Eighteen

1.7K 59 5
                                    

Seulgi's POV

"Batang to. Ano bang ginawa mo kagabi ha?!" sigaw ni Manang habang hinahanda yung breakfast ko.

"Manang hin---"

"Hindi. Kakain ka. Wala akong pake kung malalate ka na basta kelangan mong kumain." putol niya sa sinasabi ko. Hays.

8:20 na at ten minutes nalang, mag uumpisa na yung klase.

Hindi agad ako nakatulog ng maaga kagabi dahil sa sobrang dami ng iniisip ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko eh. Hanggang ngayon nalilito padin ako kung ano ba talaga tong nararamdaman ko.

"Manang naman.." malungkot kong sabi at nagpout sa harap niya. Haha! Hindi niya to matitiis hahaha!

Nakita ko ang pag iling niya. Ngumiti lang ako.

"Malalagot ako ki Sir nito eh. Kahapon di ka din nagbreakfast tapos wala ka ding ginawa pag uwi mo." naiiling niyang sabi habang inaayos yung lunchbox ko.

"Sorry na Manang. Promise kakain na ko paguwi. Wag mo na kong isusumbong ki Dad." nakangiti kong sabi at ngumiti sa kanya.

"Basta kakain ka na pag uwi mo ha?" tanong niya at ngumiti. Tumango lang ako. "Batang to." natatawa niyang sabi at kinurot yung pisngi ko.

Si Manang na ata ang tumayong nanay ko mula pagkabata. Yung totoo ko kasing Mom iniwan na kami. Matagal na silang hiwalay ni Dad. Hindi padin kami nawawalan ng impormasyon tungkol sa kanya dahil bawat buwan ata nasa balita siya. Kung sino sino kasi ang pinakakasalan niya.

Isa kasing sikat na actress ang Mom ko. Hindi ko alam kung anong naging dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Dad. Basta ang alam ko lang, wala na akong pake dun.

Pero kahit naman na ganun, hinding hindi ako nagalit sa kanya. Siguro nung maliit pa ko, sobra yung pagkainis ko sa kanya. Naintindihan ko na ngayon na hindi sa lahat ng panahon kelangan maging kumpleto. May kanya kanya tayong gusto at kelangan natin yung isaisip.

Pinaghandaan niya lang ako ng mga luto niyang Korean foods at nilagay yun sa lunchbox ko.

Promise kakain na talaga ako mamaya pero kelangan ko muna ngayong magmadali. Wala na din namang problema dahil nakaligo at nakabihis na din ako.

"Mauna na ko Manang!" sigaw ko habang tumatakbo palabas ng mansyon. Narinig ko din ang pagsagot niya na mag ingat daw ako. 

Hindi na muna ako gagamit ng kotse ko dahil magpapahatid nalang ako ki Mr. Lim para mabilis akong makarating. Tinatamad din kasi akong magdrive ngayon.

---

SCHOOL

"Susunduin ko din po ba kayo mamayang uwian?" tanong ni Mr. Lim habang pababa ako ng kotse.

"Wag na. Sasabay ako kila Moonbyul. Pakisabi din ki Dad na tatambay muna ako kila Moonbyul bago umuwi." sagot ko at ngumiti. Tumango lang siya at mabilis ding umalis.

Fvck. Malalate na ko taena. Five minutes nalang. Puyat pa Kang Seulgi.

Mabilis akong tumakbo papasok ng gate at mabilis ding hinanap yung classroom ko. Nasa second floor payun kaya kelangan ko pang tumakbo paakyat.

"Seulgi-ah! Saranghae!"
"Kang Seulgi ang cute mo!"
"Kyaaaa! She's here!"
"Ang hot niya taena!"

Sorry girls. Nagmamadali ako ngayon. Di ko kayo maeentertain :(

Nang marating ko yung second floor, agad kong hinanap yung classroom ko. Sana naman di pa tumunog yung bell.

Napangiti ako ng matanaw yung room ko. Kasabay nun ang paglabas ng secretary ng principal sa labas ng office. Fvck! Pipindutin niya na yung bell!

Gom Meets Chu || seulrene ffWhere stories live. Discover now