CHAPTER TWENTY

2.4K 48 1
                                    

"Okay, I'll deal with you." Mr. Yashiro said, ganon na lamang ang pagliwanag ng mukha niya, totoo nga! Mabait nga ito gaya ng sinabi ng mga tauhan nito.

"Salamat! Maraming salamat!" hindi niya napigilan ang sayang nararamdaman ng mga sandaling iyon dahil sa pagpayag nito.

Nakita niyang kumilos ito, inabot nito ang intercom.

"Ms. Granzori, did you receive the file I sent to you?" kausap ng lalaki mula sa intercom, "Please print a copy of that contract and bring it to me now." He said

Contract? Para saan ang contract na iyon?

Magtatanong sana siya nang bumukas naman kaagad ang glass door at muling iniluwa niyon ang secretary.

Lumapit sa kanya ang babae at ibinigay ang isang papel, binasa niya ang nasa itaas na bahagi niyon, agreement contract.

"Please sign here, Miss Angeles." Anito, nang ibigay sa kanya ang ballpen ay pinirmahan naman niya iyon kaagad.

Wala naman siyang ibang nabasa sa contract kundi ang pagpayag niyang magtrabaho kay Mr. Yashiro kapalit nang Tierra Poultry.

Parang ang bilis naman yatang nakagawa ito ng kontrata?

"Tapos na niyang pirmahan sir." Sabi ng babae at lumapit sa lalaki na nakatalikod pa rin sa kanya.

"Thanks Miss Granzori." Pakli ni Mr. Yashiro, tila nangislap naman ang mga mata ng secretary nito, nakita niyang may bitbit na itong laptop galing sa lalaki at maingat na ipinatong sa lamesa, maya maya ay lumabas na rin ito.

Ah, gamit pala niya ang laptop na iyon, nakagawa siya kaagad ng contract habang nagsasalita ako kanina.

Hindi maipagkakailang business minded nga si Mr. Yashiro.

Pero ano kayang trabaho ang gagawin niya para dito? Pero ano pa man iyon ay tatanggapin niya ng maluwag alang alang sa Tierra Poultry.

Muling natuon ang atensyon niya sa laptop, bahagya kasing nakaharap sa kanya ang monitor niyon kaya nakita niya ang nakabukas na video, nakita niya ang sarili niya roon.

CCTV? Tiyak niyang may cctv nga sa opisina nito dahil nakikita niya ang sarili niya ng mga sandaling iyon.

So kahit nakatalikod sa kanya si Mr. Yashiro ay nakikita rin pala siya nito dahil napapanood siya nito sa video na iyon.

Natuon naman ang paningin niya sa isa pang video, nakatagilid naman siya sa video na iyon habang nakaharap sa video si Mr. Yashiro. Natatakpan lang ang mukha nito ng hawak nitong papel kaya hindi niya makita ang kabuuan nito.

Ganon pa man, hindi magsisinungaling ang video na iyon kung gaano kaganda ang katawan ni Mr. Yashiro, bahagyang bumakat ang magandang katawan nito sa suot nitong fitted white suit, his torso was perfect! This man has a model type body.

Hindi pa man niya nakikita ang mukha nito ay hindi na siya nagtataka kung bakit ganon na lamang ang pagkainteres ng sekretarya nito dito, Mr. Yashiro is a real hunk!

Ewan niya pero bigla na lamang kumibot ang puso niya nang pagmasdan niya ang kabuuan nito mula sa video, kung bakit kasi may pagkakahawig ang bulto nito sa bulto ni Yuan.

Ano ba Jessica?! Si Yuan pa rin ba ang iniisip mo? Tigilan mo na ang kaiisip sa kanya, kalimutan mo na siya. Sermon niya sa sarili.

Hindi makakatulong kung palagi niyang iisipin ang binata.

"So, we're in a business deal now." Narinig niyang sabi ng lalaki, natuon na ang atensyon niya sa swivel chair nang gumalaw iyon.

"Ano bang trabaho ang gagawin ko para sa'yo?" tanong niya sa lalaki

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora