Three

1.7K 70 11
                                    

Seulgi's POV

Ano kayang nangyare dun sa babe ko? Sabi ko sabay kaming pupunta ng canteen kanina eh. Pagpunta ko kasi ng room niya wala na siya.

Tinanong ko yung mga kaklase niya pero di daw nila nakita. Hays. Namiss ko na tuloy siya.

Tapos ngayon di ko pa siya macontact. Sino nalang maghahatid nun sa kanila?

Ah nga pala dinismiss na kami ni Ms. Choi. Last subject nadin naman siya kaya uwian na namin. Malamang -_-

"Oh Seul di ka pa uuwi?" tanong ni Wendy sakin. Nakaupo padin kasi ako dito sa labas ng room. Baka sakaling dumating yung babe ko.

Ngumiti lang ako sa kanya. Sabay nga pala sila ni Irene pag umuuwi.

"Uuwi din pero hihintayin ko muna yung babe ko." nakangiti kong sabi. Napatango naman siya.

Nakita ko namang nakatingin lang sakin si Irene. May problema na naman ba to sakin? Hays. Ang cute ko talaga :(

"Mag uuwian nalang lalandi pa." sabi ni Irene at napasuklay sa buhok niya. Ngumiti lang ako.

"Ihahatid ko lang siya Irene wag kang mag aalala. Bitter mo naman liit." sabi ko at tinawanan siya. Natawa din si Wendy sa sinabi ko.

"Di yan bitter, nagseselos lang yan." sabi ni Wendy kaya agad siyang hinampas ni Irene. Ha ano daw?

"H-hindi ah. Tigilan mo ko Wendy." naiiling na sabi sa kanya ni Irene at naunang maglakad. Napakunot lang ang noo ko. Anyare dun?

"Wag mo nalang isipin yung sinabi ko. Sige una na din ako Seul-ah." sabi lang ni Wendy at sumunod na din ki Irene. Hays.

Kahit kelan napakamisteryoso nilang dalawa. Magbestfriend nga sila.

Pero syempre hindi padin mawawala sa isip ko yung babe ko. Tangnuh nag aalala na ko oh. Baka kung ano nang nangyare dun.

Maya maya'y biglang tumunog yun phone ko kaya agad ko yung tinignan. Napangiti ako nang makita ang pangalan niya dun.

From: Babe 💞

Babe I'm sorry pero nauna na akong umuwi. May nangyare sa bahay at kelangan kong makauwi kaagad. Sorry kung ngayon ko lang sinabi nag alala ka pa tuloy. I love you babe 💞

Napangiti lang ako at nagreply. This woman.

To: Babe 💞

It's okay babe. Naiintidihan ko. Mag iingat ka ah? Your bear loves you 💞 I miss you babe.

sent.

Okay naman pala siya. Wala akong dapat ipagalala. Kala ko talaga may nangyare na. Tumayo na ako at nagpasya nang umuwi.

Nakangiti akong naglalakad dito sa may hallway nang biglang may nahagip yung mata ko. Shit..

Si Krystal..

WHO THE FVCK IS THAT GUY?!

Lalapit sana ako nang biglang may humila ng kamay ko. Damn it!

"Ssshhh." sabi niya pa habang nakatakip sa bibig ko yung kamay niya. What the hell..

Shit lang..

Nakita ko lang naman yung b-babe ko na may kahalikang iba. Puta ang sarap pumatay. Mukhang masaya pa nga sila habang ginagawa yun eh. Tangina lang..

Maya maya'y binitawan na din niya yung bibig ko at mabilis na sumilip dun sa direksyon nila Krystal.

"Wala na sila." sabi niya pa. Teka nga..

Hinila ko siya palabas dun sa isang sulok at hinarap. Nanlaki yung mata ko sa nakita ko. Bakit nandito tong babaeng to?

"Irene?"

---

Buo na desisyon ko. Wala buo lang.

Alam niyo bang offline ako gumagawa ng ibang chapters ng mga story ko? Wala tinatanong ko lang kung alam niyo.

Kaya hindi agad ako nakakaupdate. 😂

Gom Meets Chu || seulrene ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon