Twenty Five

1.5K 54 5
                                    

Irene's POV

"Bes guess what!" masayang salubong sakin ni Wendy nang makapasok siya ng classroom.

At dahil wala ako sa mood para makipagkulitan sa kanya, di ko siya pinansin at bumalik sa pangangalumbaba. Napakasinungaling niya! Sana di niya nalang sinabi na hintayin ko siya para di na ko umasa. Bwiset talaga. Badtrip.

"Oh. Ako ata ang mag guguess." sabi niya at naupo sa tabi ko. Napansin kong tinitignan niya lang ako kaya napatingin ako sa kanya.

"What?" irita kong tanong.

"Grabe. May di tama dito." sabi niya kaya napabuntong hininga lang ako. Buti pa siya napansin yun. Bestfriend ko talaga siya.

"Pansin mo din?" mahina kong sabi.

"Oo. Wala kang kilay ngayon noh?" taka niyang tanong at tinignan ulit yung mukha ko. Tanginang to.

Sa dinami dami ng pwedeng itanong, yung napakawalang kwentang bagay na yun pa? Bwiset. Nalimutan ko na ngang gawin ang morning rituals ko hoping masusundo niya pa ako pero wala. Mukhang nawalan na siya ng pake sakin. Ugh.

"Ewan ko sayo. Dun ka nga." naiinis kong sabi at inirapan siya. Pero imbes na malungkot ay tumawa lang siya. Kita mo.

"Nagbibiro lang naman bes eh. Pinapatawa lang kita. Alam ko namang may problema ka, kayo." sabi niya kaya napatingin ako ulit sa kanya. Ngumiti lang siya.

"Pano..."

"Ano pa't magbestfriend tayo? Tsaka, kahit sino naman makakapansin na may problema kayo dahil di kayo sabay na pumasok ngayon." sabi niya pa. "Tell me anong problema?" dagdag pa nito.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Mabuti nang may maishare-an ako nito bago pa ko sumabog at mainis ng tuluyan sa kanya.

I was about to talk nang marinig ko ang pangalan ko. Agad kaming napatingin sa taong yun at agad ding kumulo ang dugo ko.

"Oh speaking of." sabi ni Wendy at napangiti. "Uhm, iwan ko nalang muna kayo. Nababanyo ako eh." sabi pa niya at dali daling lumabas ng classroom. Tangina naman Wendy.

"Irene ko gali--"

"Di ako galit." putol ko sa sinabi niya at humarap sa kabilang direksyon. Ugh. Kumukulo ang dugo ko.

"Bakit di mo ko matignan ng diretso? Dahil ba to sa nangyare kagabi? Kung yun yun, sorry Irene ko. May nangyare lang kagabi kaya di kita agad natawagan or natext man lang. Please pansinin mo na ko. Wag ka nang magalit sakin. I'm very sorry Irene ko."

Dama ko habang sinasabi niya na sincere siya sa sinasabi niya. Patago akong napangiti pero pinilit kong wag muna siyang tignan. As long as kaya kong magpabebe sa kanya, gagawin ko. Sana makayanan ko..

Unti unti ko siyang hinarap at ngumiti lang. Napangiti din siya na halos mawala pa ang cute niyang mga mata. Irene kalma.. wag kang magpapadala sa kacutan niya. Kahit gusto ko nang kurutin ang mga pisngi niya, pinilit kong kumalma. Bwiset ang hirap palang magpabebe noh. Pano nila nagagawa to?

"So ibig sabihin ba niyan, bati na tayo? Bati mo na ang babybear mo?" nakangiti niya pang sabi. Iniiwas ko lang ang tingin ko sa kanya para itago ang namumula kong mukha. Shet pano ba?

"Irene ko?" mahina niyang tawag. Okay nakapagdesisyon na ko. HINDI NA KO MAGPAPABEBE. NAMIMISS KO SIYA LALO SA PINAGGAGAGAWA KONG TO.

"Yes babybear?" nakangiti kong sabi at nagpacute sa kanya.

"Okay na ba tayo?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko. Kinikilig ako shet! KYAAAAA!

Tumango lang ako kaya lalo siyang napangiti at niyakap ako ng mahigpit.

