CHAPTER FOURTEEN

2.3K 57 0
                                    

Nang marinig ni Jessica na sumara ang pinto ng silid niya ay doon lang siya napangiti, narinig niya ang mga sinabi ni Yuan, kahit na naiinis ito sa katigasan ng ulo niya ay naroon ang labis na pag aalala, totoong nahilo siya kanina at natumba, akala nga niya ay sa sahig siya babagsak pero sa pagkamangha niya ay mabilis siyang nasalo ni Yuan, sa matigas na katawan siya nito lumanding.

Hindi naman siya nawalan ng malay, sinadya lang niyang pumikit upang damhin ang kakaibang sensasyong dulot ng pagkakadikit ng mga katawan nila ng binata.

Nang marinig niya ang mga sinabi nito habang buhat siya ay lihim na kinikilig siya, she even congratulate herself not being discovered habang nagtutulog tulogan siya.

Minulat niya ang mga mata at niyakap ang unan na nasa tabi niya, pilit na dinadama pa rin niya ang init ng katawan ni Yuan, kahit na masama ang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay hindi pa rin nakahadlang iyon para makaramdam siya ng kilig at labis na kasiyahan.

I'm in love with him! Mahal kita Yuan, kausap niya sa sarili, Pumapayag na akong maging tatay ng mga bata.

Muling pumikit si Jessica nang maramdaman niya ang muling pagbubukas ng pinto ng silid niya, naramdaman niya ang presensya ng binata, nang lumundo ang kama ay tiyak niyang nakaupo sa tabi niya ang binata.

Bahagya siyang napaigtad nang maramdaman niya ang masuyong paghaplos nito sa noo niya pababa ng kanyang mukha. Maya maya ay nakaramdam siya ng maligamgam na basang tela na dumampi sa kanyang noo.

Shocks! He is such a sweet guy

Pinilit niyang h'wag masyadong maapektuhan sa ginagawa nito dahil tiyak na mabuking siya nitong nagpapanggap lang na tulog.

"Jessica..." narinig niyang bulong nito pagkuwan ay ang pagbuntong hininga nito, "Paano ko ba sasabihin sa'yo na..." hindi nito natuloy ang sasabihin ng makarinig ng pagtawag mula sa labas ng bahay.

Tumayo ito at muling nagbukas sarado ang pinto ng silid niya, muling nagmulat ng mga mata si Jessica, hinaplos niya ang dibdib niya dahil sa malakas na pagtibok niyon, daig pa niya ang aatakihin sa puso habang hinihintay niya ang susunod na sasabihin ng binata.

Istorbo naman! Kung sino man ang tao sa labas ng bahay ay malaking sagabal sa kanilang dalawa ni Yuan, kahit gusto niyang tumayo para silipin kung sino ang nasa labas ng bahay ay hindi na niya kaya pang tumayo, nahihilo na siya at inaantok.

Sa pagpikit niya ng mga mata ay tuluyan na siyang nakatulog.

Nagising si Jessica na masama pa rin ang pakiramdam, mukhang nagtuloy sa trangkaso ang simpleng lagnat niya, tuluyan niyang iminulat ang mga mata at bumungad sa paningin niya ang mukha ng dalawang bata.

"Nanay, may sakit ka?" tanong ni Ken, sinulyapan niya ang bedside clock, nag alala naman siya sa mga ito na baka hindi pa kumakain ng hapunan.

"Kumain na ba kayo? Ipagluluto ko kayo." aniya

Sinubukan niyang bumangon subalit lalo lang yatang nadagdagan ang bigat na naramdaman niya, tila pinupukpok din ng maso ang sintido niya sa sobrang kirot niyon, muli siyang napahiga.

"Nanay, kumain na kami." Sabi ni Ren, eksaktong bumukas ang pinto ng silid, bumungad sa kanyang paningin ang pinakagwapong lalaking nakilala niya sa buong buhay niya. He was smiling at her, napansin din niya ang bitbit nitong tray na may lamang pagkain.

"May sakit ka kaya magpahinga ka na lang muna, nandito naman ako kaya ako na munang bahala sa mga gawain mo." anito na ipinatong sa bedside table ang tray, hindi naman siya nakapagsalita kagaad, pakiwari kasi niya bumabaha ng kaligayahan sa puso niya ng mga sandaling iyon.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now