Nine

1.7K 59 26
                                    

Irene's POV

Ano ba namang klaseng tanong to? Kala ko naman yung nakakakaba at dadating yung point na pagpapawisan ako. Psh. Piece of cakeu.

"Ms. Bae?" tawag ulit ni Mr. Kim sakin. Ay kausap niya pa pala ako.

"Ah eh... basta po katulad ni Park Bogum. Yung actor po. Mabait, matalino at mapagmahal." sagot ko naman. Yah. Seryoso ako diyan.

Mahal na mahal ko yang si Bogum oppa. Ang cute cute niya sa Love in the Moonlight. Fangurl in your area~

"Ohh. So that's your ideal type huh. Then how about you Kang Seulgi?" nakangiti namang tanong ni Mr. Kim at tumingin ki Seulgi.

Ang sama lang ng tingin niya habang nakatingin sa kawalan. Tila ba may maliit na away sa utak niya dahil kumukunot kunot yung noo niya. Yung feeling na may kausap siya pero sa isip niya lang. Mga ganun.

"Me? Actually my ideal type is my fiance, Bae Irene."

Oh gosh..

KYAAAAAA! Yung puso ko >_<

"Omygosh. May gusto ba siya ki Irene?!"
"Shet kinikilig ako sa kanila!"
"My Kang Seulgi is so sweet! Shemay!"
"Bagay kayong dalawa!"

At kung anu ano pang mga kahibangan ang pinagbulungan nila.

Eh kasi naman..

Leche naman to. Ayoko nang ganitong feeling! Bat kinikilig ako sa mga sinabi niya?

"Do you like her?" tanong pa ni Mr. Kim. Fast talk ba itu?

Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagigting ng bagang niya. Ohmygod.

"No." sagot niya. Narinig ko ang iilang pagsabi ng mga kaklase namin ng 'AWW'

Bumagsak din ang dalawang balikat ko sa sinabi niya. Grabe. Ano ba tong nararamdaman ko? Putcha naman oh. I hate myself!

"Okay. Final na yan ah. So at the end, Ms. Bae and her Park Bogum oppa will have a happily ever after in the future." nakangiting sabi ni Mr. Kim.

Napatawa lang yung mga kaklase naming lalaki. Psh.

"Sir next question!" sigaw nung isa pa naming kaklase. Leche. Nakakatamad na. Nawalan na ako ng gana. Ewan ko ba.

Parang kanina pumayag pa ako dahil gusto kong pagtripan tong baliw na osong to. Pero ngayon... tila ba nawalan ako ng gana.

"No questions anymore. Nasagot na yung mga tanong ko. Don't worry di din ako magkaklase. Free time niyo na students." nakangiting sabi ni Mr. Kim kaya nagsimula nang magkanya kanya yung mga kaklase namin.

Hindi ako kasali syempre. Wala akong oras para diyan noh.

"Irene canteen tayo saglit." yaya ni Wendy sakin. Umiling lang ako. Katamad.

"Dali na. Bibili lang akong banana milk." pangungulit pa nito at inalog alog ako. Hay nako.

"Ehh tinatamad ako. Ikaw nalang. Pasabay nadin ah. Thanks." bagot kong sabi at pinatong yung baba ko sa bag.

"Tinatamad daw. Leche nadisappoint ka lang sa sinagot ni Seulgi eh." bulong niya at nakita ko ang makahulugan niyang pagngiti.

Pinanlakihan ko siya ng mata kaya napatawa siya. Bwiset to.

"Ano sasamahan mo ko o sasabihin ko?" tanong niya pa at ngumiti ng nakakaloko. Putcha. I hate you Wendy Son. Padadala talaga kitang Africa para naman matunaw ka nang olap ka.

Umirap lang ako at inayos yung bag ko.

"Fine. Wag mo kong paggagastusin ah." padabog kong sabi at tumayo na. Tinatamad nga yung tao eh. Bwiset naman oh.

"Wala nga pala akong dalang wallet ngayon. Libre mo ko." sabi niya lang kaya agad akong napatingin sa kanya. Tangina..

