Twenty Seven

1.3K 48 15
                                    

Irene's POV

"Babybear dahan dahan naman. Baka mabulunan ka." saway ko kay Seulgi na halos pagsabay sabayin sa bunganga niya yung mga kinakain niya.

Alam kong gutom na gutom na siya pero siyempre kelangan niyang magdahan dahan. Lalo na't..ugh.

"Why? Ang cute kaya niya. Mukha siyang bear." ngiting ngiting sabi nung Sabrina. Di naman halata na type niya girlfriend ko noh.

"Kaya nga babybear tawag ko diba." bulong ko kaya naramdaman ko ang pagsiko ni Wendy sakin. Psh. Bakit ba.

"Mamaya ka na mag alburoto. Nakakahiya sa kasama ng pinsan mo." bulong niya pero di ko yun pinansin. Nakakairita bwiset.

"Here iyo nalang tong akin." ngiting ngiti na sabi nung Sabrina at inabot yung tofu niya kay Seulgi. Tangina.

"Alsnssalamatsnslsnd." nakangiting sabi sa kanya ni Seulgi at kinain na yung bigay.

Sa inis ko ay nasipa ko yung paa niya dahilan para mapasigaw siya. Naiubo niya din yung kinakain niya.

"Masakit.." nakapout niyang sabi. He! Maharot ka din eh.

Di ako nagsalita at pinandilatan lang siya ng mata.

"What's wrong Seulgi-ah?" alalang tanong ni Sabrins at nakita ko ang paghawak nito sa kamay ni Seulgi. What the..

"Yung kamay." sabi ko kaya napatingin siya sakin. Ngumiti lang siya at binitawan yung kamay ni Seulgi.

"Wala lang yun Sab. Okay lang ako." sabi naman ni Seulgi at ngumiti sa kanya. Tumingin din siya sakin. Umirap lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Si Jisoo nga pala wala na dito. Dumating din kasi yung ate niya kanina para sunduin siya. Tapos tong si blonde girl nag aya naman na kumain. Duh. Nahiya pa siya na si Seulgi lang ayain niya. Dama ko naman na gusto niyang landiin ang babybear ko but sorry gurl. Akin lang ang osong yan.

"Ah bes mauna na pala ko. May meeting pala ngayon yung club para sa event next week." paalam ni Wendy sakin.

"Nice timing naman." sabi ko pero tinawanan niya lang ako.

"Sab una na ko. May meeting pa kong pupuntahan." paalam niya kay Sabrina.

"Sayang naman. Sige ingat nalang. Nga pala nice to meet you." nakangiti namang sabi ni Sabrina. Ngumiti lang sa kanya si Wendy at umalis na din.

"I think we're done." sabi ko lang at umayos.

"No Irene ko. I'm not done yet." sabi lang ni Seulgi habang nginunguya yung meat.

"Mahilig ka din sa meat Seulgi-ah?" nakangiting tanong sa kanya ni Sabrina. Tangina naman. Di naman siya palatanong noh?

"Ah oo. Actually lahat naman hilig ko pero itong meat pinakagusto ko." sagot sa kanya ni Seulgi. Natawa si Sabrina sa sinabi niya. Parang andito pa kasi ako.

"Ah btw selfie tayo." nakangiti niyang sabi kaya agad akong napaayos ng upo.

"Sige b--"

"Ako na maghahawak." nakangiti kong sabi at kinuha yung hawak niyang phone. "1..2..3!" mabilis kong sabi at click.

"Here." sabi ko at inabot yun kay blonde gurl.

"Uhm picturan mo naman kaming dalawa. Pwede ba Irene?" nakangiti niyang sabi. Patago kong naiangat ang kilay ko. Wow. Di pa nakuntento.

Ngumiti lang ako. "Sure." sabi ko at kinuha yun ulit.

Nakita ko ang pagtayo niya at mabilis na lumipat sa tabi ni Seulgi. Yung seat kung nasan nakaupo si Wendy kanina. Siniksik niya din sarili niya kay Seulgi at kumapit pa sa braso nito. Wow. Medyo..

"1 2 3." sabi ko.

"Isa pa!" sabi pa ni Sabrina at sinandal naman ang ulo sa balikat ni Seulgi sabay peace sign. Ngumiti lang si Seulgi.

"1 2 3."

"Thank you Irene!" masayang sabi ni Sabrina at kinuha yung phone.

"Ah maiwan ko na kayo may pupuntahan pa kong event. Nice to meet you guys." sabi lang niya at nagpaalam na samin.

"Take care Sab!" sabi ni Seulgi sa kanya. Ngumiti lang ito at umalis na din.

"Sweet niyo."

Seulgi's POV

"Sweet niyo." rinig kong sabi ni Irene at akmang tatayo pero agad ko siyang hinila at niyakap ng mahigpit.

"A-ano ba bitiwan mo nga ko.." sabi pa nito at pinilit na humiwalay sakin pero niyakap ko lang siya lalo.

"I love you. I love you. I love you." sunod sunod kong sabi at ngumiti.

"Nakakainis ka.. ang h-harot mo..." sabi niya at narinig ko ang mumunti niyang hikbi.

"I love you so much Irene ko." sabi ko pa at inayos ayos ang buhok niya. "Wag ka nang magselos kay Sab. Mas maganda ka dun. Mas cute ka dun. At higit sa lahat..." pinutol ko ang sinasabi ko at hinarap siya.

"Ikaw lang ang mamahalin ko, wala nang iba." sabi ko pa at pinakita ang eye smile ko sa kanya.

Napatawa siya at bahagyang pinunas ang luha niya. Ngumiti ako at tinulungan siya rito.

"Lika na nga pinagtitinginan na nila tayo oh." nakapout niyang sabi at tumayo na.

Tinignan ko yung mga tao at totoo nga, nakatingin sila samin. Hmm. I have an idea.

"Listen up." sabi ko nang makatayo ako.

Lalong umagaw ng atensyon nila yung pagsasalita ko. Naramdaman ko din yung paghila ni Irene sa kamay ko. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Uhm hello everyone. I would like to ask you a question. Sa tingin niyo bagay kami ng magandang babaeng ito na nasa tabi ko?" nakangiti kong sabi at inakbayan siya.

"Mas bagay tayo!"
"You look good together!"
"Ang cute niyo pareho!"
"Bagay na bagay kayo!!!"

Napangiti ako ng marinig ang mga positibo nilang komento. Di sila mga sinungaling. Alam nilang bagay na bagay kami ng Irene ko. Which is totoo naman.

"Should I marry her?" tanong ko pa at tumingin kay Irene. Mabilis naman itong napatingin sakin at pinanlakihan ako ng mata.

"Yah.." sabi niya lang.

"Ofcourse!"
"You should!"
"Ako magkakasal sa inyo tangina."
"Marry her now! Ngayon din!"

Napangiti lang ako. Ang sarap pakinggan na lahat sang ayon sa gusto mong mangyare nang walang pagjujudge. Well kung hahadlang sila, wala din silang magagawa. Wala akong pake sa kanila. Di sila kawalan.

Mahal ko si Irene at gagawin ko ang lahat magkasama lang kami. Kahit pa hadlangan ng buong mundo. Di magbabago ang pagmamahal ko para sa kanya. Wala na kong mahihiling pa kundi siya lang.

----

Gom Meets Chu || seulrene ffUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum