Twenty Six

1.3K 43 16
                                    

Seulgi's POV

Nandito kami ngayon sa airport hinihintay yung pinsan ni Irene ko. Sumama na ko dahil gusto kong samahan ang bunny ko mahirap na baka may gumalaw rito. Gaya nga kanina. Tangina. Gusto kong dukutin mata nung bastos na lalaking yun. Damn him.

"Babybear pansinin mo na ko please." rinig kong sabi ni Irene at siniksik ng ulo sa tiyan ko. Aish.

Oo di ko siya pinapansin kasi tangina medyo nagselos din ako kanina. Fvck. Gusto ko ako lang hahawak sa kanya ng ganun. Pero that moron. Damn.

Hindi ako sumagot. Nakita ko lang ang pagtayo niya sa harap ko at sinamaan ako ng tingin. Nakapameywang pa siya. So cute. Gusto ko siyang picturan kaso wag na.

"Babybear wag mong hintaying gawin ko yung bagay na yun mapansin mo lang." sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Pero di ko pinahalata sa kanya yun.

"What?"

Nakita ko ang pag irap niya at maya maya...

"Naneun.. Joohyunie... halmari seoyo.."

Fvck.

Damn.

That.. Oh shit.

She needs to stop. Fvck. Ang cute niya tangina!

"Ichana naeka halmari isseo~ Ichana naeka neoreul johahae. Imankim~ imankin~ imankim~ imankim~ naega neoreul johahae ppyong ppyong~!" pag aaegyo niya kaya nakagat ko ang labi ko.

FVCK. I SHOULD HAVE RECORDED IT. DAMN YOU KANG SEULGI.

"Now tell me, papansinin mo na ba ko?" nakangiti niyang sabi habang hawak ang magkabila kong pisngi.

"N..ne.." sagot ko kaya lalo siyang napangiti. Niyakap niya din ako pagtapos.

Ako? Tangina. Paulit ulit parin sa tenga ko yung mga sinabi niya kanina. Flashback padin ng flashback..

"I love you babybear." nakangiti niyang sabi habang niyayakap ako. Napangiti nalang ako. Yun ang mga salitang gusto kong marinig.

"I love you too Irene ko." sabi ko naman. Narinig ko ang pagtawa niya at humiwalay sakin.

"Cute mo." masaya niyang sabi at kinurot ang ilong ko. Napangiti ako dahilan para lalo niyang kurutin yun. Medyo sumasakit na hehe.

"Sakin mo lang papakita yang napakacute mong eyesmile ah? Once na makita kong nakita yan ng iba, puputulan kita." sabi niya at ngumiti sakin. Napalunok ako.

"Irene ko naman." nakapout kong sabi. Napangiti siya at niyakap ang braso ko.

"Ehhh sa ang cute non. Gusto ko ako lang makakakita nun." sabi niya naman at nilaro mga daliri ko.

"Okay lang na ipakita ko to sa iba Irene ko. Ikaw naman ang dahilan, bakit hindi?" sabi ko naman kaya naiangat niya ang tingin niya.

"Talaga?" nakangiti niyang sabi. Tumingin ako sa mapupula niyang labi at mabilis na humalik dun.

"WHAT THE HELL."

Naitulak ako ni Irene palayo sa kanya dahil sa sigaw na yun.

"Aray ko." sigaw ko nang mahulog sa upuan. Tangina ang sakit..

"Babybear are you okay?" alalang sabi ni Irene at lumapit sakin. Damn. Ang sakit sa pwet.

"Oh mian. Medyo napalakas yung sigaw ko." rinig kong sabi ni Wendy. Aish. Siya yung sumigaw.

"Wendy naman. Ang sakit nun walang biro." sabi ko at dahan dahang tumayo. Feeling ko nawalan ako ng pwet.

"Nababaliw ka na ba bes? Eh kung ulo niya yung nabagsak.. tapos.. n-nawalan siya ng alaala tapos... di na niya ko maalala.. tapos.."

Napangiti ako sa sinabi ni Irene. Fvck. I love this woman so much. Napakafuturistic. Awww. So cute.

"Aww my bunny come here." sabi ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

She's so cute damn it. Mahal na mahal niya nga ako. Dont worry Irene. Kung mangyayare man yun, handa akong palitan ang ibig sabihin ng "mawalan ng alaala". Hinding hindi kita kakalimutan.

