Five

1.9K 70 40
                                    

Irene's POV

"Mwo?" gulat kong tanong. Fiance daw? Ako? Nino? Lol. No way.

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. Baka kasi namali lang ako narinig. Ako magkakaroon ng fiance? At yung baliw na yun?! NO WAY. 

Sabi nga ng BTS, everybody say no~!

"Napag usapan naming dalawa ni Mr. Kang na iarranged marriage kayong dalawa dahil sila nalang ang makakatulong satin para magkaroon pa tayo ng iba pang investors." sabi niya lang kaya agad akong napaupo. Putcha. BUSINESS NA NAMAN.

"Business na naman ba to Dad?" sabi ko lang. Lagi nalang business nasa isip nila. Di man lang ba nila maisip yung nararamdaman namin sa tuwing nilalagay nila kami sa ganto?

Ang ayoko kasi sa lahat yung kinokontrol at pinangungunahan ako sa mga desisyon ko. Ayoko nang ganun. Gusto ko sarili kong desisyon. Yung walang eepal at magdidikta sakin.

"Hyun. Di ko to ginagawa para sakin o kahit kanino. I swear para sayo to at ni minsan, di ko naisip na ilagay ka sa ganitong sitwasyon. Sadyang kelangan talaga natin ng tulong sa mga Kang para medyo umangat naman ang kumpanya. Alam mo naman siguro yung nangyare last year diba?" sabi niya kaya napatigil ako.

Napatango nalang ako ng maalala yung nangyare. Ang saya na siguro nila ngayon. Mga demonyo at walang mga hiya. Wag lang silang magpapakita sakin.

"Wala na tayong malalapitan pang iba kundi ang mga Kang. Tsaka isa pa nag offer na sila satin ng isang project at kelangan nalang ninyong maengage ni Seulgi para matapos na. Then after that wala ka nang poproblemahin pa." dagdag niya pa at ngumiti sakin.

Eh kasi.. ugh. Nakakainis naman talaga oh. Buhay nga naman. Bakit kasi siya pa? :(

"Kung pumayag man ako, pano siya? May girlfrien--"

"Wala akong girlfriend."

Agad akong napatingin dun sa nagsalita at nakita ko si Seulgi na nakangiting naglalakad palapit sa direksyon namin. Shit lang..

"Andito na pala sila eh." nakangiting sabi ni Dad at lumapit dun sa mag ama. Oo nandito din si Tito Jiwoon.

"Yah anong ginagawa mo dito?!" tanong ko ki Seulgi. Pano ba naman ngiti ng ngiti sakin.

"Wae? Masamang puntahan yung fiance ko?" nakangiti niyang sabi habang nakapamulsang nakatingin sakin. Ano daw? Kapal nito oh.

"Wag ako Kang. May jowa ka diba? Dun ka sa babe mo." pagtataboy ko sa kanya. Nagulat ako nang makitang biglang sumeryoso yung mukha niya.

Syempre hindi yun nakita nila Tito dahil nakatalikod ito at nag uusap sila ni Dad.

"Pwede ba? Wag mo muna siyang banggitin dito okay?" seryoso niyang sabi sakin. Napalunok ako nang makita ang seryoso pero malulungkot niyang mata.

Anong nangyayare sa baliw na to? Bat bigla nalang naging ganto? Nakakatakot siyang maging seryoso...

"Oh kayong dalawa diyan. Lumapit muna kayo dito." rinig kong sabi ni Tito Jiwoon.

Naunang lumapit dun si Seulgi at tumabi sa Dad niya. Sumunod nadin ako sa kanya at tumabi ki Dad.

Tumingin ako saglit ki Seulgi at nakita ko itong nakatingin din sakin. Oh shit..

BAKIT BIGLA NALANG NAGING GANITO YUNG PUSO KO?! WHAT THE HELL?!

"Mukhang alam na ni Irene kung bakit kami nandito. Pumayag naman ba?" tanong ni Tito at nakangiting tumingin sakin.

"Actually hindi pa dahil may sinasabi siya kanina. Ano yun Hyun?" sabi lang ni Dad kaya napalunok ulit ako. Putcha ano? Sabihin ko ba? Ang hirap nakakainis!

Gom Meets Chu || seulrene ffWhere stories live. Discover now