsink in sa kanya na host man si Yuan sa host club na iyon? Na nag-e-entertain ng mga babaeng pumapasok doon.

No way! Kung bakit nakaramdam siya ng pagkulo ng dugo sa loob niya, naiinis siya na isipin na may ibang babaeng nakapaligid dito.

"Teka bago mo sagutin ang tanong ko kanina, isa ka sa mga host man dito?" curious na tanong niya, ngumiti ang binata

"Yes, I am." Sagot nito, "Actually I am the president of this host club." Dagdag pa nito, muling nanlaki ang mga mata niya.

"Presidente ka ng ganitong klaseng club?"

"Hey, it's not what you think, gaya ng sabi ko kanina, iba ang host club sa ibang clubs sa labas." Depensa nito.

Hinayaan niyang magpaliwanag ang binata habang nakatigil sila sa tapat ng mga human stand ng host men ng club na iyon.

"Flower Boys Host club was originated as a university club, club that aims to help other club. We are sponsoring school events." Simula nito, mataman naman siyang nakinig dito, habang tumatagal ay nababawasan ang unang naging reaksyon niya sa club na iyon hanggang sa maramdaman na lang niyang humahanga na siya dito at sa mga kaibigan nito.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now