CHAPTER NINETEEN

2.3K 50 0
                                    

Lugong lugong naglakad sa parking lot si Jessica, pasakay na siya sa sasakyan nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ng security guard na naghatid sa kanya kanina lang palabas ng building na iyon.

"Sandali lang ho ma'am." Sabi ng guard, takang isinara niya ang pinto ng sasakyan at tumingin dito.

"Bakit ho manong?" tanong niya, nakangiti na sa kanya ang guard na kanina lamang ay pinagsungitan siya, naiintindihan naman niya ang mga tao sa loob dahil ginagawa lang ng mga ito ang trabaho ng mga ito at dahil wala siyang appointment kay Mr. Yashiro ay pinoprotektahan lang ng mga ito ang seguridad ng buong building na iyon.

"Ma'am, gusto raw po kayong makausap ni Sir Yashiro." Anito, ganon na lamang ang pagliwanag ng mukha niya

"Talaga ho?" hindi makapaniwalang saad niya, tumango ang lalaki

"Oho, mukhang nakita niya kayo sa cctv kanina na nakikiusap sa clerk." Anito, napakaswerte naman niya kung ganoon. "Mabait kasi talaga si sir Yashiro sa kahit kanino kaya kahit wala kayong meeting sa kanya ay binigyan niya kayo ng oras para kausapin." Patuloy pa ng guard, sana nga kung gayon! Kung mabait ang Mr. Yashiro na iyon mapapadali ang pakiusap niya dito na bawiin ang tierra poultry.

Bumalik siya sa loob ng Yashiro building, hinatid siya ng guard hanggang sa elevator.

"Nasa top floor ang opisina ni sir Yashiro, may sasalubong na sa inyong guard doon para ihatid kay sir." Sabi pa ng guard.

"Maraming salamat manong." Nakangiting sabi niya, nakangiting tumango lang ang guard. Mukha namang mabait nga ang may ari ng Yashiro builsing na iyon dahil nagre-reflect sa mga tauhan nito.

Sana nga ay mapakiusapan niya ito at gagawin naman niya ang lahat para lang pumayag ito sa gusto niya.

Nang makarating sa top floor ay kaagad siyang sinalubong ng isang security guard, nakangiti siya nitong binati.

"Good morning ma'am." Bati nito

"Good morning din po." Ganting bati niya, "Saan ho ang opisina ni Mr. Yuan?" tanong niya, lalong lumapad ang ngiti ng security guard.

"Ito hong buong floor ang opisina ni sir Yashiro." Anito, ganon na lamang ang pag awang ng bibig niya pagkuwan ay pinagmasdan ang buong floor.

Ganon ba kayaman ang Mr. Yashiro na iyon? Aba'y tinalo pa nito ang boss niya noon na may ari ng isang kilalang publishing company bagamat malaki rin ang opisina noon ng boss niya, hindi naman ganoong kalaki at kagandang katulad niyon.

Bigla tuloy siyang kinabahan, ano kayang hitsura ng Mr. Yashiro na iyon? Mabait nga ba talaga siya? Sana nga..

"Sumunod po kayo sa akin." Yakag sa kanya ng guard nang hindi siya umimik pa, sumunod naman siya rito.

Habang naglalakad sa kahabaan ng hallway ay lalong nadaragdagan ang kaba ni Jessica, napakatahimik kasi sa lugar na iyon, even the air-conditioning equipment only dared to whisper, sa malawak na hallway ay may nakasabit na malalaking paintings na tiyak niyang hindi basta basta ang halaga, napakaganda rin ng mga iyon na tila buhay na buhay sa paningin niya, curious na sinilip niya ang artist ng magagandang paintings na nakasabit, iisa lang ang initial ng painter, 'TP'. Isa lang ang kilala niyang sikat na painter na may TP initial, si Tanner Patrick na dati na niyang nabasa sa isang magazine.

"Nandito na tayo ma'am." Agaw ng guard sa atensyon ni Jessica, hindi niya akalain na naging abala siya sa pagtingin at paghanga sa mga paintings na nadaanan niya.

Itinuon niya ang mga mata sa unahan at doon lang niya nakita na nakatapat na siya sa isang glass door, nabasa pa niya ang nakasabit na Mr. President.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon