Twelve

1.8K 62 36
                                    

Irene's POV

"Umayaw ka sa engagement."

Hindi ko alam pero yan ang kondisyong agad na pumasok sa isip ko.

Nakita ko ang pagiiba ng mukha niya. Ngumiti siya pero yung mga mata niya, iba yung sinasabi. Totoo ba tong nakikita ko? Bakit parang malungkot siya?

"Yun lang ba?" tanong pa nito. Shemay! Parang gusto kong bawiin yung sinabi ko.

Hindi ako nakasagot. Tama pa ba yung sinabi ko?

Ito lang naman kasi yung paraan para hindi na siya maging malungkot pa. Kahit na labag to sa kalooban ko.

"Okay. Sasabihin ko kila Dad at Tito Joonjae. Wag ka nang magagalit sakin ah?" nakangiti niya pang sabi. Puta! Joke lang yun..

Ulit, hindi ako nakasagot. Shemay naman. Nakakainis talaga.

"Lika na. Magsosorry pa ako ki Wendy." sabi niya lang at naunang maglakad samin. Yung kamay ko hindi na niya hinawakan.

Napabuntong hininga nalang ako. Mali tong ginagawa ko eh. Di dapat ganto. Dapat masaya ako ngayon dahil hindi ko na din siya magiging fiance at magiging tahimik na ang buhay ko.

Yung nararamdaman ko kasi kabaligtaran ng iniisip ko. May part sa puso ko na nalulungkot dahil dun. Ano ba talagang gusto ko?! Hayup ka Kang!

Bumaba nadin kami at nagpasyang bumalik ng classroom.

Pagdating namin dun ay agad naman siyang lumapit ki Wendy.

"Sorry na Wends. Di ko naman sinasadya yung nangyare kanina. Sige kung galit ka, saktan mo ko." sabi niya pa at nilapit yung mukha niya na para bang handa na itong ipapalo.

Umirap sa kanya si Wendy at agad na piningot yung tenga niya. Uy gago kang olaf ka!

"Dapat sa tengang to tinatanggal eh." nanggigigil niya pang sabi habang iniikot yung tenga ng oso.

Nakita ko ang pagpikit ni Seulgi at tila ba iniinda yung sakit ng pagpingot ni Wendy. Hindi nga talaga siya nagreklamo. Hays.

"Omygosh! Seulgi baby!"
"What the hell is her problem?!"
"I will kill her!"
"Nakakainis si Ms. Wendy! Don't hurt her like that Ms. Wendy!"

Reklamo yan nung mga kaklase naming FANGIRLS niya kuno. Eh sa totoo naman. Kawawa nga naman tong osong to.

Umirap ulit si Wendy at binitawan yung tenga ni Seulgi. Halata yung pula sa tenga niya oh.

"Hindi ka na ba galit sakin?" nakangiwing tanong ni oso at nagpumilit na ngumiti sa harap ni Wendy.

Hindi nagsalita si Wendy at tumango nalang. Lalong napangiti ang oso at nawala na naman yung mga mata niya. Narinig din namin ang tilian ng iba naming kaklase. Leche yan.

"Buti ka pa hindi masyadong masakit yung kondisyon." sabi ni Seulgi kaya agad akong napatingin sa kanya.

Buti ka  pa hindi masyadong masakit yung kondisyon.

Tungkol ba to sa kondisyon ko? Bakit ba siya nalulungkot dun? Naguguluhan tuloy ako.

"Ah hindi pa masakit para sayo yung pingot na yun? Anong klaseng tenga meron ka ha?" hindi makapaniwalang sabi sa kanya ni Wendy. As what I expected, hindi niya magegets.

Hindi na nagsalita si Seulgi dahil umupo na siya sa upuan niya. Sa dati na niyang upuan. Hindi dun sa pwesto kung saan siya pinalipat ni Mr. Kim, sa tabi ko. Galit ba siya?

"Oh bat dun umupo yun?" tanong nitong si Wendy at kita ang pagtataka sa mukha niya. Napabuntong hininga lang ako. Wala namang masama kung isheshare ko sa kanya diba?

Gom Meets Chu || seulrene ffWhere stories live. Discover now