One

3.9K 95 14
                                    

Seulgi's POV

Krrriiinggggggg!

"YESS! YOHOOOO!" masaya kong sigaw na halos mapatayo pa ako nang marinig na tumunog yung bell.

Napatingin lang lahat ng mga kaklase ko including our adviser sakin. Wae? Time na right? Kakabell lang?

"What do you think your doing Ms. Kang?" nakataas na kilay na tanong ni Ms. Wang. Eish. Bingi ba tong mga to?

"Celebrating I guess? Nagbell na right?" depensa ko naman. Nakita kong tumawa sila Moonbyul sa sinabi ko. What the..

"Yah wae? Bakit kayo tumatawa?" kunot noo kong tanong. Hindi nila ako sinagot dahil tawa lang sila ng tawa. What the hell. Seriously?

"Hoy maupo ka nga! Di pa break pabo." sabi naman ni Irene at bigla akong inirapan. Napatawa lang yung klase sa sinabi niya.

Oh shit oo nga pala. May isa pa palang klase.. ugh! Nakakahiya. Psh. Pero di naman niya kelangang gawin yun diba?

"Pasensya na liit." sabi ko lang at tinawanan siya. Lalo naman niya ako sinamaan ng tingin. Bakit totoo naman. Ang liit liit niya. Di na tumangk--

"TIGILAN MO KO OSO AH!" sigaw niya at binato ako ng notebook niya. Aray ah!

"Liit masakit!" reklamo ko habang hawak yung ulo ko. Ang sakit huta.

"Maam si Seulgi ayaw tumigil!" parang batang reklamo ni Irene at tinuro pa ako. Uy wow ako pa.

"Kayong dalawa inuumpisahan niyo na naman yung gulo ah. Pwede ba lumabas kayo ng kwartong to. Ngayon na." galit na sabi ni Ms. Wang at tinuro yung pinto. Maam alam namin kung nasan yung pinto. Psh. Mukha ba kaming bulag?

Napakamot nalang ako ng ulo at mabilis na kinuha yung bag ko. Sanayan lang to. Yung uumpisahan ni Irene tapos ang ending, palalabasin kami ni Maam. Ewan ko ba dito sa repolyong to. May gusto ata to sakin kaya lagi akong kinukulit eh.

"Tingnan mo dahil sayo napalabas na naman ako!" reklamo niya sakin at hinampas ako ng bag niya. Nakakailan na to ah.

"Yah! Pinalampas ko yung binato mong notebook ah! Nakakailan ka na!" sigaw ko sa kanya. Inirapan niya lang ako kaya naiyukom ko yung kamay ko. Kung pwede ka lang saktan.

"Diyan lang kayong dalawa hangga't hindi pa dumadating ang next teacher niyo ah." masungit na sabi ni Ms. Wang habang palabas ng classroom.

"Maam di na po kami uulit." nagmamakaawa kong sabi at nagpacute sa harap niya. Kahit alam kong napakaimpossibleng manalo ako, itatry ko.

"Hindi mo ko madadaan sa mga pacute mong yan. O sige na, diyan na kayo." sabi niya lang at tuluyan nang umalis. Sabi na eh. Psh.

Napatingin ako sa kasama ko at nagulat ng makitang pinipicturan niya ako. Nagulat din siya nang makita ako kaya agad niyang tinabi yung phone niya.

"Hoy pinipicturan mo ba ako?" napataas ang kilay niya sa sinabi ko. Sabi ko nga hindi.

"Excuse me? Sino ka para kunan ko ng litrato ha? Duh. Project to sa MAPEH noh." sabi niya lang at inirapan ako ulit. Pag yang mga mata mo lumubog at di na bumalik sa tama niyang lalagyan bahala ka diyan.

Ang sungit nito sakin kahit kelan. Siya lang yung hindi nagsasawa dahil sa mga ginagawa niyang kalupitan sakin. Ako nga halos mapagod ako maasar lang siya eh. She really hates me. Psh. Daming alam diba?

Ugh. Ang tagal naman ng next prof. Panigurado late yun. Sampung minuto na siyang wala oh. Ayokong magstay dito T_T. Pagagalitan ako ng babe ko.

Oh shit speaking of my babe. Tanginuh pupunta nga pala sa room ko yun ngayon. Shit. Patay ako gago.

"Uy para kang tanga diyan." sabi sakin ni Irene. Napatingin naman ako sa kanya.

"Eish. Kasalanan mo to eh. Bakit kasi nagsumbong ka pa?" galit ko namang sabi sa kanya. And again, umirap na naman siya sakin.

