CHAPTER EIGHT

2.4K 60 1
                                    

"Vash, I need your help." Kausap ni Yuan kay Vash mula sa cellphone, naroon siya sa kubo at pansamantalang lumayo sa bahay kung nasaan ang dalaga at nagpapahinga samantalang hinayaan muna niyang manood ng tv ang dalawang bata.

"Sure, but where on earth are you? Tatlong araw ka ng di nagpaparamdam sa'min, sabi ng secretary mo sa Yashiro building nasa bakasyon ka pero wala ka namang sinasabi sa'min." ani Vash.

"I'll tell you later, just drop by here first to check Jessica." Aniya, kahit hindi niya nakikita ang kaibigan alam niyang gulat na gulat ito sa sinabi niya.

"And who was Jessica?" tanong nito

"My precious woman." Sagot niya

"What?!" ganon na lamang ang reaksyon nito, he hissed.

"Vash, just go here and I'll tell you later." Aniya, "Oh, and please don't tell every one about this, let me tell them this soon, okay?" paalala niya

"Okay." Sabi ng kaibigan, besides of being an optalmoligist, Dr. Vash Carreon was a general physician. Ito kaagad ang naisip niyang doktor dahil mapagkakatiwalaan ito, kahit na marami siyang kilalang espesyalista ay mas pinili niya ang matalik na kaibigan.

Nang i-off niya ang cellphone ay kaagad siyang bumalik sa bahay upang bantayan ang dalawang bata habang nagpapahinga pa rin si Jessica.

Nang makapasok siya sa bungalow house ay kaagad na sumalubong sa kanya ang hindi maipintang mukha ni Ken.

"Uncle Yuan, nagugutom na ako." Anito habang nakahawak pa sa tiyan, nakasunod naman dito si Ren na mukhang gutom na rin.

Sinulyapan niya ang relong suot, nakita niyang mag aalas sais na ng gabi, ganoong oras nga pala naghahapunan ang mga ito.

Sinulyapan naman niya ang silid ng dalaga, tiyak niyang nakatulog na nga ito, hindi rin naman niya ito paglulutuin dahil sigurado siyang nananakit pa ang balakang nito.

Binalingan niya ang dalawang batang lalaki at nakangiting nagsalita.

"Okay, I'll cook for our dinner." Aniya, nagliwanag naman ang mukha ng mga ito

"Anong lulutuin mo uncle?" excited na tanong ni Ren

"Ahm, hindi ko pa alam, tara samahan ninyo ako sa kusina." Aniya sa dalawa

"Yey! Tutulong kaming magluto uncle." Ani Ken, tumawa siya at tumango

"Okay." Aniya.

Nang makarating sa kusina ay kaagad na binuksan niya ang refrigerator, nagulat siya ng makitang halos wala ng laman iyon, tanging water bottles, iilang itlog, isang fresh milk at cereals. Binuksan niya ang freezer, isang balot ng ham at hotdogs na lang ang nakita niya na hindi naman pagkain sa panghapunan.

Isinara niya ang fridge at tumingin sa dalawang bata.

"Ano bang gusto ninyong kainin?" tanong niya sa mga ito

"Gusto ko ng fried chicken!" masiglang sabi ni Ken

"Ako din uncle Yuan, gusto ko ng fried chicken." Sabi naman ni Ren

Wala siyang nakitang marinade chicken sa loob ng fridge, hindi naman niya maaaring pakealaman ang mga alagang manok sa poultry dahil tiyak na magagalit sa kanya si Jessica, wala rin siyang ideya kung paano magkatay ng native chicken at kung mayron man sigurado siyang gutom na gutom na ang dalawang bata.

"Okay, listen to me kids, bad news dahil walang stock na manok sa loob ng fridge." Aniya sa mga ito, nakita niyang nanlumo ang mga ito kaya mabilis na nagsalita muli siya.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now