Fifteen

1.7K 68 10
                                    

Seulgi's POV

"Saglit nga lang!" sigaw yan ni Irene nang marating namin yung floor ng office ng Dad niya.

Ano ba naman tong babaeng to. Ako na nga yung umiiwas sa kanya eh. Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa pero sigurado akong para hindi na maging masakit para sakin yung gagawin ko.

Kung dun siya magiging masaya, gagawin ko. Kahit pa nararamdaman ko pading masakit para sakin yun.

Hindi din ako sure kung bakit pero parang nagkakagusto na ako sa kanya. Kanina ko lang naramdaman. At kelangan hangga't kaya ko pang iwasan siya, gagawin ko.

"Bakit ba hindi mo ko pinapansin ha?!" sigaw niya sakin kaya napahinto ako sa pagpihit ng pinto.

Hinarap ko siya saglit. Nagwave din ako ng hand sa kanya.

"Okay na ba to? Napansin na kita." seryoso kong sabi.

"Ginagago mo ba ko? Ano bang nangyayare sayo ha?!" sigaw niya ulit. Ugh. Nililito niya ko.

"Ginagawa ko kung ano yung gusto mo." sagot ko. Napakunot ang noo niya. Umayos ako ng tayo at humarap sa kanya.

"Ngayon kung hindi mo padin maintindihan, ipapaliwanag ko sayo. Ginagawa ko to dahil gusto kong umiwas sayo Irene. Bakit? Ano pa ba sa tingin mo? Unti unti na kasi akong nagkakagusto sayo Irene. Yun yung dahilan." sabi ko pa.

Nakatingin lang siya sakin na kita ang pagkagulat sa mukha niya. Tch. Nakapagconfess agad ako ng di oras dito ah. Aish.

Hindi ko na hinintay yung sinabi niya at tuluyan nang pumasok ng office ni Tito.

"Good afternoon po Tito." bati ko sa kanya at nagbow sa kanya.

"Oh Seulgi. Anong ginagawa mo rito? May kasama ka?" tanong nito sakin.

"Opo. Si Irene." sagot ko at lumapit sa kanya.

"Nasan siya?" tanong pa niya.

"I-i'm here Dad.."

Mukhang wala pa siya sa sarili niya habang naglalakad palapit sa pwesto namin. Aish! Ang tanga mo Kang.

"Are you okay Hyun?" tanong ni Tito at napakunot yung noo.

"N-ne Dad! I'm okay." sagot lang ni Irene at tumango. Tumingin din siya sakin pero umiwas agad ako ng tingin.

"What brings the two of you here?" nakangiting tanong ni Tito. This is it Seul. You can do it.

"About our engagement Tito." sagot ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sakin si Irene.

Napakunot lalo ang noo ni Tito. "How about your engagement?" tanong pa nito.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Hindi pala ganun kadaling gawin to.

"I would like to canc--"

"Gusto naming itanong Dad kung kelan yung exact date kung kelan kami ikakasal."

WHAT THE HECK?!

Agad akong napatingin ki Irene dahil sa sinabi niya. Ano ba tong mga sinasabi niya?!

Napatawa lang si Tito sa sinabi niya. Fvck.

"Seriously? Pwede niyo namang itanong sakin to via message. Personal pa talaga kayong pumunta dito ah." natatawang sabi ni Tito habang nagpupunas ng mga luha niya. Aish. Lalo lang niya akong ginugulo.

"Actually Dad, si Seulgi ang nakaisip nito. Pinilit niya lang ako kaya pumayag na ako. Itetext na sana kita pero hinila na niya ako papunta dito." natatawa ding sabi ni Irene. What?! Ni hindi nga pumasok sa isip ko yung mga sinasabi niya eh!

At nagmumukha pa akong masama sa lagay na to. Tch.

"Okay okay. Wala pa namang exact date dahil pinagiisipan pa namin ng Dad mo Seulgi. Don't worry ikaw ang unang makakaalam nun kapag okay na lahat." sagot lang ni Tito at ngumiti sakin. Tch. Nakakainis naman oh.

"Excited na ko Dad! Nakakaexcite din diba? Right babybear?"

Right babybear

Right babybear

Right babybear

Right babybear

DAMN! Bakit paulit ulit yung sa isip ko ha?! At bakit kinikilig ako? Shit!

"Ang sweet niyo naman. May tawagan pa kayong dalawa ha." nang aasar na sabi ni Tito. Ugh. I'm done with you Irene Bae. I need to talk to this woman. Nababaliw na siya. Anong babybear ha?

"Excuse me Mr. Bae.."

Napatigil sa pagtawa yung dalawa at napatingin dun sa nagsalita.

"Oh. Kyulkyung-ssi?" kunot noo kong tanong habang nakatingin dun sa babae. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yun.

"Kyaaaaaaa! Kang Seulgi? Omygod!" masaya niyang sabi habang nakatingin sakin. Hahaha! I knew it!

Siya yung may ari ng pet shop kung saan kami nagvolunteer nila Joy at Moonbyul na idonate yung napalanunan namin sa isang competition. Bilang malapit nadin sa mga alagang nandun, nagpasya kaming dun na yun idonate. Ganun kami kabait.

"Oh magkakilala pala kayong dalawa?" gulat na tanong ni Tito.

"Yes Mr. Bae. Gosh! Bakit ganyan ka parin kacute ha?" nakangiting sabi ni Kyulkyung at kinurot yung pisngi ko. Napangiti lang ako. Maliit na bagay.

"Good. Ah gusto ko lang sabihin na isa siya sa mga owner ng mga shop kung saan kami nagisponsor." sabi lang ni Tito. Woah. Sudyord~!

"Really? Wah. You grew a lot Kyulkyung-ssi." nakangiti kong sabi at ginulo yung buhok niya.

Hahaha! Akala ko kasi hanggang ganun nalang yung magiging takbo ng shop niya eh. Malaki rin pala yung naitulong ng naidonate namin.

"Baka naman gusto niyo akong ipakilala sa kanya noh. Kung gusto niyo lang naman." biglang sabi ni Irene kaya napatingin ako sa kanya. Oh.

"Ah hello sayo! You're Irene right? Nice to meet you I'm Kyulkyung." nakangiting pakilala ni Kyulkyung at inabot yung kamay ki Irene.

At syempre, the typical Irene, agad siyang umirap at inabot din ang kamay nito sabay nakipagshakehands. Hay nako. Ang maldita niya talaga kahit kelan.

"Ah saglit lang ah. Kakausapin ko lang tong FIANCE ko." masungit niyang sabi at agad na hinila yung kamay ko.

Wait what?! Bakit parang galit siya?

---









Gom Meets Chu || seulrene ffTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang