Twenty One

1.5K 56 45
                                    

Seulgi's POV

Hello Philippines! It's been a while. Wah. How I miss this country.

Five months na nawala ako sa bansang to. Five months din ako naging malungkot sa Mexico dahil napakawalang kwentang kasal ni Mama sa isang artist sa Mexico.

Ayoko sanang sumama dahil maiiwan ko ang mga kaibigan ko at ang babaeng pinakamamahal ko pero nagawa niya akong mapasama dahil sa pagbabanta niya sa company. As if naman kaya niyang sirain yun.

Pumayag lang si Dad dahil akala niya namimiss ko na si Mom pero nagkakamali siya. Matagal ko nang inalis sa isip ko ang babaeng yun.

"Master Kang okay na po ba yang bali niyo sa braso?" tanong ni Manong Driver at patingin tingin sa kin. Ngumiti lang ako.

"Wala to manong. Wag kayong mag alala sakin." sagot ko at ngumiti. Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Isa pa pala to. Tch. Kagagawan lang naman to ng pinakamamahal kong ina. One time kasi naisipan kong tumakas pero nakatunog yung mga bantay ko sa mansion nila. Ayun, nagawa ko pang makasakay ng kotse para makalayo sa lugar na yun pero naaksidente ako kaya naman di na ako nakatakas pa. At ang ending? Nakasimento lang naman yung braso ko. Ang saya diba?

Lalo ko lang siyang kinainisan dahil sa ginawa niya sakin.

Tiniis ko yung mga araw na nasa Mexico ako kasama nila Mom para lang hindi mag alala si Dad. Hindi din naging mahigpit ang stepdad ko dahil wala naman siya masyado sa bahay nila. Ako lang ata ang laman ng pagkalaki laking mansyon na yun. Si Mom isang beses sa isang linggo kung dumalaw at swertehan pa yun. Ewan ko ba. Sobrang lungkot ko talaga sa mga panahong yun.

Alam niya ang tungkol sa sugat ko. Nagsinungaling ako syempre. Kung sabihin ko man yung totoong dahilan, lalo lang lalaki yung gulo. Mas mabuti nang wala siyang alam. Tsaka okay nadin naman ako ngayon. Aalisin na to next week.

"Manong kamusta si Irene?" tanong ko bigla. Narinig ko ang pagtawa niya.

"Hindi ko dapat ikwento sayo ang mga bagay na to at hindi dapat ako matawa pero hindi ko na talaga kayang itago Master eh." Ha? Anong nangyare nang wala ako dito?

"Ano pong ibig niyong sabihin?" taka kong tanong. Tumingin siya saglit sakin saka tumingin ulit sa dinadaanan namin.

"Wala po yun Master Kang. Alamin nalang po ninyo mismo sa kanya." sabi pa nito. Fvck. Bigla akong kinabahan ah.

Gusto ko nang makauwi agad. I miss my Dad. I miss my fvcking fiance.

---

"Welcome back Master Kang." sabay na bati nung mg maid namin na halos sabay sabay pa silang nagbow sakin. Napangiti ako.

"Thank you." nakangiti kong sabi at napatingin ki Dad.

"Welcome back." nakangiti niyang sabi at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Gusto ko din gantihan yung yakap niya pero kalahati lang ng kamay ko yung kaya eh.

"I miss you Dad." nakangiti kong sabi nang humiwalay siya sakin. Napangiti siya at ginulo yung buhok ko.

"Sa loob na tayo mag usap." nakangiti niyang sabi at tumingin sa mga maid. "Pakidala nalang yan Manang. Thank you." utos pa nito. Sumunod naman agad yung mga maid kaya nauna na kaming pumasok.

"How's Mexico?" nakangiti niyang tanong habang papasok kami ng mansion.

"Okay lang Dad. Maganda at tahimik. Naenjoy ko naman." sagot ko.

"Masaya ako at naenjoy mo yun. Did you meet your Mom?" tanong pa nito. Tumango lang ako.

"Yes Dad. Actually may pina--"

"KANG SEUL BRO!"

Naputol ko ang sinasabi ko dahil sa sigaw na yun. Pero imbes na magalit ay napangiti ako. I miss them..

Sabay sabay silang lumapit sakin at pinalibutan ako saka niyakap.

"Amoy Mexico ka dude!" sigaw ni Moonbyul kaya napatawa kami. Kahit kelan buwan.

"Hindi ka parin nagtitino Moon." saway ko sa kanya at nakipag apir. Tumawa lang din siya.

"Amoy nakasimentong braso!" asar ni Jungyeon at tinuro yung braso ko. Tch. Namiss talaga nila akong asarin ah.

"Kamusta kayo ni Nayeon?" asar ko naman at nginitian siya ng nakakaasar. Napakamot siya ng ulo sa sinabi ko. Kala mo ah.

Nagtawanan lang kami at napatingin ako sa isang taong nakatingin lang sakin. Oh. Here we go again.

"What's with that face Joy?" kunot noo kong tanong sa kanya.

Pano ba naman, akala mo nayupi yung mukha niya. Tapos papunas punas pa ng luha kunwari. Tch. Parang tanga.

"I.. I can't... I MISS YOU KANG SEUL!" sigaw niya at mabilis akong niyakap ng mahigpit. OO SOBRANG higpit to the point na madadagdagan yung bali ko sa braso.

"Park Sooyoung get of--"

"PARK SOOYOUNG GET OFF MY BABYBEAR!"

That voice...

----

Mexico amputs 😂

Baby I don't need dollar bills to have fun tonight~ (I love cheap trills~! 💞)

Gaya ng napag usapan 😌

Gom Meets Chu || seulrene ffWhere stories live. Discover now