Six

1.8K 66 18
                                    

Seulgi's POV

"Andwae! Hindi yun totoo!" sigaw lang ni Krystal habang masamang nakatingin samin.

Tch. Look at her. Here comes the great actress. We must give her an award. SHE FVCKING DESERVE TO HAVE IT. Napaniwala niya ako na..

Shit lang.... NAKAKATANGINA.

"Nope Ms. Jung. Totoo yun at gusto kong sabihing official nayun." nakangiti ko pang sabi pero hindi nakatingin sa kanya.

Hindi ko ata kaya. Baka kasi mamaya umiyak siya at hindi ko mapigilang lapitan siya. Kasi hanggang ngayon hindi ko padin matanggap eh. Bakit? Tsaka kelan pa?

Bakit niya ako niloko at kelan niya pa ako niloloko? Yan ang mga tanong sa isip ko nang makita ko yung nangyare.

Nang makatakbo kasi si Irene nun, hindi agad ako umuwi. Bumalik ako dun sa lugar kung saan ko nakita si Krystal.

Sinantabi ko muna ko yung pagkagutom ko nun para lang dun. Gusto ko kasing makasiguradong siya nga yung nakita ko dahil sinabi niya ngang nakauwi na din siya sa kanila.

Naabutan ko naman silang dalawa na nandun padin. Masayang nag uusap habang magkahawak yung mga kamay. At ako pa yung pinag uusapan nila nun huh.

Mga bagay tulad ng kung paano ako niloloko ni Krystal nung mga panahong mahal na mahal at patay na patay ako sa kanya. At kung pano sila magharutan kung kelan hindi kami magkasama ni Krystal.

Alam kong totoo yung mga sinasabi nila dahil tuwang tuwa pa sila habang kinukwento yun. Hindi nalang ako nagpakita sa kanila dahil ayokong magkagulo dun. Hindi ko kasi mapipigilan yung sarili kong patayin on the spot yung lalaking yun kung makalapit pa ako. Gustong gusto ko siyang bigyan ng isang malakas na suntok sa mukha pero di ko na lang din ginawa.

Hindi ako yung klase ng taong mahilig gumawa ng eskandalo at nirerespeto ko ang paglalandian nila gaya ng pagrerespeto nila sa isang masayang relasyon namin.

Yung binigay mo lahat para sa taong yun pero binigay naman niya yun sa iba. Ang saya lang diba? Hindi malungkot dahil may naging masaya naman. Okay na ko dun. OKAY NA OKAY. Mahal ko yung taong yun eh. Masaya ako kung saan siya magiging masaya pero hindi ngayon.

Hindi nakakayaman ang pagiging TANGA kaya hindi ko dapat to kinacareer.

Tama na yung naging tanga ako for THREE YEARS. Hindi ko na din kasi kaya. Gusto ko nalang maging mag isa. Yung walang problema at walang minamahal na manloloko. Ganun yung gusto kong buhay ngayon.

"Pano tayo mybear? Akala ko ba mahal mo ko?" naiiyak niyang sabi habang nakatingin sakin. Di ba siya nahihiya sa mga ginagawa niya?

Oh. May nakalimutan nga pala ako. Diyan nga pala siya magaling. Ang UMARTENG masakit para sa kanya. Sabi sa inyo she really deserve to get an award. Best actress, I guess? Or more than that.

"Stop calling me mybear or babe. I don't want to see your fvcking face too." sabi ko lang at hinila na palayo si Irene dun. Hays. I feel bad for her.

Pero nagpapasalamat din ako sa kanya dahil tinulungan niya akong makawala sa katangahan ko.

Didiresto na sana kami ng classroom pero hinila niya ako sa may locker room. Wow. Pano niya ako nahila ng ganun?

"Cry." bigla niyang sabi sakin nang makarating kami dito.

Hindi ko alam pero napayuko ako. Dun nadin nagsimulang tumulo yung luha ko. Damn.

Maya maya'y naramdaman ko nalang na may yumakap sakin at hinagod yung likod ko.

Irene's POV

"Cry." sabi ko nang mahila siya dito sa locker room.

Tinignan niya lang ako at maya maya'y napayuko. Nakarinig din ako sa kanya ng hikbi. Ugh. Bakit ang cute niyang umiyak? Putchaina Irene -_-

Hindi ko alam kung anong pumasok sa makitid kong utak pero bigla ko siyang niyakap. Nafefeel ko kasing kelangan niya?