"Ako pa ah? Ikaw nga tong nangun--"

Hindi niya naituloy yung sasabihin niya nang takpan ko yung bibig niya. Alam ko na yung sasabin niya eh. Nakakasawa..

"Oo na. Manahimik ka nalang ang baho ng hininga mo eh." sabi ko habang nakatakip sa bibig niya. Sinamaan niya ako ng tingin at mabilis na hinampas yung kamay ko dahilan para maalis ko ito sa bibig niya.

"Yah! Nakakailan ka na talaga." galit kong sabi habang hawak yung kamay ko. Ang sakit talaga nito mamalo kahit kelan. Huhu. Susumbong kita sa babe ko.

"Seulgi?"

Oh shit that voice.

"Babe!" masaya kong sigaw at mabilis na lumapit sa kanya. Binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap. I miss her..

Naramdaman kong niyakap niya din ako pabalik kaya lalo akong napangiti. Ang sarap niyang yakapin for real.

Maya maya ay humiwalay na ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Napangiti lang siya kaya lalo akong napangiti. So cute!

"Anong ginagawa niyong dalawa dito sa labas?" tanong ni Krystal samin. Tinignan ko si Irene pero hindi siya sumagot dahil busy siya sa pagcecellphone. Eish.

"Nothing babe. May pinag uusapan lang kaming dalawa ni Irene." nakangiti kong sagot sa kanya. Napatango lang siya at hinawakan yung kamay ko.

"Samahan mo ko? Nagugutom na ko eh." parang bata niyang sabi at nagpout sa harap ko. Napangiti lang ako sa ginawa niya. This girl.

"Sure. Ngayon na?" nakangiti kong sabi at inayos yung buhok niya.

"Oo sana pero parang may gagawin pa kayo ni Irene eh." sabi niya lang at tinuro yung pwesto ni Irene. "Oh nasan na yun?" sabi niya pa. Oo nga biglang nawala ang cabbage.

"Mwola. Nakatalikod ako kaya di ko nakita." sabi ko at tumawa. Hinampas niya lang yung balikat ko sa sinabi ko. Hahaha!

"Kung ako sa inyo ikakwarto ko na yan." rinig kong sabi ni Mr. Byun kaya naman pareho kaming namula ni Krystal. Eish. Parang tanga.

"Hi Sir!" nahihiyang bati ni Krystal at nagbow. Ganun din ang ginawa ko. Nakakainis tong prof na to. Palibhasa Byun eh.

"Ano itutuloy niyo pa ba yan oh hindi? Magkaklase pa kasi ako." natatawang sabi ni Mr. Byun.

"Sir!" reklamo ko lang kaya naman lalo itong natawa. Pumasok na din siya ng classroom. Badtrip yun.

Hinarap ko ulit ang babe ko at nakita ko ang namumula niyang pisngi. How cute.

"Babe bumalik ka na sa room mo. Susunduin ka nalang ng bear mo mamaya." sabi ko at ngumiti sa kanya. Tumango lang siya at kiniss yung pisngi ko.

"Bye bear! See you later." nakangiti niyang sabi habang palayo sakin. Nagwave lang ako hand sa kanya. Nang makitang wala na siya ay pumasok na din ako ng room.

Nakita kong lahat ng tingin ay nasa akin. Ano na naman bang nagawa ko?

Nagulat naman ako ng batuhin ako ni Irene ng panyo. Inuumpisahan na naman ba niya ako?

"Ano na naman ba yun Irene?" bagot kong sabi sa kanya. Inirapan ulit niya ako.

"Yung mukha mo tingnan mo." sabi niya naman. Napakunot ang noo ko at mabilis na kinuha yung phone ko. Tinignan ko yung mukha ko at napapikit nalang nang makita ito.

"Bakas ng kalandian." sabi ni Joy na ikinatawa ng buong klase, including Mr. Byun.

Nakakahiya shit! Yung lipstick ni Krystal bumakat sa pisngi ko. Teka kelan ba yun naglipstick? Lip balm lang ang alam kong gamit niya.

"Maupo ka na Ms. Kang." natatawang sabi ni Mr. Byun. Di nalang ako nagsalita at naupo na sa upuan ko. Tong mga katabi ko mamamatay na oh.

"Sige tawa. Gusto niyong makaramdam ng scarcity ah." banta ko sa kanya kaya naman unti unti silang napatigil. Tch.

---

Hello guysue! Gusto ko lang sabihin na hello at pakisupporn-- este support din tong story na to. Senkyu guys💞😅 Mahar ko kayo muah~ 💞😋

Gom Meets Chu || seulrene ffWhere stories live. Discover now