EPILOGUE

4.1K 134 39
                                    

Makalipas ang limang taon.....

Nakangiting pinagmamasdan ni Yuan ang mga litrato sa photo album na hawak niya, hindi niya napigilang balikan ang masasayang sandali na kasama niya ang mga kaibigan. Lumapad ang ngiti nang makita ang ilang wacky pictures nila habang nasa loob ng host club.

Ilang taon na rin simula nang pansamantalang maghiwa-hiwalay sila ng landas dahil may kanya kanya na silang pamilyang binuo.

Hindi naman nagsara ang Flower Boys Host Club dahil patuloy pa rin namang pinupuntahan iyon ng maraming tao, iyon nga lang hindi na ang original flower boys ang nagsisilbing host men.

Paminsan minsan ay bumibisita ang mga kaibigan niya doon para magbonding subalit nakakalungkot dahil hindi sila naku-kumpleto.

Kaya naman gumawa siya ng paraan para makumpleto muli ang Flower Boys, bilang presidente ng host club ay isinagawa niya ang get-together nila.

Nasa host club siya ng mga sandaling iyon habang hinihintay ang mga kaibigan, preperado na ang lahat para sa reunion na iyon.

Naagaw ang atensyon ni Yuan nang may kumalabit sa laylayan ng suot niyang jacket, nang balingan ay niya nakita ang isang munting batang lalaki.

"Tatay..." tawag nito sa kanya, napangiti siya at binuhat ang apat na taong gulang na anak, si Shin.

"Nagising na pala siya." sabi ng asawa niyang si Jessica, lumabas lang ito sandali dahil sinundo nito sina Ren at Ken, nasa gradeschool na pareho ang dalawa at masasabi niyang napakaswerte niya dahil parehong matalinong bata ang mga ito.

"Tay!" magkasunod na tawag sa kanya nina Ren at Ken na kapapasok lang ng host club.

Isinara niya ang photo album at tuluyang nakuha ang atensyon niya ng kanyang pamilya.

"Kamusta ang parents meeting?" tanong niya sa asawa, humalik muna ito sa pisngi niya bago sumagot.

"Okay naman, kasama pareho sa honor sina Ken at Ren." Masayang pagbabalita nito

"Oh really? I'm a proud tatay!" masayang bulalas niya na nilapitan ang dalawang bata at ginulo ang mga buhok nito.

Habang masaya silang nagkukwentuhan ay may nagsalita mula sa entrance ng host club.

"Wow! Happy family." Sabi ni Trevor, kasama nito ang asawa nitong si March habang buhat din nito ang tatlong taong gulang na anak na lalaki, si Trent Allejo.

Simula nang pakasalan nito si March ay lalong naging pursigido ang kaibigan sa trabaho nito, isa itong civil engineer kaya kung saan saan ito nade-destino, kaya bihira na talagang mapadpad sa host club ang kaibigan.

Lumapit ito at nagyakapan sila nito bilang pagbati.

Hindi pa nagtatagal ay dumating na rin isa-isa ang mga kaibigan niya.

"Hey, what's up!" a cheerful voice said behind them, napangiti siya dahil alam niyang si Einar ang dumating na kagagaling lang sa Korea kasama ang buong pamilya nito, kasama nito ang asawang si Keitlene na hawak sa magkabilang kamay ang twins na limang taong gulang na, sina Zach at Zeke Park.

"Ang daldal mo pa rin kahit kailan." Kasunod nito si Kaizer na naiiling pa habang buhat buhat ang dalawang taong gulang na babaeng anak nito na si Riko, kasama din nito ang asawang si Reika na hawak naman sa kamay ang panganay na anak ng mga ito, si Kaiden Aldena, apat na taong gulang.

"Hindi ka na nasanay kay bayaw." Natatawang sabi naman ni Reed, akbay nito ang asawang si Eiren na nagquit sa sikat na girl group sa korea at ngayon ay isa nang plain house wife ng kaibigan at inaalagaan ang apat na taong gulang na anak na si Dylan.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now