Nineteen

2K 50 30
                                    

Irene's POV

fastforward..

"Excited much Irene?" nakangising tanong ni Wendy habang patawa tawa akong pinapanood. Leche.

Kinuha ko yung sandals ko at binato yun sa kanya. Pero sadyang mabilis siya kaya agad siyang nakaiwas. Bwiset nga eh.

"Akala ko ba susuportahan mo na ko simula ngayon?" nakabusangot kong sabi habang naghahanap ng mga damit sa closet ko. Shete. Ano bang susuotin ko?! Takte yan.

"What the hell Irene. Malay ko bang pumayag ka na pala sa sinabi nung osong yun. Wag mo kong masisi sisi diyan ah." galit niyang sigaw at nakita ko ang pagsuklay niya sa buhok niya. Arte to the max netong bestfriend ko.

"Spell ARTE." sabi ko lang. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.

"Spell MAS MAARTE." sagot niya naman. Napabuga lang ako ng hangin sa ere.

Kung madaldal ako, mas madaldal siya. Yung feeling na hindi na ako makasabat pa. Pero tangina dati lang to eh. Kung hindi lang dumating talaga sa buhay ko ang hayup na yun.

Yeah. Kung iniisip niyong si Kang Seulgi ang binabanggit ko, tama kayo yeoreobun. NO NEED TO EXPLAIN. Simula ng napalapit siya sakin, bigla nalang nawala yung pananaw ko bilang sabatera. Ako ata ang Sabatera Queen dito sa univesity. Pero puta hindi ko na magawa ngayon. BWISET SIYA! Pasalamat siya ganun ko siya kamahal.

KYAAAA! OMO! KINIKILIG AKO!

"Sige na kasi Wends. Taena magaalas tres na oh. Alas kwatro siya pupunta dito." mabilis kong sabi habang hawak ang matataba este mga braso niya.

Hahaha! Sarap kagatin eh. Ang healthy na niya ngayon. Proud PRETTY besty here *wave*

"Eh kung tawagan mo muna siya at sabihing papayag ka. Walang alam yung taong yun tange." sabi niya naman. Ay oo nga pala.

Oo hindi agad ako pumayag kanina kasi naman! Shet! Ikaw ba naman iapproach ng ganun ni krass tapos napakacute pa ng taong yun? At ang pinakaimportante, inaya ka agad na magdate. Napakasaya lang.Wala nang ikasasaya pa. Happiness~! -_-

Alam niyo bang hanggang ngayon hindi ko padin matanggap yung ginawa ni Mrs. Shin sa kanya kaninang umaga. Kahit pa kasalanan talaga ng baliw na osong yun dahil mali nga yung ginawa niya. Pano kung mapahamak talaga siya? Mawalan pa ko nang cute na fiance. Hihihi. Sapak sa pisngi ng pwet aangal. Sige.

Hindi yun dahilan para pingutin siya ng ganun kalakas. Lagot yung si Tita sakin mamaya. Susumbong ko siya ki Mom.

Ay huta! Oo nga pala!

"Irene ano na? Petsa na oh." inip na sabi ni Wendy habang nakatingin sakin.

"Tangek wag na muna. Kina--"

"KALA KO BA GUSTO MO NA YUNG TAO?! ANO TO?!" sigaw niya sakin. Binigyan ko siya ng tingin na sigurado akong ikatatahimik niya at hindi naman ako nagkamali, nanahimik ka ang gaga. Hindi kasi ako pinapatapos -_-

"Hindi ako magbaback out noh. Alam mo kung gaano ko to katagal na hinintay. Kakausapin ko lang saglit si Mom." sabi ko lang at nagpaalam na umalis muna.

Alam kong nasa kusina si Mom. Naamoy ko na yung mabango at masarap na amoy ng niluluto niya. Nagpeprepare na nga siya para sa pagbisita namin kila Seulgi. Shocks! Bakit ba may nararamdaman akong kiliti tuwing nababanggit ko name niya? Tangenaaa!

Hindi nga ako nagkamali, nandun siya. Nakangiting binabalot yung mga bagong luto niyang mga pagkain. Napangiti lang ako at lumapit dun.

"Hi Mom. Ang dami niyan ah." nakangiti kong sabi habang inaamoy isa isa yun. Sheyt! Ang bango! I love you Mom. Amoy palang, ang sarap na. Parang si Seulgi lang..

Gom Meets Chu || seulrene ffWhere stories live. Discover now