CHAPTER ELEVEN

2.4K 54 0
                                    

Ilang linggo na si Yuan sa poultry at habang tumatagal ay lalo lang nararamdaman ni Jessica ang halaga ng binata sa kanya, na espesyal ito sa buhay niya.

Nakita niyang mabuti itong tao, nakita niya ang pagiging masipag nito, pagiging maalalahanin at magiliw sa mga bata, at aaminin niya na lalong lumalalim ang nararamdaman niya para dito.

Nagsimula na rin ang pasukan, nakakatuwang isipin na pumapasok na sina Ken at Ren, grade one na ang pitong taong si Ren at nasa nursery naman si Ken.

Nang araw na iyon ay nasa opisina si Jessica habang nakikiusap kay Mrs. Tullia na pagbigyan siya nito dahil hindi siya nakabayad ng linggong iyon.

"Pasensya na po, dodoblehin ko na lang po sa susunod." Aniya, napangiwi siya sa malakas na boses nito, paulit ulit lang din ang pananakot nitong ii-lit nito ang bahay at lupa kapag hindi siya nakabayad sa susunod na linggo.

"Opo, gagawa po ako ng paraan para makabayad." Aniya, "Pasensya na po Mrs. Tullia," aniya, nang ibaba niya ang telepono ay doon lang niya napansin si Yuan na nakatayo na pala sa di kalayuan.

"Sino yung kausap mo?" curious na tanong nito, umiling siya, ayaw niyang sabihin dito ang problema niya, nahihiya din siya dito.

"Ah, wala yun." Nakangiting sabi niya, sinulyapan niya ang relong suot pagkuwan ay tumayo sa pagkakaupo. "Susunduin ko pala sina Ren." Aniya, isang kanto lang naman ang pinapasukang eskwelahan ng mga bata at pwede iyong lakarin.

"Kung gusto mo ako na lang ang susundo." Anang binata, muli siyang ngumiti.

"Hindi na, marami kang ginawa sa araw na ito at alam kong pagod ka." Aniya.

Simula din ng maging malapit sila sa isa't isa ay pinakita rin niya dito ang pag aalala niya, kahit pawisan ang binata ay gumuwapo pa rin ito sa paningin niya ng ngumiti ito sa kanya.

"Wala yun sa'kin, I love what I'm doing." Anito, saglit siyang natigilan at tumingin dito.

Tumalon yata ang puso niya ng masalubong ang mga mata nito, sa pagkakataon iyon ay tila naging seryoso ang mga iyon.

Sa loob niya ay masayang masaya siya pero hindi naman niya alam kung tama bang ipakita iyon sa binata.

Hindi niya kinaya ang pakikipagtitigan sa binata, masyadong intimidating ang mga tingin nito at baka nagtagal ang eye to eye contact niya dito ay bumigay siya.

Magsasalita sana siya ng may umagaw sa atensyon nila, sabay silang napaligon sa labas ng marinig nila ang umiiyak na tinig ni Ren.

Nagkatingin sila sandalin nito pagkuwan ay mabilis na lumabas ng opisina.

Sinalubong niya ang umiiyak na si Ren, kasama nito si Ken na mangiyak ngiyak din habang nakatingin sa kuya nito, ganon na lamang ang pagbangon ng pag aalala niya ng makita niyang madumi ang putting uniporme nito at may sugat ang mga tuhod nito, mukhang nadapa ito.

"Anong nangyari sa'yo Ren? Bakit ka umiiyak? Bakit umuwi rin kayong dalawa na hindi ako hinihintay?" tanong niya dito subalit naroon pa rin ang matinding pag aalala.

"May umaway po kay kuya Ren, nanay." Sumbong ni Ken

"Totoo nga ba Ren?" tanong niya sa umiiyak na bata, tumango ito.

"Opo, yung kaklase ko po, tinulak niya ako habang naglalakad kami." Pagsumbong nito, niyakap niya ito at hinaplos ang likod.

"Bakit kasi hindi ninyo ako hinintay eh." Panenermon pa niya, hindi naman tumigil sa pag iyak si Ren, ayaw naman niyang palakihin pa iyon dahil away bata lang iyon, ayaw din niyang turuang maging bully ang mga ito.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now