CHAPTER TWENTY ONE

2.6K 59 0
                                    

Lihim na humanga si Jessica habang pinagmamasdan niya mula ulo hanggang paa ang binata na kalalabas lang ng men's room para magpalit ng damit na binili nila kanina sa palengke. Yuan looks like a model while walking towards her, she can't help but admire him.

Aakalain niya at nang titingin dito na mamahalin ang mga suot nito samantalang isang simple at mumurahing t-shirt at jeans lang naman ang suot nito, na siya pa ang pumili at nakipagtawaran kanina sa tindera sa palengke.

"So how do I look?" nakangiting tanong nito nang makalapit sa kanya, nasa isang mall sila.

"Unfair.." naibulalas niya, napaka-unfair dahil mukha pa rin itong mayaman sa paningin niya at mas gumuwapo yata lalo ito sa paningin niya ngayong simple lang ang suot nito.

The blue t-shirt was fitted perfectly in him, mababakas ang magandang katawan nito, na pakiramdam niya ay napakatigas niyon, na kaya siya nitong ipagtanggol sa kahit na sinong gagawa ng masama sa kanya. Mas lalo ring namuti ang kulay nito sa suot nitong damit.

Nakita niya ang pagkunot ng noo nito.

"Unfair? What do you mean." Takang tanong nito, mabilis siya umiling.

Ayan kasi..kay aga aga ay nagde-daydream ka. Sermon niya sa sarili.

"A-ah, ang ibig kong sabihin..hindi maganda.." aniya, nakagat niya ang labi dahil sa nakapagsinungaling pa siya. It's just a white lies..hindi naman siguro ako ipapatapon sa impyerno dahil sa sinabi ko.

"What's wrong with how I look?" tila dismayadong tanong nito na pinagmasdan pa ang sarili.

Nothing! You're actually looked perfect!

Umismid siya tsaka nagsalita.

"Sige na nga, bagay na kahit na anong isuot mo." hindi na rin niya napigilan ang sarili, hindi rin kasi niya talaga kayang magsinungaling.

Nakita niya ang pag iiba ng ekspresyon nito, tila nangislap ang mga mata nito at lalong lumapad ang mga ngiti.

"Really?"

Muli siyang umismid, "Oo nga sabi."

"Gwapo ba ako sa paningin mo ngayon?" tanong nito, nang tingnan niya ito, she saw his teasing smile, mabilis na tumalikod siya at nagsalita.

"Saan na ba tayo pupunta?" pag iiba niya ng usapan, tumalikod rin siya upang itago ang pamumula ng kanyang pisngi.

Bahagya siyang napaigtad nang kunin nito ang kanyang kamay at hinila siya.

"Nagugutom ka na ba? Gusto mong kumain?" tanong nito

"Hindi ako kumain ng almusal kanina kaya nagugutom na ako." Sagot niya

"Tara, kumain muna tayo." Anito na pumasok sila sa isang fast food chain habang hawak ang isang kamay niya.

Para naman siyang aatakihin sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya.

Maghapon nilang inubos ang oras na magkasama pero hindi man lang nila pinag usapan ang tungkol sa mga plano nito.

"Nanay!" salubong na tawag ng dalawang bata kay Jessica nang pumasok siya sa loob ng bahay, nangunot naman ang noo niya nang makita ang mga ito.

Umuwi lang naman kasi siya upang magpalit ng damit pagkatapos ay susunduin niya ang mga ito sa eskwelahan, ano't naroon na ang mga ito sa bahay?

"Umuwi na naman ba kayo na hindi ako hinihintay?" kunot noong tanong niya, nasa tono ang pag aalala, nangangamba kasi siya na baka may mangyaring masama sa mga ito habang nasa daan pauwi, kahit na ba na walking distance lang naman ang school ng mga ito sa bahay nila. Uso pa naman iyong kini-kidnap na bata pagkuwan ay ibinebenta sa mga sindikato para gamitin sa illegal na gawain.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now