Seven

1.7K 71 14
                                    

Pasok mga suki~ presyong divisoria~ 🎧

Irene's POV

"Is it true? Wala na ang SeulStal?"
"Siguro. Iba yung meaning ng mga sinabi ni Seulgi kanina eh."
"Tsaka engage na nga siya sa iba diba?"
"Ki Irene yun diba? Psh. As if naman bagay sila."
"Truth. Baka nga siya pa yung dahilan bakit wala na yung SeulStal."

Uy wow. Parang nadawit yung pangalan ko dun ah. Gusto kong manakit ngayon ah.

"Hoy mga babae. Tigilan niyo yang pagchichismisan niyo ah. Kung magbubulungan kayo, dun kayo sa tapat ng principals office." saway ni Wendy dun sa tatlo. Umirap lang sila samin at lumipat ng upuan.

Leche. Kala mo kung sinong magaganda eh. Bwiset sila. Di sila marunong gumalang sa mas nakagaganda sa kanila.

Pano ka kasi igagalang kung ganyan yang mga sinasabi mo? Psh.

Tigilan mo ko! Naiirita na ko sayo.

Eh di wag.

Psh. Sakit mo sa ulo.

"Bayaan mo na sila. Inggit lang yang mga yan." sabi ko naman at inirapan din sila.

Yung mga ganyang klase ng tao hindi ko alam kung anong patutunguhan sa buhay. Kung makapagchismis akala mo yung alam na alam na nila lahat. Sarap pag uumpugin eh.

"Ano ba kasing nangyare?" tanong naman nitong si Wendy.

"Di mo pa pala alam?" taka ko namang tanong. Sa ganyang palagay di niya pa alam?

Umiling lang siya. Sinasabi ko na nga ba eh.

Maaga nga pala tong pumapasok. At kapag maaga siyang pumapasok, hindi na siya lumalabas ng classroom. Di katulad nang ibang students na maggagala pa habang hindi pa time, siya, naghihintay nalang na mag umpisa yung klase.

Arte niya noh? Ganyan yan eh.

"Seul-ah!"

Napatingin ako dun sa tumawag ki Seulgi at nakita ko yung mga tropa niya.

Tanga Irene si Seulgi yung tinawag hindi ikaw. Kelan ka pa naging si Seulgi? Psh. Nababaliw na ko guys.

"What now?" seryosong sabi sa kanila ni Seulgi. Kahit kelan talaga oso.

"Hiwalay na daw kayo ni Krystal? How come?" natatawang sabi ni Jungyeon kaya agad siyang binatukan ni Moonbyul. "Aray! Bakit ba?" reklamo lang nito.

"San na naman galing yang chismis na yan ha Jungyeon? Psh. Sa tingin mo mangyayare yun sa dalaw--"

"She's right Moonbyul. Wala na kami ni Krystal. Wag niyo na siyang banggitin dito." sabi lang ni Seulgi sa kanya.

Nagkatinginan yung dalawa sa sinabi niya.

"Told ya'." sabi lang ni Jungyeon. Kita kasi sa mukha ni Moonbyul yung pagkagulat.

"Jinja? Pano?" tanong pa nito. Ngumiti lang sa kanya si Jungyeon at bumulong.

"Fvck you Yoo! Di kita idadate sa kapatid ko." gulat pang sabi ni Moonbyul at tinabig yung kamay ni Jungyeon. Umupo nadin ito sa upuan niya. Napakamot nalang ng batok si Jungyeon.

Hays. Naguguilty ako sa mga nangyayare. Pano kaya kung ako nga yung dahilan bakit sila nagbreak? Pano kung hindi talaga niya nakita yung nangyare kanina? Kasalanan ko talaga.

"Yang mga mukhang yan.." sabi ni Wendy kaya napatingin ako sa kanya.

"May number ka ni Krystal?" tanong ko. Napakunot ang noo niya pero maya maya'y napatango kaya naman napangiti ako.

Binigay ko sa kanya yung phone ko.

"Itype mo diyan. May sasabihin ako sa kanya." nakangiti kong sabi. Kinuha na din yung at nagtype.

Napatingin naman ako sa side ni Seulgi at nakita ko ang mga malulungkot niyang mga tingin habang pinapanood ang mga kaibigan niyang nagtatawanan.

Putcha naman Kang Seulgi. Kahit kelan, hindi pa ako nagkaroon ng ganitong pake sa isang katulad mong pasakit sa buhay ko. Nakakainis ka >_<

Bat ganito nalang yung pag aalala ko sayong bwiset ka? Ugh. I hate this :(

"Uy bes yung folder ko naman." biglang sabi ni Wendy kaya napatingin ako sa bagay na nasa kamay ko.

"Ay sorry." sabi ko lang at inayos yung mga tupi. Malapit ko na siyang mapunit actually. Nakakainis kasi tong baliw na osong to eh.

"Hindi ko alam kung sino ang dahilan nang mga nangyayare sayo ngayon pero sana naman wag mo masyadong sarilihin yan. Nandito naman ako. Pwede mong ishare sakin kung may problema ka man." sabi niya lang sakin. Hindi ko tuloy napigilang mapangiti.

Kahit naman ang hilig niya akong basagin at pagtripan ng mga kung ano ano, di parin mawawala yung pagiging mabuti niyang bestfriend sakin. Sweet din yan kung hindi niyo lang alam.

"Thank you Wends. Okay lang naman ako wag kang mag alala." sagot ko naman.

"Sigurado ka ah? Nadadamay kasi mga gamit ko sa galit mo eh. Control control din ah?" sabi lang niya. Napatawa lang ako.

See? Nandun padin yung fact na babasagin niya ako. Ang bait niya.

"Opo nay." sagot ko at tumawa. Napangiti lang siya sakin. A motherly smile.

Maya maya'y biglang tumunog yung bell kaya naman mabilis na nagsibalikan sa kanya kanyang upuan yung mga kaklase namin.

"Good morning students." bati ni Mr. Kim kaya tumayo kami at binati din siya. "Take your seats." sabi lang niya. Naupo na din kami.

"Before we start the class, I would like to congratulate first Ms. Kang and Ms. Bae on their engagement." nakangiting sabi niya at pumalakpak. Pumalakpak nadin yung mga kaklase namin.

Syempre hindi maiiwasan yung mga bulungan. Wala akong pake sa mga sinasabi niyo. Nakakairita lang marinig yung mga ganyang bagay.

"Omygosh! Ito ba yung sinasabi mo bes?!" gulat na sabi nitong si Wendy. Ay oo nga pala di ko pa nasabi -_-

"Aha." mahina kong sagot at napabuntong hininga. Ayoko nang pag usapan yan please lang..

"For the sake of them, hindi na muna ako magtuturo ngayon. Let's ask them kung anong naging reaksyon nila nung sinabing iaarrange sila sa isa't isa."

PUTAHAMNIDA! KELANGAN PA BA NIYAN?!

----

Oh Holy Night~ 💞 I love you Jungkook! 💞😂 Nagkakasala ako ki Chim 😢

ps: Ang ganda nung Universe ng EXO.
I search the universe~ 💞 Saranghaeyo Suho-ssi 💞 Nagkakasala din ako ki D.O 😢

Gom Meets Chu || seulrene ffWhere stories live. Discover now