CHAPTER TWENTY FIVE

3.1K 59 0
                                    

Dumating ang araw ng engagement party nina Jessica at Yuan, halo halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon, she felt excited at the same time nervous and she felt sad that she want to cry. Pakiramdam niya ay palapit na ng palapit ang araw na maghihiwalay din sila ni Yuan.

Sa isang kilala at ekslusibong resort ginanap ang engagement party, mula sa malaking salamin ay sinulyapan niya ang sarili niya, suot niya ang napakaganda at napaka-eleganteng black evening gown, iyon madalas lang na sinusuot ng mga babaeng sumasali sa beauty pageant. Itinaas ang buhok niya at napakalinis ng make up niya, aaminin niyang napakaganda niya ng mga sandaling iyon, kahit siya ay hindi niya makilala ang sarili, simple lang kasi siyang babae at hindi pa siya nabibihisan ng ganong kaganda.

Ano kayang reaksyon niya? Kinakabahan din siya sa magiging reaksyon ni Yuan.

Lumapit siya sa bintana ng silid na inookupahan ni Jessica at sinilip niya ang napakagarbong garden lawn ng resort na iyon, nakita niya ang hindi mabilang na bisita, hindi maipagkakailang kabilang sa alta sociadad ang mga ito.

Nakita niya ang mga kaibigan ni Yuan, kumpleto ang buong host men, masaya ang mga ito habang kausap si Yuan.

Tumibok ng napakalakas ang puso niya nang makita ang bulto ng binata, napakagwapo nito sa suot nitong silver suit, walang tanging lalaki ang nakakapagpakaba sa kanya ng ganon kundi si Yuan lamang.

"Oh Yuan, mahal na mahal kita." Anas niya, pinigil niyang lumuha dahil masisira ang make up niya, ayaw din niyang mahalata ng binata na namumula ang mga mata niya.

Hindi pwedeng masira ang pagpapanggap nilang iyon, naagaw ang atensyon niya ng bumukas ang pinto.

"Miss Jessica, pinasusundo na po kayo ni sir Yashiro." Sabi ng babae na isa sa mga empleyado ni Yuan sa Yashiro building.

"Okay sige." Aniya na lalong dumoble ang kabang nararamdaman.

Sa huling pagkakataon ay sinilip muli niya ang binata sa ibaba at nakita niyang naglalakad na ito papasok ng resort siguro ay upang sunduin siya.

Akmang paalis na siya sa bintana ng mahagip ng mga mata niya ang pamilyar na bulto ng lalaki, si Hanz. Oo nga't invited ito sa engagement party nila ni Yuan pero hindi niya aakalain na dadalo rin ito.

Napansin niyang may isinukbit itong bagay sa tagiliran ng suot nitong suit pagkuwan ay palihim na sinundan si Yuan. Ganon na lamang ang pagbangon ng matinding pag aalala niya at takot, baka kung anong gawin nitong masama kay Yuan.

Mabilis siyang lumabas ng silid na iyon, nagtaka naman ang babaeng naghihintay sa kanya dahil sa biglaang pagmamadali niya.

"Miss Jessica, saan kayo pupunta?" tanong nito, binalingan niya ito.

"Tumawag ka ng mga pulis!" aniya na nagtatakbo pababa ng hagdan, nagulat ito pero hindi na niya narinig pa ang sinabi nito.

Palibhasa ay napakalawak ng resort na iyon kaya hindi niya alam kung saan dadaan si Yuan para sunduin siya.

Excited na naglalakad si Yuan para sunduin si Jessica, ang gabing iyon ang tamang panahon para aminin sa dalaga ang katotohanan, ang totoong nararamdaman niya. Sana lang ay tanggapin uli siya nito.

Inayos niya ang necktie sa suot niyang suit bago nagpatuloy sa paglalakad, nasa hallway na siya ng ikalawang palapag nang makarinig ng boses mula sa likuran niya.

"Mr. Yuan Yashiro." Tawag mula sa likuran niya, pamilyar na sa kanya ang tinig nito kaya tama nga siya ng hinala kung sino ito nang balingan niya.

"Hanz Reyes."

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now