CHAPTER FOUR

2.9K 68 1
                                    

"Hindi pa rin ba bumabalik ang mga pinsan mo?" tanong ni Mang Tasyo pagkuwan ay ibinuhos ang kanin baboy sa kaniyang balde, umiling siya.

"Nagkasakit ho ang nanay nila, walang mag aalaga kaya hindi pa ho bumabalik." Aniya, dalawang linggo na ang nakararaan nang mamatay ang kaniyang ina.

Hanggang sa kasalukuyan ay ipinagdadalamhati pa rin niya ang biglaang pag iwan nito sa kanila, at isa pa lalong nadagdagan ang trabaho niya sa bahay.

"Kumuha ka na kaya ng bagong makakatulong mo?" komento nito, "Para naman kahit itong pag iikot mo para humingi ng mga kaning baboy ay ang magiging katulong mo na ang gumawa." Patuloy nito, nagbuga siya ng hangin.

"Kasama ko naman ho si Oscar." Aniya, nagpapasalamat siya sa pinsan dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya iniiwan, humingi rin ito ng extended vacation sa boss nito na kaagad ding pinayagan nang malaman ang mga nangyari sa kanila.

Balak na rin niyang kumuha ng bagong katulong dahil nahihirapan na rin siya, hindi naman nila kaya ng pinsan ang mga gawain sa poultry, hindi biro ang mga ginagawa nila lalo pa at may dalawa siyang inaalagaang bata.

"Pero baka ho maghanap ako ng ekstrang tauhan, salamat ho sa pag aalala mang Tasyo." Aniya

Kahit isang ekstrang tao ang makuha niya sa poultry tutal ay kakaunti na rin naman ang mga inaalagaan niyang hayop.

Nagkasunod sunod kasi ang dilemma na dumating sa buhay niya, una noong mamatay ang kanyang ina pagkatapos ay ilang araw lang ay na peste naman ang ilang hayop sa poultry, maraming manok at bibe ang nagkasakit at namatay, kaya naman doble ang trabahong ginagawa niya.

Wala pa naman siyang hawak na pera dahil hindi pa niya nababawi ang ninakaw na pera sa kanya. Nakuyom niya ang mga palad nang maalala ang walang hiyang magnanakaw na iyon, hindi niya mapigilang mapoot sa taong iyon, nagnakaw na nga pinatay pa ang mama niya, dobleng sakit ang ibinigay nito sa kanya.

Hindi rin niya nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang mama dahil hindi niya nakilala ang magnanakaw na iyon, kung sana ay may nakakita sa pangyayaring iyon.

"Hindi ka na iba sa'kin, hija." Anito, tumango siya.

"Maraming salamat ho." Aniya.

Pinigilan niyang maging emosyonal sa harap ng iba, pinapakita niyang matatag siya pero ang totoo ay mahinang mahina na siya, gabi gabi ay umiiyak siya dahil sa mga nangyari.

Gamit ang side car ay nagpaalam na siya sa matandang lalaki, marami na rin naman siyang nakolektang pagkain ng mga alaga niyang hayop.

Kailangan na niyang bumalik sa bahay, ipagluluto pa niya ng tanghalin ang dalawang bata.

Nang makarating sa poultry ay naabutan niya ang nakaparadang sasakyan sa tapat ng bahay nila, nakatayo roon ang isang matandang babae na sa palagay niya ay nasa singkwenta ang edad.

Kaagad na nilapitan siyang nilapitan ng pinsan niyang si Oscar.

"Jess, kanina ka pa hinihintay ng matandang yun." Anito

"Bakit daw?" kunot noong tanong niya, nagkibit balikat ito.

"Hindi ko alam, wala naman sinasabi." Anito, ipinasa niya ang side car dito, "Ikaw na muna ang magpakain sa mga baboy." Aniya, tumango ito.

Naglakad naman siya palapit sa matandang babae, napansin niya ang nakasimangot na mukha nito habang nakaabsiyete ang mga braso.

"Ikaw ba ang anak ni Josie?" masungit na tanong nito, nakataas din ang isang kilay nito habang nakatingin sa kanya, sa hitsura pa lang nito ay alam niyang hindi na maganda ang ugali ng matanda, tiyak niyang matapobre ito, nagtatakang tumango siya

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon