Sixteen

1.8K 60 40
                                    

Irene's POV

MALANDI SIYA!

AY HINDI.

MALANDI SILANG DALAWA!

Ang kapal ng mukha niyang gawin yun sa harap ng FIANCE ng osong to? Ito namang si oso, napakaharot din. Kelan pa sila naging magkakilala ng babaeng yan ha?

Akala ko ba gusto niya ako? Bakit lumalandi pa siya?

"What was that Irene?" galit na tanong sakin ni Seulgi. Wow. Siya pa yung galit.

"Oh bakit? Galit ka? Naistorbo ko ba kayo?" nakataas na kilay kong sabi. Napakunot ang noo niya.

"Naistorbo? Anong ibig mong sabihin?" kunot noo niyang tanong. Napairap ako.

"Yung landian niyo kanina." sagot ko. Lalong napakunot yung noo niya. Huta! Tanga nga pala to nalimutan ko.

"Landian? Kami ni Kyulkyung? The hell Irene. Wala namang meron samin." sabi niya nang mapaisip sa mga sinabi ko. Psh.

"Anong wala? Eh kung makatili at makatingin sayo kanina parang may relasyon kayong dalawa." galit ko namang sabi habang masamang nakatingin sa kanya.

Maya maya'y nakita ko ang unti unti niyang pagngiti. What the..

"Oh ano yang nginingiti ngiti mo diyan?" nakataas na kilay kong tanong. Tumawa lang siya.

Hindi siya nagsalita dahil unti unti siyang lumapit sakin. At sa sobrang kaba, hindi ko napigilang mapaatras. Shet! Bakit ang cute ng ngiti niya?

Hanggang sa wala na akong maatrasan. Ngumiti lang siya at tinignan ako sa mga mata ko. TAENA MO!

"Nagseselos ka noh?" nakangiti niyang sabi. SHET! Bakit parang natamaan ako?! Omygosh. Nagseselos nga ba ako?! Tanginuh.

Hindi ako nakasagot at napatingin nalang sa ibang direksyon. Gosh. Ramdam kong ang init na ng pisngi ko. Kinikilig ako sa mga titig niya.

"L-lumayo ka nga sa-sakin..." mahina kong sabi nang hindi nakatingin sa kanya. Nakakahiya makita niyang kinikilig ako sa kanya. Bwiset siya.

"Ayokong lumayo, mamahalin pa kita eh."

KYAAAAAAA!

Hindi ko alam pero naitulak ko siya palayo sakin. Omygosh. Yung puso ko taena. Ayokong maramdaman to. Waaaaa!

"Wag ka nang magselos Irene. Ikaw lang naman yung gusto ko eh." SHET! Pengeng panglaslas.

"Tumigil ka! Hindi na ako natutuwa ah." sigaw ko sa kanya. Natawa lang siya. Tumigil ka >_<

"Anong gusto mong gawin ko para matuwa ka?" nakangiti niyang sabi sakin.

Seryoso ba siya? Heto na naman siya...

"Lumayo ka sa Kyulkyung na yun."

Nanlaki yung mata ko kasabay ng pagtakip ko sa bibig ko. TAENA! Hindi dapat yun yung sasabihin ko eh.

"Seriously? Hindi ka ba talaga nagseselos?" natatawa pa nitong sabi.

"Hindi nga sabi eh." sabi ko lang.

"Hindi naman pala eh. Wala kang karapatang sabihing lumayo ako ki Kyulkyung." sambit niya naman. Ugh. Ang hirap makipag usap sa tanga.

"Anong wala. May nalilimutan ka ata. I'm your fiance Kang Seulgi. May karapatan ako." matapang ko namang sabi. Ngumiti lang siya.

Teka nga muna...

BAKIT GANITO AKO MAKAPAGSALITA NGAYON HA?! Bakit parang gustong gusto kong maging fiance ang osong to? Omygod.

Seulgi's POV

Hays. Pano ko magagawang iwasan ka kung ikaw mismo, ayaw mong binibitawan kita?

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Irene sa mga sinasabi niya pero natutuwa ako. Gusto kong nagiging ganto siya, yung nagkakaroon siya ng pake sakin.

Mabilis ko ngang nalimutan yung heartbreak ko nang dahil sa kanya eh. Hindi na naging masakit para sakin yung nangyare, nung una lang. At ayaw ko nang isipin pa yun dahil wala na yun sakin ngayon.

"Oo na. Ikaw nga yung fiance ko. Pero yun lang ba yung rason Irene? Wala nang iba?" seryoso kong tanong sa kanya.

Gusto ko na yung malaman hangga't maaga pa. Para naman hindi na ako umasang maging pareho ang nararamdaman namin sa isa't isa.

Hindi agad siya nakasagot dahil nakatingin lang siya sakin. Napangiti lang ako. Mukhang alam ko na yung sagot.

"Hindi kita pipilitin kung anong isasagot mo Irene. Yun lang yung gusto kong itanong." nakangiti ko pang sabi.

Hindi padin siya makapagsalita dahil nakayuko lang siya habang nilalaro yung kamay niya. Wala na talaga.

Napabuntong hininga lang ako. Fvck. Bakit ba ako naiiyak? Tch.

"Balik na tayo dun." sabi ko lang at pinilit na ngumiti.

Naiangat niya yung tingin niya at tumango lang. Damn it! Ang sakit lang. Wala na talaga akong pag asa.

Bakit pa kasi umasa akong magkakagusto siya sakin? Ayaw na ayaw niya nga sayo Seulgi diba. Hays.

---

Nalimutan kong short story lang pala to. 😂

Gom Meets Chu || seulrene ffWhere stories live. Discover now