CHAPTER SIX

2.7K 61 0
                                    

"May problema ba, Oscar?" takang tanong ni Jessica sa pinsan nang makita niyang balisang lumapit sa kanya ang pinsan.

"Oo, kailangan ko kasing umuwi sa bicol, nagkaproblema si misis sa pinagbubuntis niyang anak namin, kailangan kong malaman kung ano nang kalagayan niya." Sabi nito, kauuwi lang nito nang hapong iyon.

"Ganon ba?" nalaglag ang mga balikat niya sa sinabi nito, ibig sabihin ay mag isa na naman siya sa poultry, gumaan nga kahit papaano ang gawain niya ng dumating ito at tulungan siya.

Napatingin sila pareho kay Yuan na kapapasok lang sa opisinang iyon.

"H'wag kang mag alala, nandito naman si Yuan para tulungan ka." Nakangiting sabi ni Oscar, takang lumapit sa kanila ang binata.

"Bakit? Anong problema?" kahit lukot ang kilay nito ay hindi man lang nakabawas sa kagwapuhan nito iyon.

"Kailangan ko kasing umuwi sa probinsya dahil kay misis." Anang pinsan niya, tuluyan na itong bumaling sa binata, "Ikaw nang bahala sa pinsan ko, hindi niya kayang mag isa lalo na ngayon." Anito pa

"Gagawin ko ang lahat para matulungan siya." Nakangiti nang sabi ni Yuan, hindi naman niya pinansin ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

"Kailan ba ang alis mo?" pagkuha niya sa atensyon ng pinsan.

"Mamayang gabi kaya kailangan ko nang mag empake." Anito

Maya maya ay lumabas na rin ito kaya naiwan sila ng binata, nailang si Jessica sa katahimikan sa pagitan nila nito kaya binasag na niya iyon at nagsalita.

"Tulungan mo akong ipasok ang mga bibe sa kulungan." Aniya na nagpatiunang lumabas.

"Okay." Sagot naman nito.

Natigil ang paghuli ni Jessica sa mga manok ng marinig niya ang boses ng lalaki, kanina pa sila tahimik at pinakikiramdaman ang isa't isa at doon nga nito binasag ang katahimikan sa pagitan nila.

"Pwede ba akong magtanong, kung hindi mo mamasamain?" narinig niyang tanong nito, tumingin siya sa binata na nasa tapat ng kulungan habang isinasara iyon.

"Tungkol saan?" kaswal na sagot niya.

"Tungkol sa dalawang bata." Anito, nakuha naman kaagad niya ang gustong itanong nito kaya sumagot na siya bago pa nito ituloy ang sasabihin nito.

"Hindi sila galing sa'kin, dalaga pa ako at walang nobyo." Aniya, lihim na napangiwi siya, she sounds too defensive. Pakiramdam din niya ay sinabi niya iyon upang hindi masira ang tingin nito sa pagkadalaga niya.

Ano bang nangyayari sa'kin? Noon naman wala siyang pakealam kung isipin ng iba na anak nga niya sina Ren at Ken, na dalagang ina siya pero bakit kaya nakapadefensive niya ngayon?

Nakita niyang tila mas naging masigla ang lalaki.

"Paano sila napunta sa poder mo?" tanong nito

Hindi naman niya alam kung bakit isinalaysay niya dito ang istorya ng buhay nilang mag iina siguro dahil may malaking bahagi sa kanya na pinagkakatiwalaan ang binata.

"Aksidente lang naman ang pagiging biglaang ina ko sa kanila pero gayunpaman ay minahal ko sila at tinuring ko silang parang tunay na mga anak." Sabi pa niya pagkatapos niyang magkwento

When she looked at the man, she saw amusement written in his face, parang manghang mangha din ito sa ginawa niyang pag ampon sa dalawang bata.

"You know what?" anito

"What?" kunot noong tanong niya

"You're going to be a good mother and wife someday." He commented, kung bakit naman nagpalakpakan ang mga tainga niya sa compliment nito, namula din ang mga pisngi niya dahil sa sinabi nito.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now