Eleven

1.7K 56 71
                                    

Seulgi's POV

"Kahit kelan ka talaga Seul.." naiiling na sabi sakin ni Moonbyul habang nandito kami sa labas ng detention room. Kasama din namin sina Joy at Jungyeon.

Eish. Hindi ko naman alam na paraan pala yun para maiwasan nila yung pagpapatawag sa kanila sa office.

"Hindi ko naman alam eh." sabi ko at napakamot ng batok. Lagot ako nito ki repolyo. Nagsabi pa naman na magtutuos kaming dalawa.

Actually isang oras na kaming naghihintay sa kanila. One hour lang naman silang nadetention tapos di pa sure kung ano yung isang punishment para sa kanila. Kaya nga lagot ako ki repolyo eh.

Paglabas niya nga ng office ni Mrs. Tan, ang sama ng tingin sakin. Pati rin pala si Wendy tapos hindi man lang ako pinansin.

Napatayo kami ng marinig namin ang pagbukas ng pinto ng detention room.

"Ginagawa niyo dito?" nakataas na kilay na tanong ni Irene habang nakatingin sakin. Napalunok lang ako.

"Ah s-sorry.." sabi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Kinakabahan ako puta.

"It's okay Seulgi. Hindi mo naman kasalanan." nakangiting sabi ni Krystal. Andito pa pala to. Tch.

"Wala akong pake sayo Krystal. Umalis ka na nga dito." sabi ko lang at tinignan siya ng masama.

"Pano kung ayoko ha? May magagawa ka ba?" nakangiti niyang sabi habang palapit sakin.

Shit..

Hahawakan na sana niya yung kamay ko pero nailayo ko yun. Hindi niya alam kung gaano ako kagalit sa kanya. Gustong gusto ko na nga siyang saktan ngayon eh. Sasaktan ko siya ng pisikal.

Mabilis akong lumapit ki Irene at hinila yung kamay niya palayo dun.

"Bitiwan mo nga ko!" sigaw niya pa at pinipilit na alisin yung kamay niya. Lalo ko lang yung hinigpitan. Ang kulit niya. Nagpasya akong hilain siya dito sa may rooftop.

"Bakit ba ha?!" sigaw niya pa.

"Sorry na." sabi ko at tumingin sa kanya. Nakita ko ang pag irap niya. Bumalik na naman siya sa dati.

"Ah yun lang ba? Una na ko." seryoso niyang sabi at aalis sana pero hinila ko yung kamay niya.

Hindi ko alam pero may nararamdaman akong bagay na sa tingin ko ay hindi na normal, ayokong nagagalit siya sakin.

"Galit ka ba?" tanong ko pa.

"Hindi naman. Nadetention lang kasi ako ng isang oras tapos may kasunod pa yung punishment. Hindi talaga ako galit." sabi niya at ngumiti ng peke. Pagtapos nun ay inirapan niya ulit ako.

"Sorry na Irene. Wag ka naman nang magalit sakin oh. Hindi ko kasi alam na palusot niyo pala yun ki Mrs. Tan. Sorry talaga." sincere ang pagkakasabi ko nun habang nakatingin sa mga mata niya.

Fvck. Ayokong makitang galit siya sakin. Nalulungkot ako.

Nakita ko ang pagbuga niya ng hangin sa ere. Maya maya ay napatango siya.

"Oo na! Nakakainis!" galit niya pang sabi. Napangiti lang ako at bigla siyang niyakap. I'm so happy!

"B-bitawan mo ko.." bulong niya kaya napatawa ako at humiwalay na sa kanya. Nakita ko ang pamumula ng mukha niya. Ngumiti lang ako.

"So bati na tayo? Di ka na galit?" masaya ko pang tanong.

"Oo pero sa isang kondisyon." sabi niya. Lalo akong napangiti sa sinasabi niya. Kahit ano pa yan mapatawad niya lang ako ng tuluyan.

"What is it?" nakangiti kong tanong.

"Umayaw ka sa engagement."

---

Gom Meets Chu || seulrene ffWhere stories live. Discover now