CHAPTER FIFTEEN

2.3K 48 0
                                    

"Thank you again for this Yuan." sabi ni Jessica sa binata, nasa ilalim sila ng puno ng mangga habang magkatabi sa duyan, katatapos lang nilang kumain.

"Wala yun." Sagot ng binata, bahagya nitong inuugoy ang duyan.

Sinulyapan niya ang dalawang bata na hindi pa rin tapos sa pagkain.

"Ngayon lang ako sinorpresa sa tanang buhay ko at masarap pala sa pakiramdam ang bagay na iyon." pag amin niya sa binata, nakita niya sa peripheral vision niya na tumingin sa kanya ang binata, kahit na nagbabadya na naman ang rambulan sa loob niya ay nagpatuloy siya.

"Simple lang naman ang gusto ko noon kapag sumasapit ang kaarawan ko, gusto ko kumpleto kami ng pamilya ko, kahit kaunting handa lang basta sama sama kaming nagsalo-salo, noon ngang nagdebut ako, ang sabi ko kay papa, imbes na gastusin sa bonggang handaan ang perang naitatago niya para nga sa importanteng araw na iyon sa buhay ko, mas gugustuhin ko pang ibili niya iyon ng sasakyan para makatulong sa poultry niya." pagbabalik tanaw niya, nagsisimula na rin siyang ibahagi dito ang buhay niya, wala na rin namang dahilan para hindi niya iyon sabihin, gusto niya ang binata at gusto niyang maging parte ito ng buhay niya.

"Nabili ni papa yung delivery truck noon dahil iyon din ang gusto ko." aniya pa, bigla ay nalungkot siya ng maalala niyang naipagbili na niya ang truck noong nakaraang buwan lang. "Kaya lang wala na yung truck, naipagbenta ko na dahil kailangan."

Mataman siyang pinagmamasdan ni Yuan, tahimik din itong nakikinig sa kanya.

"May malaking utang si mama na naiwan at ako ang nagbabayad ngayon." Kwento pa niya, "Kung hindi ko mababayaran iyon, mawawala na nang tuluyan ang poultry sa akin." Nagbuntong hininga siya pagkuwan ay tumingin sa binata.

"Alam mo bang hindi ako basta basta nagku-kwento ng buhay ko sa ibang tao." Sabi niya sa binata.

"Alam ko." anito, tumango siya.

"Mga taong malapit at pinagkakatiwalaan ko lang ng lubos ang sinasabihan ko ng mga problema ko at ng kwento sa buhay ko." pag amin niya, hindi niya alam kung tama ba ang nakitang pagningning ng mga mata nito sa sinabi niya.

"Naging malapit ka sa mga bata, nakikita kong masaya sila kapag nandyan ka."

Nakita niyang naging seryoso ito nang tumitig sa kanyang mga mata.

"Ang mga bata lang ba ang masaya? Hindi ka ba masaya na nandito ako?" tanong nito, bigla ay nagrigodon ang puso niya.

"Ma-" hindi natuloy ang sasabihin niya nang lumapit sa kanya ang dalawang bata, hindi na siya nakailag pa ng pahiran siya ng mga ito ng icing sa mukha.

Wrong timing naman! Nandun na eh, magkakaalamanan na eh...

Napatayo siya at nakangiting gumanti sa mga ito, nakita niyang pinahiran din ni Ren ng icing sa mukha si Yuan, doon na tuluyang napunta ang atensyon nila.

Masaya silang nagtatawanan habang hinahabol ang mga bata, hindi naman niya alam na nasa likuran niya si Yuan kaya nang humarap siya ay eksaktong napahiran niya sa mukha ang binata.

"Oops! I'm sorry." Paghingi niya ng sorry, saglit na inalis nito ang icing sa bahaging pisngi pagkuwan ay ipinahid naman iyon sa mukha niya.

Napatili siya dahil sa ginawa nito, parang musika sa pandinig niya ng bigla itong tumawa, ang sarap sarap sa pakiramdam niyon.

Eksaktong gaganti siya sa binata nang may marinig na palakpak at tinig mula sa likuran nila.

"Wow! Ang sweet naman."

Pareho nilang binalingan ang nagsalita, nakita niya si Hanz habang pumapalakpak pa, may bitbit itong paper bag na nakasabit sa braso nito, ang pumpon ng bulaklak ay nakapatong sa lamesa.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now