Twenty Eight

1K 34 14
                                    

Irene's POV

"Maam Irene nasa baba po si Seulgi. Hinahanap po kayo."

Rinig kong sabi ni Manang sa labas ng kwarto ko.

Owshit. Ugh. Kelan ba siya pupunta dito na di nanggugulat? Bwiset. Kala niya di kinikilig este kinakabahan yung tao lalo na't ngayon lang siya nagparamdam.

Kauuwi niya lang kasi galing States. Sumama siya sa business trip nila Tito. Kamusta na kaya yon? Miss na miss ko na siya.

"Sige po Manang! Pakisabi hintayin po ako." sabi ko lang at sinimulang ayusin ng sarili ko sa salamin.

Nagpalit din ako ng maayos ayos na damit. Nakakahiya naman mamaya maturn off bigla babybear ko. Gosh. Gusto ko na siya makita.

Maya maya'y biglang nagvibrate ang phone ko. Agad akong napangiti ng makita ang taong nagmessage.

From: babybear 🐻

Wag ka nang magpaganda dyan, baechu ko. Ako lang to. Tsaka maganda ka na ♡  I miss you baba ka na :(

Che! Oo na. Masama bang magpaganda. Psh.

Sinuot ko yung kulay purple na hood, which is regalo niya sakin, at lumabas na ng kwarto.

Dali dali akong dumiretso sa sala at nakita ko siya. Pero.. parang may mali. Bakit parang ang seryoso niya? Hmm. Malambing nga.

"Babybearrrr!!!" sigaw ko kaya agad siyang napalingon sakin.

Nakita ko ang mabilis niyang pagngiti at napatayo pa. Ngumiti din ako sa kanya at dali dali siyang niyakap.

"Yah. Bakit ang tagal mo... namiss kita.." sabi ko habang niyayakap siya.

Hirap neto ah. Tangkad niya pucha. Lagi akong ngalay tuwing yayakap sa kanya. Pero okay lang. Yummy naman siyang yakapin hakslsksbsjsoa.

Ramdam kong niyakap niya pa ko ng mahigpit at hinaplos haplos ang buhok ko. Napangiti lang ako.

"Liit mo padin, baechu ko. Kelan ka kaya tatangkad noh? Haha."

Humiwalay agad ako sa kanya at marahan siyang hinampas.

"Aba Kang Seulgi di porket namiss kita papayag na kong asarin mo ako ng ganyan. Ibang usapan yan." sabi ko.

Tinignan niya lang ako at ngumiti.

"Joke lang. Lika nga dito." nakangiti niyang sabi at hinila ulit ako at niyakap.

"Cute mo talaga." bulong pa niya.

"How sweet." rinig kong sabi ni Mama kaya humiwalay ako kay Seulgi.

Psh.

"Dapat di mo ko binitawan e..." mahina kong sabi.

Nakita kong napatingin sakin si Seulgi at tumawa.

Inirapan ko lang siya at umupo na. Yayakap yakap tapos hihiwalay din pala. Mama naman kasi e.

"Hyun, wag mo na kong iback stab sa utak mo ha? Stop na." sabi ni Mama pero bumusangot lang ako.

"Kelan ka pa nakauwi, Seulgi-ah?" tanong ni Mama.

"Kagabi lang po, Tita."

"Nasan si Mr. Kang? Sabi niya bibisita siya dito."

Hindi ko narinig na sumagot si Seulgi kaya napatingin ako sa kanya.

Bakit ganito ang ekspresyon ng mukha niya? Biglang lumungkot nung nabanggit Dad niya. Nag away ba sila?

"Babybear?" tawag ko sa kanya kaya naman agad siya napatingin sakin.

Gom Meets Chu || seulrene ffWhere stories live. Discover now