Seventeen

1.8K 54 6
                                    

Irene's POV

Next day...

"Hyun nasa baba na si Wendy, hinihintay ka. Sabay daw kayong pumasok." sabi lang ni Mom habang nililigpit yung mga gamit sa loob ng kwarto ko.

Hindi na ako sumagot at tumango nalang. Feel ko kasi wala akong gana ngayon. Nalulungkot at the same time, naguguluhan ako. Ginusto mo yan Irene, harapin mo yan.

"May problema ba Hyun?" tanong nito nang mapansing parang wala ako sa sarili. Nakita ko din ang paglapit niya habang bitbit ang isang basket.

"Wala naman Mom." sagot ko at ngumiti ng unti. Nakakainis. Bakit ba naiiyak ako? Bwiset yan.

"Are you sure?" tanong pa niya. Tumango lang ako at ngumiti.

Ayoko munang ishare to ki Mom, ayokong pati siya maguluhan. Pagod pa to ngayon dahil kararating niya lang kahapon galing States.

"Good. Oh siya dalian mo na. Pag uwi mo galing school bibisita tayo kila Seulgi." nakangiti niyang sabi kaya nanlaki yung mata ko. Putcha...

Hindi na ako nakapagsalita pabalik dahil mabilis siyang lumabas ng kwarto ko. Gosh.

Kairita is lifue. Ang hirap ng ganito. Pano ba kasi kami napunta dito? Dati naman.. ugh! I hate this day! Katamad tuloy pumasok.

Kinuha ko na rin yung bag ko at bumaba na din. Baka kasi mag alburoto na naman yung bundok ni Seungwan este na si Wendy. Wala nga pala siyang bundok. Hahaha!

Medyo maaga pa naman. 7:20 palang naman. Ang haba pa ng oras kaya siguro kumakain pa dito tong si Wendy. Oo kumakain. Feeling ko nga yan yung almusal ko eh -__-

"Masarap ba Wends?" tanong ko habang palapit sa kanya.

Tumango tango lang siya at nagthumbs up. Tanggalan kita ng anit eh.

"Oh talaga? Anong lasa ng breakfast ko ha?" nakataas na kilay ko pang tanong sa kanya.

"Kapalstrdcbgkddfmo!"

Oo naintindihan ko -_- Hindi din ako natalsikan ng butil ng mga kanin.

"Ang baboy mo! Lunukin mo nga muna yan!" naiinis kong sabi sa kanya. Umirap lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Umupo ako sa tabi niya at kumuha ng makakain ko. Saka nagsimulang kumain.

"Irene yung mata mo luluwa na. Tulala pa more." natatawang sabi ni Wendy at nakita ko ang pagflash ng camera ng phone niya. Putcha..

"Idelete mo yan puta." sabi ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Tawa lang siya ng tawa. Pano ko pa kaya isheshare sa kanya yung nasa isip ko? -_-

"Wala naman kasi yun. Flashlight lang. Hindi ako magsasayang memory makunan lang yang mukha mo." palusot niya at patagong tumawa. Tangena neto magpapalusot nalang magsisinungaling pa.

"Bakit ka naman tumatawa diyan ha?" galit kong tanong.

"Yung mukha mo kasi parang tanga. Bat ka nakatunganga diyan?" tanong naman niya.

Hays. Wala akong choice kundi ang ikwento sa kanya. Siya lang naman yung makakaintindi sakin. Dakilang love adviser ata tong bespren ko.

"May iniisip lang ako." sagot ko. Aish! Nakakahiya. Paniguradong aasarin na naman niya ko.

"Alin? Kung gaano ka kamanhid?" nakangiti niyang sabi kaya nanlaki yung mata ko. What?! Pano nalaman ng chismosang to?

Ayt. Nagtanong pa ko -_- Sa kanya ko nga pala naishare yung tungkol sa nararamdaman ko sa osong yun. Ehh! Ayan na naman. Naalala ko na naman siya :< I miss her shet!

"An-anong ibi--"

"TAENA MO UMAMIN KA NA GAGO!" sigaw niya kaya hindi ko napigilang mapapitlag. Taena neto.

"Bat ka ba sumisigaw ha?!" sigaw ko naman.

"Para magising yang makitid mong utak. Ewan ko ba Irene. Simula ng makilala natin ang baliw na osong yan, naging ganyan ka na. Hindi yan hate Irene, selos yan. Bakit? Well hindi pa ba halata? Gago nahuhulog ka na sa kanya. Tapos irarason mo sa tuwing may kasama siyang iba na engage na kayo at hindi dapat siya nakikipaglandian sa iba. Alam ko namang umamin na din sayo ang osong yan, am I right?" mahaba niyang litanya pero hindi ako nakasagot.

Puta. Gusto kong magpalamon sa lupa. Feeling ko kasi, totoo lang nung mga sinabi niya. Nahuhulog na nga ako sa taong yun. Nagkakagusto na ko sa isang Kang Seulgi.

"Umagang umaga Irene ha. Inistress mo ko." naiirita niyang sabi at inayos yung sarili.

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. Naalala ko yung mga sinabi niya sakin kahapon. Ito ba yung sinasabi nilang, kilig? Putcha nafefel ko na oh! Gusto kong makita yung osong yun! Kyaaaa!

Kinuha ko yung isang lunchbox dun at nilagyan ng homemade sandwich ni Manang. May naisip lang naman ako. Hakhak.

"Tara." nakangiti kong sabi at hihilain sana yung kamay niya pero agad niya yung naiiwas.

"Oh bakit?" takang tanong nito. Bumusangot lang ako at hinatak yung kamay niya.

"Yah gutom pa ko!" sigaw pa nito habang hila hila ko yung kamay niya. Psh. Taena neto walang kabusugan.

Excited na kong makita ang baliw na yun. Sana naman makaamin na ko mamaya.

----

Gom Meets Chu || seulrene ffWhere stories live. Discover now