"Kakalbuhin kita." inis kong sabi kaya napatawa siya. Umirap lang ako sa kanya at napabuga ng hangin sa ere. Hayup na to.

"San kayo pupunta?" tanong bigla ni Seulgi nang makitang paalis na ko. Naalala ko na naman...

"Sa lugar kung saan wala ka." sagot ko sa kanya at inirapan siya. Badtrip ako sa osong to sa totoo lang.

"Basta wala din yung Park Bogum na yun dun ah. You can go." sabi lang niya kaya napakunot yung noo ko.

"Nagselos na yung oso." bulong sakin ni Wendy.

SHEMAY! Yun ba yung meaning nung sinabi niya?! Omygosh! Ito na naman yung nararamdaman kong kilig >_<

Layuan mo ko tukso, layuan mo ko Kang Seulgi. Hayup ka!

Hayup na siya Irene. Oso pa nga eh.

Leche.

"Actually imemeet namin si Bogum oppa, Seulgi." sabi nitong si Wendy kaya napatingin ako sa kanya. Gago ba to? Nasa taping yun ngay---

"What?!" gulat na tanong ni Seulgi kaya napatingin naman ako sa kanya. Ramdam kong medyo nababali na yung leeg ko oo.

"Hindi yun toto--"

"I'm coming with you. Kahit pa umayaw ka." seryoso niyang sabi sakin at hinawakan yung kamay ko.

Dug dug dug dug

May kuryenteng dumaloy dun ng hawakan niya. Tapos yung puso ko nagkaroon siya ng mini concert sa loob at tibok ng tibok. Yung mga kahayupan din sa tiyan ko ay kasalukuyan ding nagkakaroon ng maliit sa salo salo.

Omygod. Anong ibig sabihin nito?!

"May utang ka sakin Irene." nakangiting sabi ni Wendy at nginuso yung kamay namin ni Seulgi na magkahawak. Tangina nitong osong to.

Nagpaalam na din kami ki Sir na pupunta lang ng canteen para bumili saglit. At alam niyo bang hanggang ngayon ay hawak ni Seulgi yung kamay ko? Tangina nga talaga niya eh.

Hindi ba niya naisip na may taping yung si Bogum? Baliw din tong osong to eh. Tapos hindi man lang ba niya naiisip yung nararamdaman ko ngayon?

HUTA! Kinikilig lang naman ako. Gusto ko lang siyang iinform dun. At isa pa pala, nakakainis si Wendy. Papatayin ko siya pag uwi akala niya.

Habang naglalakad kami dito sa may hallway ay may babaeng humarang ng daan namin.

Naramdaman kong lalong hinigpitan ni Seulgi yung paghawak sa kamay ko. Hays.

"Bear magusap nam--"

"Wala na tayong pag uusapan pa Krystal. Tabi diyan." seryosong sabi lang ni Seulgi at nilagpasan si Krystal na halos mabangga niya pa. Kita pa sa mga mata niya yung galit sa mga nangyayare.

Maya maya'y naramdaman kong may humila nung buhok ko kaya agad akong napasigaw. Ang sakit ah.

"Krystal stop it!" saway ni Seulgi at pinigilan si Krystal habang si Wendy, hawak ako. May mga student din na nanunuod samin. Actually dumadami sila. 

Ayaw niya pading alisin yung kamay ko sa buhok ko. Ano bang problema ng baliw na to sakin?!

"You bitch! Anong karapatan mo para maging fiance ni Seulgi ha?! Bitch!" sigaw niya pa habang hawak yung buhok ko. Tangina feeling ko hihiwalay na yung buhok sa anit ko -_-

Sa inis ko, hinanap ko yung buhok niya at hinila yun. Akala niya siya lang? Ha! Let me handle your hair too, slut. I will handle it with no care.

"Akala mo ba ginusto ko to?!" sigaw ko naman sa kanya. Bwiset siya. Ang sakit ng sabunot niya.

Napahiwalay kami sa isa't isa nang marinig ang isang malakas pito.

"Ms. Bae and Ms. Jung, go to my office, NOW!" sigaw nung epal naming disciplinarian.

Great. Ang saya naman.

---

 

Gom Meets Chu || seulrene ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon