Two

2.5K 75 46
                                    

Irene's POV

"Wends samahan mo nga ako sa canteen." nakabusangot kong sabi.

Buti naman at mabilis lang yung pagtuturo ni Mr. Byun at agad niya kaming dinismiss. Nagugutom nadin ako eh :<

"Wala ka nang paa?" tanong nito kaya lalo akong napabusangot. Bwiset to. Badtrip na nga ako kanina eh..

"Ako Wendy ayokong manakit ngayon." sabi ko sa boses na nagbabanta. Kahit kelan tong olap na to. Sunugin kita eh.

"Sino kaya yung nambato at nanghampas kanina? Kilala mo ba yun Wends?" sabi naman ng baliw na oso samin. Nakikisali?

"Kasali ka? Pwede ba, umalis ka dito. Dun ka sa babe mo." irita kong sabi at tinaboy taboy siya. Tinawanan niya lang ako kaya naman may naramdaman na naman ako.

Ugh. Kanina pa to bwiset!

"Alam ko yun liit. Sige alis na ko." sabi niya lang at mabilis na lumabas ng classroom. Ang tanga Irene..

"Oh tapos ngayon ganyan yang mukha mo pag alis niya?" narinig kong sabi ni Wendy kaya agad akong napatingin sa kanya. Ano daw?

Napakunot lang ang noo ko pero nginitian niya lang ako. Yung ngiting may meaning. At yun ang ayaw kong malaman. Psh. Kalokohan lang yan sinasabi ko sa inyo.

"Wala akong alam sa mga sinasabi mo." naiiling kong sabi. Inayos ko na din yung mga gamit ko at nilagay yun sa bag.

Hindi na din siya nagsalita dahil nag ayos na din siya ng gamit.

"Nasan yung panyo ko?" tanong ko habang tinitignan yun sa loob ng bag ko. Parang kanina hawak ko pa yun ah.

"Gaga diba pinahiram mo kay Seulgi?" sabi niya naman sakin kaya napatigil ako. Oo nga pala.

Nakakainis bakit ko pa kasi ginawa yun? Ano naman kung ang dumi ng pisngi niya? Psh. Para akong tanga fishtea yan.

"Oo nga pala. Bwiset. Di man lang niya binalik?" naiinis kong tanong. Tama. Di man lang niya binalik. Anong plano niya dun?

"Malay ko sa inyo." sabi niya lang.

Di na ako nagsalita at niyaya na siya sa canteen. Baka tuluyan na akong mamatay sa gutom kapag nagpaiwan pa ako dun.

"Anong bibilhin mo?" tanong nito sakin nang marating namin yung canteen. Ano nga ba?

"Uhm. Isang large sandwhich nalang tapos coke in a can." sabi ko lang at binigay yung dalawang daan. Tumango lang siya at pumunta na para umorder.

Taray di man lang nagreklamo. Okay na yun. Masapak ko pa siya.

"Ang tagal mo namang gawin yung pinagagawa ko Krys." narinig kong sabi ng taong nasa likod ko. Ano daw? Krys? Yun yung girlfriend ni Seulgi diba?

"Just give me some time. Hindi madali yung pinapagawa mo." sagot naman ng isang babae, si Krystal yun. Ano ba yung pinapagawa sa kanya?

"Siguraduhin mong gagawin mo yun dahil kung hindi, I will fvcking kill her." pagbabanta nung kasama niya. Shet! Dapat ko bang marinig ang mga bagay na to?

"What?! Akala ko ba pahihirapan mo lang siya?! Wala kang sinasabing papatayin mo siya." gulat pero pabulong lang nasabi ni Krystal yun. Sino bang tinutukoy nila?

"Kung anong sinabi ko, yun na yun. I'll kill that fvcking Kang." sabi naman nung lalaki na ikinagulat ko. W-what? K-kang? As in Kang S-seulgi?

Nakita ko ang pag alis nila ng tuluyan dito sa canteen. Hindi ko nakita yung lalaki pero si Krystal, nakita ko. Kaano ano niya yung lalaki? Bakit parang ang sweet nila sa isa't isa? Nakalagay sa braso ng lalaki yung braso ni Krystal.

Gom Meets Chu || seulrene ffWhere stories live. Discover now