Twenty Three

1.7K 53 37
                                    

Irene's POV

Ilang araw ang lumipas, mas lumandi este mas naging sweet pa sakin ang oso ko. Kesyo, hatid ako dito, hatid ako diyan. Date kami dito, date kami diyan.

Siguro sa isang araw nakakailang labas kami, uhm, tatlo? Ay hindi. Lima ata. Lima ang pinakamababa. Hahaha! Ganyan kami kaharot.

Huta posible ba yun? Pfft.

Wag mo kong badtripin ah. Masaya ako ngayon.

Posible din ba yun? Haha--

LECHE -_-

Yun nga. Nasa kalagitnaan kami ng date namin ngayon. And gusto niyong malaman kung nasan kami?

"Aish. Hindi masayang sumakay diyan Irene ko. Umuwi nalang tayo." sabi nitong kasama ko at pinipilit na dumaan sa kabilang direksyon, ang direksyon pauwi.

"Anong hindi masaya? Kita mo nga tili ng tili yung mga tao oh." sagot ko naman at tinuro yung mga nakasakay sa roller coaster. Wah. I love those rides..

Oo tama kayo. Kahit wala kayong sinasabi, tama parin kayo. Nandito nga kami sa isang Amusement Park. Arte ng kasama ko diba? Alam kong takot siya HAHAHAHA!

Kunwari di takot sa mga ganyang rides ang totoong Irene noh? HAHAHAHA!

Ano daw? Anong language yun ha?

Pero yung pagiging tanga, oo dito talaga sa storyang to magiging totoo yun.

Mukhang alam ko na. At wala akong balak isipin pa yun ulit. Nalimutan ko na nga agad eh.

"Ehh tara na kasi. Nagugutom na ko Irene ko." nagpapacute niyang sabi. Kung makulit ka, mas makulit ako.

"Katatapos lang nating kumain ng nuggets babybear. Wag kang ano." sagot ko at tumingin sa kanya.

Nagulat ako ng nakangiti na to na halos mawala ang mga cute at singkit niyang mata. Omygod wag dito...

"Ano yung tawag mo sakin?" nakangiti nitong tanong at unti unting lumapit sakin. "Baby what?" tanong pa nito at nagpout.

TANGINA DAPAT NACUCUTAN AKO EH! BAKIT MAS NANGINGIBABAW YUNG PAGKAAKIT KO SA MGA LABI NIYANG NAKAPOUT?!

"Ah b-babybear?" mahina kong sagot at napalunok. Omygod. Hindi ko na kaya to. Biglang uminit yung paligid.

"That's right. Babybear. I'm your cutey babybear. Yeah. That's me!" masaya niyang sabi na halos tumalon talon pa siya.

Napangiti ako habang pinapanood siya. Grabe. Sa simpleng pagtawag sa kanya sa pangalang yun, ganun na siya kasaya. Kaya mahal na mahal ko tong osong to eh.

"San mo gustong unang sumakay Irene ko?" nakangiti niyang tanong sakin. Napangiti lang ako. May naisip ako.

"May naisip na kong sakyan pero gusto ko munang bumili nun." nakangiti kong sagot at tinuro ang isang stand na nagbebenta ng mga headband na may iba't ibang design.

Ngumiti lang siya at inayos ang mga hibla ng buhok kong humaharang sa mukha ko.

"Kaja. Your babybear will buy that stuff for you Irene ko." sagot niya at hinila ako sa lugar na yun.

Bakit ang sweet niya? T_T

"Magkano manong?" tanong niya dun sa nagbebenta.

"150 po isa. Kahit ano na pong klase." sagot ni Manong at pinakita ang iba lang design.

Woah. Ang cucuteeee~ omygod.

"What do you want Irene ko?" tanong niya sakin kaya hindi ko naiwasang mapapadyak ng patago.

Gom Meets Chu || seulrene ffWhere stories live. Discover now