Narinig ko ang walang tigil niyang pag iyak sa mga bisig ko. Feeling ko nga basa na yung blouse ko sa mga luha niya.

Kung ako din naman ang nasa katayuan niya, malulungkot din ako ng sobra. Pero siya parang pinipilit niyang maging malakas kahit sa loob loob ay napakahina niya.

Alam ko, namin, kung gaano niya kamahal ang Krystal nayun. Kita niyo yung bawat oras, minuto o segundo man yan, kelangan makita niya ito. Namomoblema nga agad yan kapag di niya nabisita sa maikling oras. Dinaig niya pa nanay.

Pero may mga tao talagang hindi mo alam kung halimaw o kung ano. Hindi man lang nakukuntento sa kung anong meron sa kanila. Gusto nila sila lang yung nagiging masaya knowing na nagiging masakit na pala sa iba. Hays. Kawawa naman tong osong to.

What the hell Irene?! Diba ayaw mo sa kanya? Bakit parang gustong gusto mong damayan siya ha? Nababaliw na ko guys.

"You know how much I l-love her right?" naluluha nitong tanong habang nakayakap sakin. Putcha yakap yakap ko padin pala siya! Tanginuh!

"Oo naman. Landian dito, landian doon. Landian kahit saan." sabi ko naman.

Agad siyang humiwalay sakin at inayos niya yung sarili niya. Ano bayan gusto ko pa siyang yakapin eh.

SHET! Di ko sinabi yan!

"Di ka man lang ba maawa sakin? Inaapi mo na naman ako." malungkot niyang sabi habang nakatingin sakin. Hindi ko napigilang matawa.

"Wag mo kasing masyadong mahalin at landiin. Parusa na yan sa pagiging maharot niyong dalawa." sabi ko naman.

Nagulat ako ng biglang naging seryoso yung mukha niya. Hala..

"Sorry ha?" sabi niya lang at mabilis na umalis sa harap ko. Putcha Irene! Ano ba yung sinabi mo?!

Sabi mo, wag mo kasing masyadong mahalin at landiin. Parusa na yan sa pagiging maharot niyong dalawa. Yan yung sinabi mo.

Epal -_-

Pero the point is. Nagalit ko na naman yun oso. Aish! Nakakainis kasing bibig na to eh.

Wala na akong nagawa at sumunod na din sa kanya. Dito lang pala siya dumiretso sa room.

At syempre, nasa kanya ang atensyon ng mga kaklase namin. Bulungan dito, bulungan doon. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa mga sinabi niya kanina?

"Good morning Irene!" nakangiting bati sakin ni Wendy. Uy wow. Ang saya niya ngayon ah.

"Good morning din." sabi ko lang at ngumiti ng bahagya. Umupo na din ako sa tabi niya.

"Oh ano na namang mukha yan? Bukod sa pagiging maganda?" tanong nito sakin.

Di ko siya sinagot at napatingin sa side ni Seulgi. Wala. Seryosong nakatingin sa harap. Wala pa nga ata sa sarili niya eh.

Huminga muna ako ng malalim saka tumayo. Putcha kahit ayoko tong gagawin ko gagawin ko padin.

"Uy oso sorry na." sabi ko sa kanya nang makalapit ako.

Di siya sumagot dahil sinuot niya yung headphones niya. Galit nga. Fishtea yan.

"Sorry na kasi. Di ko naman sinasadya eh." sabi ko pa at inalog alog siya. Ang arte na naman niya :(

"Get off me." sabi niya lang. Naririnig niya pala ako?

"Sorry na kasi! Ang arte mo ako na nga tong nagsosorry eh!" naiinis kong sabi sa kanya.

Agad niyang naibaba yung headphones niya saka tumingin sakin.

"So kasalanan ko kung bakit ka nagsosorry?" sabi pa nito at tumawa. Napatahimik naman ako dun.

"Hindi naman sa ganu---"

"Pwede ba layuan mo muna ako? Naiinis ako kapag nakikita kita eh. Pare pareho lang kayo." sabi niya lang at padabog na sinuot ulit yung headphones niya.

This time masasabi kong wala na siyang naririnig dahil nagpatugtog na siya.

Ang tanga ko talaga kahit kelan.

Pero bakit ganun?

Dati kapag sinasabihan niya ako ng ganito, lalaban at sasabat pa ako.

Pero ngayon..

Bakit nasasaktan ako?

----

💞👙

Gom Meets Chu || seulrene ffΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα