Twenty

1.6K 47 37
                                    

Irene's POV

After 5 months...

"Plano niyo bukas?" bagot na tanong ni Yeri habang linalantakan yung dalang pizza ni Wendy. Si Yeri, new friend namin. Pinsan siya ni Wendy na nagtransfer sa university nito lang.

"Bakit? Anong meron?" kunot noo kong tanong sa kanya. Wala naman akong naalalang dapat planuhin bukas.

"Hello. First day na ng second sem bukas." sagot niya at pinakita yung phone niya. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng panlulumo. Gosh. Heto na naman ako.

Hanggang kelan ko kaya maiisip ang taong yun? Tuwing maririnig ko ang tungkol sa university na yan, lagi akong nalulungkot. Grabe yung epekto niya sakin. Pero taena niya kasalanan niya to eh. Ang kapal ng mukha niyang mawala nalang bigla. Nakakainis >_<

"Yerim akin na yung tissue." rinig kong sabi ni Wendy. Napatingin ako sa kanya at nagulat ako ng itapon niya sakin yung nakarolyong tissue. Pvta.

"Hindi yun masakit Wends." nakapoker kong sabi.

"Sige na Irene. Iiyak mo na yan. Don't worry lalabas kami ni Yerim para sayo." sabi niya lang at sumenyas na umiyak na daw ako. Gaga siya.

"Thank you pero I can handle. Kaya ko ang sarili ko." sagot ko naman. Kaya kong magpigil, sa ngayon.

"Bakit anong meron sa tissue?" tanong ni Yerim. Omygod no. NOOOO!

"Wala nam--"

"Ah wala yun. May naalala lang siya." sagot naman ni Wendy kaya lalong nanlaki yung mata ko. MYGHOD! Wag lang lalabas sa bibig ng batang to ang pangal--

"Sino? Her bear?" tanong pa ni Yerim. SHET.

Ayoko nga. Mamahalin pa kita eh.

HEH! Sinungaling ka! Napakasama mo!

"Yup. Her one only bear, Kang Seulgi." dugtong pa ni Wendy. BWISET KAAAAA!

"Wendy naman eh.." mahina kong sabi at napayuko nalang.

"Oh ito ba?"

"OMYGOD!!!" sigaw ni Wendy kaya agad akong napatingin sa kanya. Anubayan nasa kalagitnaan ako ng pagdadrama eh.

"Wendy bunganga mo." mahina ko pading sabi at pinunas yung luha ko. Pagdating talaga sa osong yun, nanghihina ako. PUTAINA LANG.

"OMYGOSH IRENE! SHEYT!" patuloy na sigaw ni Wendy habang titig dun sa phone ni Yeri. Ano ba yon?!

"KASASABI KO LANG NA MANAHIMIK KA DIBA?!" sigaw ko sa kanya. Di ka makuha sa malumanay na usapan ah.

Nagulat ako ng bigla niya akong hilain at pinakita yung nasa phone ni Yeri.

Heol...

"K-kang Seulgi?" wala sa sarili kong sabi.

SIYA TO! OMYGOD SIYA TO! SHEMAY!

"Bes she's alive!" sigaw pa ni Wendy at inalog alog ako.

--

HAHAHAHAHAHA! Sa mga natrauma diyan, kung meron man, magpagaling na kayo. Ako nang bahala sa mga hospital bills niyo. Wag na kayong mag alala 😌

Yan na muna dahil gusto ko tong iupdate. Lumulubog na din siya eh 😢🏳

Gom Meets Chu || seulrene ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon