CHAPTER SEVENTEEN

2.3K 48 0
                                    

"Please Jessica, maniwala ka sa akin, mahal na mahal kita!" patuloy na sabi ni Yuan sa labas ng pintuan pero mukhang sarado ang puso at isip ng dalaga para pakinggan siya, nasasaktan pa siguro ito ng sobra. Kahit gusto niyang magpaliwanag ay mas mabuting bigyan muna niya ito ng panahon.

Nakuyom niya ang mga palad, iyon na nga ba ang kinatatakutan niya, ang sandaling magalit at kamuhian siya ng dalaga.

Naramdaman niya ang pagtulak sa kanya ni Hanz, ayaw sana niya itong pansinin pero kanina pa siya nito hinahamon.

"Mamamatay tao ka pala! Ipapakulong kita makikita mo." sabi ni Hanz sa kanya, mukhang nakainom ito patunay lang ang pamumungay ng mga mata nito.

"Tigilan mo na si Jessica, hindi ako papayag na mapunta siya sa isang katulad mo lang. I'll call the police." Anito na kinakapa ang bulsa, napamura ito nang marealize na nabasa na rin ng ulan ang cellphone nito.

Hindi na lang niya pinansin ang lasing na lalaki, naglakad siya palabas ng gate, mabilis na pumasok siya sa loob ng sasakyan.

"Boss, tumawag pala ang secretary mo." sabi ni Jun pagkapasok niya

"I don't want to talk about that now Jun." matigas ang ekspresyon na sabi niya, saglit itong tumahimik na tila pinag aaralan siya pero muli lang itong nagsalita.

"Pero boss, dumating na raw si attorney Miyasaki ngayon, nasa airport at nagpapasundo sa inyo." Sabi nito, tumingin siya dito pagkuwan ay nagbuntong hininga.

Tutal ay hindi rin naman niya makakausap si Jessica ngayon.

"Okay, tawagan mo muna ang security team at pabantayan ang buong lugar na ito lalo na ang lalaking iyon, h'wag na h'wag kamong palalapitin kay Jessica." aniya, nagtiim bagang siya nang makita niyang pasakay na ng sasakyan si Hanz, nagkaroon na naman tuloy ito ng pagkakataon para makalapit kay Jessica.

"Okay boss!" sabi nito

"Uuwi muna tayo para makapagpalit ako ng damit." Sabi niya, sumunod naman ito.

Hindi pa man ganap na nakakatulog si Jessica ay narinig na niya ang mumunting katok mula sa labas ng kanyang silid, bumangon siya sa kama, magdamag lang siyang nakahiga at umiiyak, hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa ni Yuan ang mga bagay na iyon, hindi niya akalain na manloloko pala ito at isa sa mga sinungaling na taong makikilala niya.

Saglit siyang nanalamin, she looked haggard – tortured even, hindi na naman niya napigilan ang sarili, her chest rose and fell, it killed her when she discovered the real Yuan, kung bakit kasi may bahagi pa rin sa kanya na hindi matanggap ang mga nangyari kagabi, she couldn't get used the searing pain that accompanied it, parang sa sobrang sakit niyon ay gusto na lang niyang mawala sa mundo.

Muling narinig niya ang mga katok sa pinto at ang munting boses ng mga bata.

"Nanay.." tawag ni Ren, mabilis na pinunasan niya ang mga luha sa kanyang pisngi, huminga siya ng malalim atsaka nagtungo sa pinto at binuksan iyon.

Pupungas pungas pa ang dalawang bata ng mabungaran niya, alas singko na ng umaga at sanay na ang dalawang bata na magising ng ganong oras para sa pagpasok.

"Nay, nasaan po si uncle Yuan? Wala pa po kaming kakainin." Ani Ren, she bit her lower lip, ayaw niyang bumuhos na naman ang emosyon niya. Pinilit niyang magpakatatag at magpakanormal sa harap ng mga ito.

"Ako na lang ang magluluto." Aniya na lumabas ng silid at naglakad patungo sa kusina, binuksan na niya ang kalan at nagsalang ng kawali nang marinig naman niya ang tinig ni Ken.

"Nay, si uncle Yuan ba ang maghahatid sa amin sa school?" tanong nito, parang may kumukurot sa puso niya sa tuwing maririnig niya ang pangalan ng binata.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon