End

1.6K 48 34
                                    

Irene's POV

Bat ganun yung mundo? Kung kelan magiging masaya ka na, dun naman niya gagawing malungkot ang lahat. Wala na ba talagang permanenteng mga pangyayare sa mundo? Lahat ba may katapusan? Ang daya lang.

Minsan gusto ko ding sisihin yung sarili ko eh. Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko.

Tulad ng, paano kung matagal ko na siyang naging gusto? Magiging permanente ba ang lahat?

Pano kung hindi siya napabilang sa mga ayaw ko, mangyayare ba lahat ng to?

At higit sa lahat, kung maaga ba akong umamin, mapapabilang ba ako sa mga gusto niya?

Kasalanan ko ba lahat ng to? Siguro. Ramdam at alam ko sa sarili ko na ako lahat ang puno't dulo ng mga to.

"What the hell Irene. Kumain ka nga. Isang buwan ka nang nakatunganga ng ganyan diyan." reklamo ni Wendy habang pinipilit akong kainin yung bagong luto niyang pasta.

Isang buwan na nga ang nakalipas, ganto padin ako. Ang bilis kasi ng panahon. Hinding hindi ko naisip na m-mawawala siya ng ganun lang. Wala man lang kaming alam sa kung ANO TALAGA ang nangyare sa kanya. Even her friends. Bigla bigla nalang kasi silang nawalan ng connections sa mga Kang.

Hindi naman ako naniniwalang wala na talaga siya eh. Ramdam kong nasa paligid lang siya at patuloy niya padin akong kinukulit gaya ng gawain niya dati.

Liit kelan ka tatangkad ha? Hahaha!

Hindi ko na naman napigilang mapaluha. Ang sakit lang. Namimiss na kita oso ko..

"Yah. Umiiyak ka na naman. Oo na hindi na kita pipilitin." sabi lang ni Wendy at hinagod yung likod ko. Lalo lang akong naiiyak kapag may gumagawa sakin niyan eh..

"Seulgi-ah.." naiiyak kong sabi at nagpatuloy sa paghagulgol.

Seulgi-ah..

Kung nasan ka man, sana hanggang ngayon maalala mo padin ako..

Kahit wag mo nang maalalang ako yung mahal mo. Maramdaman mo lang na mahal mo ko, yun lang ang hiling ko.

I miss you babybear..

END.

---

So yun na nga. Ito na nga po yung ending. HAHAHAHAHA! Ang sad diba? Well ganyan kapag masyado akong natuwa sa repackage ng RED VELVET.

Senkyu sa mga nagsupporn--- ANO BA?! Okay nagsupport talaga yun. Senkyu sa lahat ng sumuporta sa Gom Meets Chu. Hindi ako makapaniwala na magkakaroon to ng place sa Short Story like, wala naman tong kathrill thrill 😂 Ano kaya yung rason bat pa to nagkaroon ng place? Isa itong hiwaga.

Pero don't you worry mga Mommy. Magkakaroon po ng repackage ang Gom Meets Chu. At mailalabas lamang po ang ating finished product kapag umabot ng 1k ang reads ng Gom Meets Chu. Kita kits mga mommy~!

#GMCRepackageForTheWin
#AnongMagandangTitle?

Gom Meets Chu || seulrene ffWhere stories live. Discover now