CHAPTER NINE

2.7K 67 0
                                    

"Tao po!" tawag ng boses ng lalaki mula sa labas, katatapos lang nilang kumain, tinutulungan niyang magligpit ng pinagkainan ang binata, kahit na pilit siya nitong pinagpapahinga ay tumanggi siya, ayaw niyang masanay sa ganon baka kasi sa susunod ay hanap hanapin na niya ang ginagawa nito sa kaniya at sa dalawang bata.

"Sino kaya iyon? Gabi na ah." Takang saad niya, sumilip pa siya sa makitid na siwang ng bintana ng kusina, mula roon ay kita niya ang labas subalit dahil madilim na ay hindi niya makita kung sino ang tao sa labas ng gate.

Napansin niyang tumigil sa pagliligpit si Yuan, ibinaba nito sa lababo ang maruruming mga plato pagkuwan ay nagsalita.

"He's here." Bulong nito na narinig naman niya, kunot noong tumingin siya sa binata

"Sino?"

"Titingin sa'yo." Nakangiting sabi nito

"Ano?" hindi naman niya maintindihan ang sinabi nito

"Tumawag ako ng doktor para check up-in ka, baka kasi napilayan ka o ano, mabuti na yung nakakatiyak tayo sa kalagayan mo." paliwanag nito pagkuwan ay naglakad na at iniwanan siya, awang ang labing natitigilan siya, hindi niya alam kung anong iisipin sa ginagawa ng binata pero gayon paman ay kumibot na naman ang puso niya at kinilig siya, pero ng maisip niya ang isang bagay ay natapik niya ang noo ng di oras.

Saan ako kukuha ng pambayad sa doktor na iyon?

Sumunod siya sa binata kahit na iika ika pa rin, kailangan niyang pigilan si Yuan, wala siyang pambayad sa doktor na iyon, ni hindi nga siya nakapaningil ng maayos kanina sa talipapa dahil iilan lang ang nagbayad sa kanya. Hindi nga niya alam kung saan siya kukuha ng panggastos sa buwan na iyon, susuwelduhan pa niya ito sa susunod na araw para sa lingguhang bayad niya dito.

Palabas na siya ng bahay ng makita niyang nakabalik na ito at kasunod nito ang isang matangkad na lalaking nakasalamin pero gayon pa man ay hindi nakasagabal iyon sa taglay nitong kagwapuhan, hindi nagkakalayo ang dalawang lalaki pagdating sa pisikal na aspeto.

"Nandito na si doktor Carreon." Nakangiting sabi ni Yuan

"Pero wala akong pambayad sa kinuha mong doktor." Kaagad na sabi niya, napatingin siya sa gwapong doktor ng magsalita ito.

"It's okay, I'm a member of the FBHC foundation where this kind of service were absolutely free." Saad ng doktor, napaawang naman ang labi niya, hindi niya akalain na may ganong palang foundation.

"Ano yung FBHC?" Takang tanong niya dito

"The Flower Boys Host Club Foundation aims to help people regards to their medical and financial problems, so I'm here to help you." wika ng doktor, "May I know your name, miss?" pagkuwan ay tanong nito sa pangalan niya.

"Jessica, Jessica Angeles ang pangalan ko." wala sa sariling sagot niya, hindi nalingid sa kanya ang kakaibang tingin nito kay Yuan, hindi niya iyon pinansin dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig niya, "Talaga bang may ganong foundation?" tanong pa rin niya, si Yuan na ang sumagot.

"Oo meron, marami na silang natutulungan." Anito, "Miyembro din ako sa foundation na iyon." anito pa

"Talaga?" amuse na sabi niya, nahimas naman nito ang batok

"Oo, gustong gusto ko kasing nakakatulong sa ibang tao." Anito, she can't help but to admire him for being kind person.

Hindi na siya nagsalita pa nang lapitan siya ng doktor at nagsalita.

"Ano bang nararamdaman mo ngayon?" umpisa nito, inalalayan siya nito patungo sa sala, nagtungo naman sa kusina si Yuan para ipagpatuloy siguro ang pagliligpit.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now