CHAPTER SIXTEEN

2.3K 51 0
                                    

"Four hundred fifty pa ho ang utang ninyo." Sabi ni Yuan sa matandang babae, hindi na nakapagsalita pa si aling Nena, ni hindi gumana ang pagka-armalite na bunganga nito sa gwapong binata sa harapan nito.

Natatawa na lamang si Jessica nang makita niyang agad na nagbayad ang matandang babae na makunat pa sa belekoy kung magbayad noon sa kanya tapos ay bubungangaan pa siya, ni hindi nagpakita ng kahit na anong sensyales na pagkairita sa mukha ni aling Nena, at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya itong ngumiti at nagpacute.

"Ano bang pangalan mo hijo?" nakangiting tanong nito pagkabigay ng pera sa binata, kinikilig din ang dalawang babaeng pamangkin nito na katu-katulong nito sa pagtitinda.

"Yuan ho." Magalang na sagot ni Yuan habang may isinusulat sa notebook.

"Kaanu-ano ka ba ni Jessica?" tanong pa nito, tumingin muna sa kanya ang binata pagkuwan ay nakangiting sumagot.

"Boyfriend ho."

Lalong kinilig ang mga ito

"Ay kuya Yuan baka may kapatid ka pa, ipakilala mo naman sa amin." Sabi ng isa sa pamangkin ni aling Nena.

Matunog na kutos ang inabot nito sa tiyahin nito.

"Ambisyosa! Magtrahabaho ka na nga lang." singhal nito sa pamangkin pagkuwan ay muling bumaling kay Yuan.

"Pagpasensyahan mo na ang aking pamingkin, Yuan." anito, ngumiti lang ang binata

Isang himalang matatawag ni Jessica ang nangyari sa araw na iyon, hindi siya makapaniwala na bayad na ang lahat ng may utang sa kaniya, mabuti na lamang at naisama niya si Yuan kung hindi ay siguradong wala na naman siyang masisingil.

Nakangiting siniko niya ang binata habang patungo sila sa sasakyan.

"Ang galing mo." aniya

"Madali lang naman palang kausap ang mga may utang sa'yo."

"Naku, sabihin mo nakakita lang ng gwapo kaya nagsipagbayad." Natatawang sabi niya, nakita niyang nagningning ang mga mata nito.

"Talaga bang gwapo ako?"

"Oo naman! Hindi mamimilipit sa kilig ang mga babaeng tindera sa talipapang iyon habang kaharap ka kung hindi ka gwapo." Aniya, inakbayan siya ng binata, nakaramdam siya ng kakaibang damdamin sa loob niya subalit nanatili siyang normal sa harap nito.

"Eh sa paningin ng mahal ko? Gwapo ba talaga ako?" nakangiting tanong nito, nasa tapat na sila ng sasakyan, saglit silang tumigil upang tingnan ang isa't isa, nagsimulang magrigodon ang puso niya nang matitigan niya ang napakagandang mata nito. Hinding hindi talaga siya magsasawang titigan ang kagwapuhan nito, lalo pa itong gumugwapo sa tuwing ngumingiti ng ganon.

"Oo naman!" aniya na binawi rin kaagad ang tingin dahil kung magtatagal pa ay baka mawala siya sa sarili, lapitan niya ito at halikan sa mga labi, makalimutan niyang nasa gitna sila ng talipapang iyon at pagpiyestahan sila ng maraming tao.

"Halika na, umuwi na tayo." Aniya na nagpatiunang sumakay sa sasakyan.

Malaki laki ang perang naiipon niya para ipambayad kay Mrs. Tullia, mabuti na lamang din at hindi pa ulit tumatawag ang matandang babae para kulitin siyang magbayad kaya nakakaipon siya kahit papaano.

Kung sakali mang tumawag uli ay may malaki na siyang ibabayad dito.

Nang hapong iyon ay nasa ilalim ng malaking puno sina Jessica at Yuan, nakaupo sila pareho sa duyan habang nagbibiskileta naman ang dalawang bata.

Pinagmamasdan nila pareho ang mga ito habang may ngiti sa mga labi, aaminin niya na noon lang gumaan ng ganon ang pakiramdam niya simula ng iwanan siya ng kanyang ina, nang dumating ang binata sa buhay niya ay natutunan muli niyang umibig, natutunan muli niyang magtiwala sa isang lalaki.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now