CHAPTER TWO

3.4K 74 1
                                    

Binuksan ni Jessica ang stereo ng minamaneho niyang delivery truck, nasa kabahaan na siya ng Quezon city, bahagyang hume-head bang pa ang kaniyang ulo habang sinasabayan ang kantang pumapailanlang.

"Since I was walking in a wrong direction, I barely recognize my own reflection. Ohh, scared of love but scared of life alone.." pagsabay niya sa kanta

"Yeah, I'm ready to feel now, no longer I'm afraid of to fall down, it must be time to move on now, without the fear how it might end. I guess I'm ready to love again."

Naiiling tuloy siya, pakiramdam niya ay kanta iyon para sa kanya, natatakot siyang mainlove muli pero natatakot naman siyang mag isa sa buhay.

Since Hanz broke her heart, isinara na niya ang puso niya sa iba, ilang buwan din kasi niyang iniyakan ang dating nobyo, unang pag ibig niya iyon pero labis lang siyang nasaktan, at kahit nakikipagbalikan ito sa kanya ay ayaw naman niya dahil mali ang inibig niya ito sa umpisa pa lang.

Nagbuntong hininga siya, pinatay na lang niya ang stereo para mawala ang kahugkagang nararamdaman niya, hindi rin makakabuti iyon para sa kanya. Marami siyang ginagawa para isipin pa ang pag ibig-pag ibig na yun at isa pa may mga taong nagmamahal naman sa kanya at mahal na mahal din niya.

"They were my love of my life." Nakangiting bulong niya habang nasa kalsada ang atensyon.

Malayo pa lang ay tanaw na ni Jessica ang matinding trapik, rush hour nga pala, maraming estudyante at empleyado ang nagmamadaling pumasok kapag ganong oras.

Iniliko niya ang sasakyan, doon siya sa pribadong kalsada dadaan kung saan may alam siyang short cut para malampasan ang trapik na madadaanan.

Mangilang ngilan pa lang na motorista ang nakakaalam sa short cut na daan na iyon.

Pinagpatuloy niya ang pagmamaneho pero ilang sandali pa ay pinasingkit niya ang mga mata kung tama ba ang nakikita niya mula sa malayo, isang matandang babae ang nasa gilid ng kalsada na tila gustong tumawid pero dahil may ilang sasakyang dumaraan ay urong sulong ito.

Walang ring panahon ang mga ito para pagbigyan ang matandang babaeng tumawid, bumangon ang pag aalala niya.

Hindi naman siya nag aksaya ng oras, bigla niyang itinigil ang sasakyan, kahit nakarinig siya ng mga pagbusina sa likuran niya ay hindi niya pinansin ang mga ito, bumaba siya ng truck at nilapitan niya ang matanda.

Kamuntikan nang mahulog sa kandungan ni Yuan ang nakabukas na lap top niya, kasalukuyang nagbabasa siya ng mga importanteng e-mail na natanggap niya sa araw na iyon nang biglang magpreno si Jun.

"What's wrong Jun?" kunot noong tanong niya sa driver niya

"Pasensya na master, bigla kasing tumigil itong truck na nasa unahan natin." Anito na itinuro ang delivery truck na nasa unahang bahagi ng sasakyan nila.

"Ganon ba? Check the driver, baka may problema ang sasakyan niya." imbis na magalit ay nag alala pa siya sa driver ng delivery truck.

Sumunod naman si Jun sa sinabi niya, inibis nito ang sasakyan sa tabi ng driver side.

Ibababa pa lang niya ang salamin sa bahagi niya para alamin ang kalagayan nito nang bumukas ang pinto ng driver' side.

Isang black sneakers ang unang bumungad sa kanyang mga mata kasunod ang kupas na maong jeans na sadyang sira sira ang bandang tuhod, red checkered triport polo na pinalooban ng isang fitted black sando, hindi isang lalaki ang nakita ng mga mata niya.

Napamaang siya nang makita niya na isang babae ang bumaba mula sa truck, a woman driving a truck? How unusual sight.

Bago kumilos ang babae ay pinagmasdan pa niya ang mukha nito, Yuan looked at the woman closely, she has small face, has small but pointed nose, has round almond eyes, has a perfect sculpted eyebrows, and a red pouty lips. She was simply beautiful woman.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now