CHAPTER SEVEN

2.7K 61 0
                                    

"Saan tayo pupunta?" narinig niyang tanong ni Yuan, inilalagay nito ang dalawang balde sa side car, sumakay muna siya sa side car bago tumingin dito. Katatapos lang nilang mag almusal na dalawa, tulog pa ang mga bata kaya sasamantalahin nila ang pagkakataong iyon.

"Mangongolekta ng kaning baboy sa mga kapitbahay." Kaswal na sagot niya, "Ipapakita ko kung paano ang gagawin mo sa susunod, ipapakilala na rin kita sa mga tao na madalas na hinihingan ko." patuloy niya.

"Ah okay." Sagot nito

Nagsimula na siyang magpedal palabas ng gate, naglalakad naman ang binata at sinasabayan siya nito.

"I-lock mo ang gate baka magising sina Ren at Ken at makalabas sila ng bahay." Aniya, tumango ito at sinunod ang sinabi niya, hinintay muna niya itong maisara ang gate bago muling pinaandar ang side car.

"Mababait ang mga kapitbahay ko, ang ilan sa kanila ay iniiwanan na nila yung mga kaning baboy sa labas ng bahay nila dahil araw araw kaming nangongolekta." Aniya, "Gawain sana ito ni Raul, isa sa mga pinsan ko kaya lang matatagalan pa silang makabalik dito sa poultry." Patuloy na sabi niya.

"Paano kung wala kayong makolekta?" tanong nito, umiling siya

"Imposible, buhay pa ang papa ko ay ginagawa na namin ito, nakakatulong din naman kami sa kanila dahil basura na sa kanila ang kaning baboy." Paliwanag niya

"Marami na ngayong feeds para sa pagkain ng mga alaga mo, mas marami silang vitamins na makukuha doon kaysa sa basurang pagkain na kokolektahin mo." komento nito, sinulyapan niya ito at nakita niyang mukhang curious lang ito sa pagkain ng baboy.

"Pwede naman, noong nakaraan ay feeds ang pinapakain ko sa mga alaga ko dahil hindi ko kayang pagsabayin ang pagdedeliver sa talipapa at pangongolekta ng kanin baboy sa kapit bahay." Aniya habang marahang nagpepedal habang sinasabayan naman siya nito.

"Bakit mo itinigil?" curious na tanong pa rin nito.

Nagbuntong hininga muna siya bago nagsalita

"Mahal ang mga feeds, wala akong budget para doon, tutal ay hindi pa ulit ako nakakapagdeliver ng mga karne sa mga suki ko sa talipapa dahil naipagbenta ko ang ilan sa mga alaga kong inahing baboy noon." Aniya, saglit siyang kumuha ng hangin sa baga bago muling nagpatuloy, "Noong nakaraan lang ay dumaan ako sa matinding krisis, nanakawan ako at nawalan ng minamahal." Humina ang boses niya sa huling sinabi pero sapat na iyon para marinig ng binata, napansin niyang gusto nitong magtanong subalit tila nahihiya naman ito.

Ayaw naman niyang magkwento pa dito tungkol sa buhay niya dahil hindi pa niya ito gaanong kilala, hindi pa dapat niya ito pinagkakatiwalaan.

Binilisan na niya ang pagpapaandar sa side car at nagsalita.

"Bilisan natin, hindi tayo dapat tanghaliin sa pangongolekta." Aniya, naramdaman naman niya ang pagsunod nito pero hindi na nagtanong pa.

Sa unang pagkakataon ay nakakaramdam ng inis si Jessica sa mga kapitbahay niya na hindi naman niya alam ang tunay na dahilan.

Nakatingin lang siya habang tuwang tuwang kinakausap ng anak na dalaga ni mang Tasyo si Yuan, aaminin niyang kanina pa hindi maganda ang mood niya dahil simula sa unang bahay na kinolektahan niya ay hindi na nawalan ng babaeng pumaligid kay Yuan. Lahat sa mga ito ay halata namang nagpapacute lang sa binata at ang hudyong lalaki ay hindi na nawala ang mga ngiti sa mga labi kahit alam naman niyang likas na dito ang palangiting tao. Ewan niya pero gusto niyang utusan ang binata na h'wag ngumiti ng ganong kagwapo dahil mas lalong dumarami ang nakapaligid na babae rito, ultimo yata matandang balo at kahit may asawang babae ay tuwang tuwa sa binata.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now