"Irene ayusin mo nga sarili mo ano nalang sasabihin ng pinsan mo pagdumating. Hay nako." sabi lang ni Wendy at napailing. Eish. Kasalanan niya to.

"Yah Wendy Son. Ikaw may kasalanan kaya umiiyak ang bunny ko." sabi ko sa kanya.

"Oh eh di ako na. Sorry na. I'm very sorry." sarkastiko niyang sabi. Meron ba to.

"Kung totoo sorry mo, samahan mo siya sa cr. Dali." sabi ko naman. Sinamaan niya ako ng tingin pero maya maya'y napatango.

"Irene ko pasama ka muna kay Wendy ha? Ako muna maghihintay sa pinsan mo." nakangiti kong sabi at humalik sa noo niya.

Tumango lang siya at umalis na din sila. Hay nako talaga Wendy Son.

Naupo ulit ako dito sa may waiting area. Ang tagal naman ng mga yun. Nagugutom na ko.

Habang naghihintay ay nilabas ko ang phone ko at nagtwitter. Wala naman masyadong feeds.

"Uhm excuse me."

Naiangat ko ang tingin ko at napatingin sa taong yun. Wah. Artista ba to..

"Uhm excuse me?" ulit niya kaya napabalik ako sa huwisyo. Ang ganda kasi niya. Mukhang pang artista tas kulay blonde yung buhok. Pero kung titignan, mas maganda si Irene ko. Hehe. Lamang lang nito mukhang Amerikano.

"Ah yes? How can I help you?" nakangiti ko namang tanong. Kelangan maging welcome tayong mga sa mga bumibisita dito.

Ngumiti siya sakin pabalik kaya napakunot noo ko. Okay?

"By the way may I know your name?" nakangiti niyang tanong.

"Kang Seulgi."

Napatingin ako sa sumagot nun at nakita ko ang bunny ko. Halos panliitan pa niya ng mata yung babae. Okay ulit. Magiging bayolente na naman ba siya..

"What a cute name. I'm Sabrina by the way." sagot naman nung babae at ngumiti sakin. Nagulat ako ng iabot niya yung kamay niya. Heol.

Dahan dahan ko yung inabot at nakipagshakehands din. Napalunok ako pagtapos. Alam kong may nagliliyab ng bunny sa tabi ko ngayon. Ramdam ko yung init. Eotteoke.

"Pleasure to meet you Seulgi-ah." nakangiti niyang sabi. Hindi ko alam pero napangiti ako pabalik. Nakakahawa ngiti niya. Ang ganda.

"Pleasure to meet you too Sabrina. I'm Irene, her girlfriend." nakangiting sabi ni Irene nang tabigin niya yung kamay ko at pinalit yung kamay niya sa pakikipagshakehands. Pinigilan kong di matawa sa ginawa niya. This is so funny.

"Oh really? Thats good to hear. Ang cute niyo." nakangiting sabi ni Sabrina at natawa.

"Nagtatagalog ka?" gulat kong tanong. Heol. Ang cute niyang magtagalog hahaha.

"Oo naman. Half Pinay half American ako. Gulat na gulat." natatawa niyang sabi at marahan akong hinampas sa balikat.

"Sab!" tawag nung isang babae sa kanya na palapit rito.

"Kanina pa kita hinahanap." sabi nung babae at napatingin kay Irene. "Unnie?!" gulat niya pang sabi.

"Oh Jisoo!" nakangiting sabi ni Irene at mabilis na yumakap kay Jisoo.

I guess nakita na namin yung pinsan niya. Pwede na siguro kaming kumain. Gutom na ko.

----

Sorry guys ang lakas padin kasi ng impact ng Seulgi x Sabrina sakin. Layk wallpaper ko siya hanggang ngayon HAHAHAHAHAHA. Why not na idagdag natin sa characters para naman madagdagan stress ni Irene. Djk.  HAHAHAHA.

BTW. Enjoy my ud uwu 💕

#SeulBrinaIzReal
#GoodbyeSeulRene
#AnueNaWendySon

Gom Meets Chu || seulrene ffWhere stories live. Discover now