CHAPTER TWENTY THREE

2.7K 54 0
                                    

"Okay lang ba sa'yo na umabsent sa work mo para lang samahan kami ng mga bata?" tanong ni Jessica, nasa isang dental clinic sila upang magpabunot ng nginpin ang dalawang bata, noong isang araw pa umuungot ang mga ito na masakit ang ngipin.

Nagkibit balikat ang binata, "Hawak ko ang oras ko, aalis ako kung kailan ko gusto." Sagot nito, iningusan niya ito.

"Hindi porke't ikaw ang may ari ng kumpanya mo, magiging iresponsable ka na sa oras ng trabaho." Aniya sabay irap, mahinang tumawa ang binata.

"I'm sorry, hindi ko lang kasi matiis ang mga bata." Anito na sinulyapan ang dalawang bata na kasalukuyang binubunutan na ng dentist.

Nakaramdam ng pagkalungkot si Jessica, hiniling niya na sana ay totoo ang mga sinabi nito pero alam naman niyang parte lamang iyon ng pagpapanggap nila, kailangan na palagi silang magkasama para makita ng mga taong nakakakilala dito na totoo ang relasyon nila.

"By the way, next week is our engagement party." Anito, nagulat siya sa sinabi nito.

"Engagement party?" napaawang ang labing saad niya, tumango ito

"Yeah, our engagement party, next month na ang kasal natin kaya kailangang ma-engage na tayo kaagad." Nakangiting paliwanag nito, gusto niyang magsaya, gusto niyang umiyak sa sobrang kaligayahan dahil nalalapit na ang opisyal na pag anunsyo ng kasal nila ni Yuan, na susunod na buwan na ang kasal nila, ang pangarap niyang maikasal sa mahal niyang si Yuan...pero paano? Paano siya magiging masaya kung alam naman niyang pagpapanggap lamang iyon? Na hindi iyon totoo, na pagkatapos mailipat ang mamanahin ng binata sa pangalan nito ay maghihiwalay na rin sila.

Hindi niya alam na nagreplect sa mga mata niya ang kalungkutan niya kaya naman masuyong hinawakan ni Yuan ang kamay niya.

"What's wrong Jess? May problema ba?" nag aalalang tanong nito, mabilis na umiling siya.

"Wala, kinakabahan lang ako." Aniya, Yuan smiled at her.

"H'wag kang kabahan, everything is going to be alright." Anito na nakatingin sa mga mata niya at masuyo pang hinaplos ang buhok niya.

Her heart almost melted in his gaze, parang gusto niyang yumakap dito at sabihin ang totoong nararamdaman niya.

Ano bang pinagsasasabi mo Jessica? Hindi ba at galit ka kay Yuan? Hindi ba at ayaw mo sa katulad niyang manloloko at sinungaling? Bakit ngayon ay nagkakaganyan ka?

She didn't know either, pakiramdam kasi niya nawawala ang galit niya sa tuwing nasa tabi na niya ang binata, sa tuwing maririnig na niya ang tinig nito.

"Miss, okay na raw yung dalawang bata sabi ni Dok." Naagaw ang atensyon nila sa assistant ng dentist.

Mabilis siyang tumayo at nilapitan ang mga ito.

"Kamusta? Hindi na ba sumasakit?" tanong ni Yuan sa mga bata nang lapitan ito ng binata.

"Hindi na po." Sagot ni Ren, nakangiting ginulo nito ang buhok ng bata pagkuwan ay nagsalita.

"Gusto ninyo ng ice cream?" nakangiting tanong nito, mabilis na tumingin sa kanya ang dalawang bata na tila humihingi ng permiso para kumain ng ice cream.

Nakangiting tumango naman siya, "Sige lang."

Ganon na lamang ang tuwa ng mga ito na sumama kay Yuan na nauna nang lumabas ng clinic, nagbabayad pa siya sa assistant nito nang marinig niya ang sinabi nito.

"Ang cute naman ng family ninyo." Komento ng doktora.

"Ang gwapo ng asawa ninyo." Kinikilig namang komento ng assistant nito, nginitian lang niya ito, gusto niyang ipagmalaki ang bagay na iyon subalit alam niyang hindi naman magtatagal iyon.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now