Twenty Nine

1.1K 32 7
                                    

Irene's POV

"Okay ka lang?" tanong ni Wendy sakin pero hindi ako nakasagot.

Hindi totoo yung mga sinabi niya diba? Wala ni isa sa mga yun ang totoo. Mahal niya ko. Hindi niya ko iiwan. Ako lang ang mahal niya. Walang dahilan para iwan niya ko.

Ngumiti lang ako sa kanya. "Oo naman. Okay kami at mahal niya ko." sabi ko pa.

Tinignan niya lang ako at hindi ko gusto yun. Yung mga tingin niya, para bang kinaawaan niya ko. Kahit wala namang dapat.

"Wag mo nga ko tignan ng ganyan. Okay kaming dalawa. Kami paring dalawa." madiin kong sabi.

Bumuntong hininga lang siya at tumango.

"Basta kahit anong mangyare, andito lang ako bes. Kaya niyo yan." sabi niya at nginitian ako.

Pero ang sakit padin e. A-ayaw na niya sakin. Hindi na niya ko mahal.

"Wendy hindi na niya ko mahal. Na-nakipag break na siya sakin. Wendy wala na kami ng babybear ko... a-ano nang gagawin ko?" maluha luha kong sabi habang nakatingin sa kanya.

Hindi siya nagsalita dahil niyakap niya lang ako. Hindi ko na din napigilang mapaluha dahil sa ginawa niya.

Mahal ko siya e... babybear...

"Yah. Ayusin mo sarili mo. She's here."

Pagkasabi niya nun ay dali dali akong humiwalay at pinunas ang mga luha ko.

Nakita ko siya na seryosong naglalakad papasok ng room, kasama si Sooyoung.

"Babybear.." sambit ko nang makadaan sila pero hindi niya ako pinansin.

Di na din siya nakaupo sa tabi ko dahil dun siya sa pinakalikod, dulo sa may tabi ng bintana.

"Mabuti pa siguro Irene, wag mo nalang siyang kausapin muna." sabi ni Sooyoung sakin at ngumiti.

"No. Hindi kami nagbreak. Wag nga kayo magsalita ng ganyan." sabi ko at tumayo at lumapit kay Seulgi.

"Babybear, kumain ka na? Yah. Bakit hindi mo ko sinundo? Hinintay kita babybear e. Pero hayaan mo, pinapatawad na kita. Basta ihahatid mo ko pag uwi ha? Sabay tayo." nakangiti kong sabi pero hindi niya ako sinagot. Ni tingin man lang, wala.

"Babybear kausap--"

"Stop, Ms. Bae. Umalis ka na nga dito." seryoso niyang sabi at isusuot sana ang headphones niya pero kinuha ko yun sa kanya.

"Yah babybear. Call me baechu. Anong Ms. Bae ha. Again." sabi ko at nginitian siya.

Napatigil ako nang tignan niya ko ng seryoso. Patago akong napalunok sa mga tingin niya. Her eyes. Kitang kitang galit na galit siya. Natatakot na ako...

"Stop bothering me Ms. Bae. Ilang beses ko bang dapat sabihin na wala na tayo? Ayoko na sayo. Break na tayo. Hindi mo ba maintindihan? Damn it." galit niyang sabi at hinablot ang headphones niya sakin.

"Hoy Kang Seulgi. Sumusobra ka na ata. Wag mong sigawan si Irene." singit ni Wendy at pumagitna sa amin.

Ako? Hindi lang naman ako makapagsalita. Parang natikom ang bibig ko pati na ang tibok ng puso ko. Yung mga salitang yun. Yun yung mga salitang ayaw na ayaw kong marinig. Ang sakit tangina.

Ramdam ko ang unti unting pagtulo ng mga luha ko. Pero hindi man lang ako pinansin ni Seulgi. Napakablanko ng mukha niya. Para bang ibang tao na ang kaharap namin.

"Sabihan mo yang kaibigan mo. Nasabi ko na, na wala nang kami. Tapos siya tong lapit ng lapit. Lumayo nga kayo sakin." sabi pa nito at kinuha ang bag niya.

Gom Meets Chu || seulrene ffWhere stories live. Discover now