CHAPTER TWELVE

2.4K 53 0
                                    

Nang buksan ni Jessica ang gate ay bumungad sa mga mata niya ang bulto ng matangkad na lalaki, nakangiti itong nakatingin sa kanya habang may hawak na pumpon ng bulaklak.

"Good morning Jess." The man greeted her, imbis na batiin ito ay kumilos siya at akmang isasara ang gate subalit mabilis naman siya nitong pinigilan.

"Hey, that's rude babe." Angal ng binata sa kanya, na guilty naman siya kaya hindi niya tinuloy ang pagsara ng gate.

"Ano bang kailangan mo, Hanz?" kahit inis ay hindi niya ipinahalata sa tinig niya.

"I'm here to visit you." Sagot nito

"Wala akong sakit para bisitahin mo." sarkastikong sagot niya, narinig niya ang pagak na pagtawa nito.

"Nah, you're trying to be funny babe, well nandito ako para makita ka." Anito, "I really miss you babe." Patuloy nito, inis na nagbuga siya ng hangin.

"Pwede ba Hanz, sop calling me babe." Iritadong saad niya

"But I used to call you babe." Sagot nito, "You're still my babe, Jessica." Seryosong sabi nito, saglit niyang pinagmasdan ang lalaki, gwapo at matikas pa rin ang pangangatawan ni Hanz, matangkad din ito at makinis ang balat, he was wearing business suit that gives him an intimidating looks pero hindi na iyon uubra sa kanya, matagal na niyang nakalimutan ang lalaki. Minsan na niyang minahal ito pero matagal na iyon at hindi na niya pa gustong bumalik dito, makulit lang talaga ito at hindi na niya alam kung sa paanong paraan niya sasabihin dito na wala na itong babalikan sa kanya.

"Dati yun, hindi na ngayon, wala na tayo." aniya, saglit na natahimik ang binata pagkuwan ay sumilip sa loob ng poultry.

"Kasama mo ba yung mga maton mong pinsan?" tanong nito, ang tinutukoy nito ay ang mga pinsan niyang sina Randy na katu-katulong din niya sa poultry na hanggang sa kasalukuyan ay nasa probinsya pa rin.

"Wala sila." Kaswal na sabi niya, nakita niya ang pagliwanag ng mukha nito.

"Oh! Hindi mo ba ako papapasukin?" nakangiting sabi nito, "Mahaba ang biniyahe ko, kagagaling ko lang din sa Amerika at dito ako dumiretso para makita at makausap ka, Jess." Sabi pa nito, umiling siya.

"Hanz, wala na tayong dapat pang pag usapan, matagal na tayong tapos." Giit niya, nakita niya ang dismayadong mukha nito.

"Pero naayos na ang divorce papers namin ng dati kong asawa, wala na kami, malaya na tayong magmahalan." Anito, muli siyang umiling.

"Sinabi ko na sa'yong hindi na ako makikipagbalikan sa'yo Hanz, tigilan mo na to." Aniya, hindi nalingid sa kanya ang pagtigas ng anyo nito.

"No way Jessica, you can't do this to me. Madami na akong ginawa para makipagbalikan ka sa'kin, hindi ako papayag na hindi iyon mangyari." Madilim ang anyong sabi nito, bahagya siyang napaatras dahil lumapit sa kanya ang lalaki.

"Narinig mo ba ako? Akin ka lang." matigas ang tinig na sabi nito, akma siya nitong hahawakan nang may humila sa kanya mula sa likuran niya.

"Narinig mo rin ba ang sinabi niya? Hindi na siya makikipagbalikan pa kaya umalis ka na at tigilan mo na siya." Seryosong sabi ni Yuan, nagulat man siya sa biglang pagsulpot nito gayonpaman ay natuwa rin siya, feeling niya ay tagapagtanggol niya ito.

Ganon na lamang ang pagkalukot ng ilong ni Hanz sa sobrang pagkapikon.

"And who the hell is he Jessica?" inis na baling sa kanya ni Hanz.

"A-ah, my...my.." hindi niya alam kung magsisinungaling ba siya o hindi, subalit minabuti niyang sabihin ang totoo. Ayaw nga niya sa mga taong sinungaling tapos siya ay magsisinungaling din.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now