"Please wag ka nang magagalit sakin ulit ha? Hindi ko kaya Irene ko eh. Pinapangako ko din na hinding hindi na ko magkukulang sayo. Hindi ko na sisirain ang promise ko sayo. I love you Irene ko. I really do." sabi niya pa kaya napayakap ako pabalik sa kanya.

Swerte ako dahil nagkaroon ako ng isang Kang Seulgi sa buhay ko. Wala na kong mahihiling pa kundi siya lang. I really love this cutey bear.

"I love you too." bulong ko kaya nakarinig ako ng tawa galing sa kanya. Ugh. Bakit ang cute ng babybear ko? Mainggit sana kayo 🙂

*

"Teka nga, nag away ba talaga kayong dalawa?" takang tanong ni Wendy habang nakatingin samin. Umaandar na naman pagiging bitter niya.

"Oh eh ano na naman?" sabi ko at umirap sa kanya. Nagpatuloy din ako sa paglalaro ng kamay ng babybear ko.

"Ang sabihin mo, bitter ka lang." sagot naman ni Seulgi sa kanya. Sinamaan niya kami ng tingin. Kasalanan mo yan bes, inunahan mo kami.

"Ewan ko sa inyo. By the way, masaya ako dahil bati na kayo. Sana wag na ulit kayo mag away. Sawa na kong makita yang pagmumukha niyo." sarkastiko niyang sabi kaya natawa lang kami.

Bakit kasi wala pang nagpapatibok sa puso ng babaeng to? Or sadyang meron pero nag iinarte lang siya. Ewan ko ba sa bestfriend kong to.

"Wala ka bang plano Wends?" tanong ko sa kanya. Napakunot ang noo niya pero may maya'y natawa din.

"Planong magkajowa ba ang ibig mong sabihin bes?" tanong pa niya kaya tumango ako. Ngumisi ulit siya. "Saka na. Kapag break na kayo." sagot niya at tumawa.

Tanginang to panira talaga kahit kelan eh. Hay nako. May pinagdadaanan ba tong bestfriend ko at di na ako updated sa buhay niya? Baka mamaya depressed na to kaya di niya maayos ang sarili niyang kasiyahan. 

"Bakit ba lagi kaming trip mo Wendy?" nakapout na sabi ni Seulgi kaya agad na napangiwi si Wendy. Ang arte niya. Sinong hindi kikiligin sa pout ng isang Kang Seulgi? Answer me!

Magsasalita na ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko yun at isang unknown number ang nakita ko. Ha? Sino naman to?

From: Unknown Number

Hi unnie! Ako to, ang isa sa mga pinakacute mong pinsan! Ay mali, ako lang pala ang pinakacute sating magpipinsan. Ako to si Jisoo! Quiet suprising right? Hahaha! Well gusto ko lang sabihin na uuwi na ko diyan sa susunod na araw. At gusto ko, kayong dalawa ni Wendy ang magsusundo sakin. Sila Dad kasi, di muna makakauwi. Yun lang naman. See you unnie! I miss you btw 💕

Anong gulo na naman kaya ang dala ng pagbalik ng batang yun? Hay nako.

Syempre masaya ako na babalik na siya dahil halos mag aapat na taong na kaming di nagkikita. Siguro naman matured na siya mag isip dahil sa apat na taon na yun. She stay there for good naman and at the same time, para makamove on na din.

Yup, may nangyare four years ago na nakapagbago ng pananaw niya tungkol sa pag ibig. Tsaka bata pa siya nun kaya di niya alam yung ginagawa niya kaya ayun. Ah basta. Di ko na yun problema. Mahirap na magkwento ako eh di naman talaga ako yung taong yun.

"Irene ko nakikinig ka ba?"

Agad na bumalik ang huwisyo ko dahil sa boses na yun. At nakita ko si Seulgi na nakatingin sakin.

"Ha?" sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Nagulat ako ng ilapit niya ang mukha niya sakin at tinignang mabuti ang bawat parte ng mukha ko.

"Are you okay Irene ko? Kanina ka pa wala sa sarili mo. May masakit ba sayo?" alalala niyang tanong habang nakatingin sa mga mata ko.

Shet. Bakit ba napakasweet ng osong to? Hindi naman niya kelangang gawin to eh. Nakakainis. 

-----

Gom Meets Chu || seulrene ffWhere stories live. Discover now