Four

1.8K 68 32
                                    

Seulgi's POV

"Irene?" kunot noo kong tanong. Napayuko lang siya at tumingin ng ibang direksyon.

"Anong ginagawa mo dito tsaka pano--"

"Pwede bang makinig ka muna sa mga sasabihin ko? Wag mo kong pagtatawanan sa mga sasabihin ko dahil totoo to." putol niya sa sinasabi ko kaya lalo akong nagtaka. Putcha ano daw? Pakiulit plis.

"Ha? Ulitin mo di ko naintidihan." sabi ko kaya agad siyang napafacepalm at napailing nalang.

"Tanga ka nga pala." sabi niya pa. Huminga muna siya ng malalim saka hinila yung kamay ko.

Hanggang sa marating namin yung parking lot. Actually dito din punta ko.

"Makinig kang mabuti sa sasabihin ko ah. Hindi ito trip nor joke. Totoo at narinig ng magaganda kong tenga lahat ng to." sabi niya pa. Hindi ko tuloy napigilang mapabusangot.

"Eh kung narinig naman pala ng magaganda mong tenga, eh joke nga yan." sabi ko at tumawa.

Lakas ng trip nitong babaeng to eh noh. Hahahaha! Magagandang tenga my cute face.

"Eh kung sampalin kaya kita? You want?" nakataas na kilay niyang tanong kaya agad akong napatigil. Uy wag yun. Napakasakit mong manampal eh :(

"Joke lang. Oo na maganda na yang tenga mo. Maganda ka." sabi ko lang at nginitian siya.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o ano eh. Nakita ko lang naman ang pagpula ng magkabila niyang pisngi. Ang cute.

"Oh nagblush ka?" natatawa kong sabi at pinipilit na tinatanggal yung kamay niyang nakatakip dun. Hahaha! Ang pula oh.

"H-hindi ah.. kapal m-mo." mahina niyang sabi at iniiwas yung mukha niya. Lalo tuloy akong napangiti. Ang cute din pala ng liit na to.

"Oo na hindi. Ano ba yung sasabihin mo?" tanong ko sa kanya. Para hindi na siya mamula pa.

Umayos na din siya ng tayo at humarap ng maayos sakin.

"Wag mo nga akong nginitian ng ganyan." mataray niyang sabi.

"Ang ganda mo kasi."

Wait what?! Putcha ano yung sinabi ko?! Oh shit.

Ulit, nakita ko ang pagpula ng pisngi niya. Ang tanga Kang Seulgi. Ang cute mo nga, ang tanga mo naman. Hays.

Magsasalita na sana ako ng bigla siyang tumakbo palayo sakin. Aish! Ang tanga talaga. Ano kaya yung sasabihin niya? Bakit ko pa kasi yun sinabi?

Actually di ko din alam bakit bigla nalang yun lumabas sa bibig ko eh. Makauwi na nga lang. Nagugutom na ko eh hahahah!

Irene's POV

Ang ganda mo kasi

Ang ganda mo kasi

Ang ganda mo kasi

PWEDE BA?! Wala akong pake okay? Hindi ako namula nung sinabi niya yan. Wala yang epekto sa kin.

Ang ganda mo kasi

Ang ganda mo kasi

Ang ganda mo kasi

TIGILAN NIYO KO! Magpapatanggal na nga ako ng tenga nang mawala na to sa isip ko. Bwiset talaga yung osong yun. Di ko siya mapapatawad. Wala pang nagpakilig ng ganito sakin.

Wait what?! Oh gosh! Di ako kinilig. NEVER akong kikiligin sa kanya. No way. Yuck.

Pwede ba Irene?

Oh ano na naman ba?!

Wala nagtatanong lang kung pwede. Grabe to.

Kala ko kasi mambabara ka naman eh -_-

*replied*

Sabi ko nga -_-

"Okay lang po kayo Maam Irene?" tanong ni Manong Driver nang makapasok ng van. Nga pala, siya yung sumusundo sakin.

"Okay lang po ako Manong." nakangiti ko namang sagot. Kahit naman na hindi okay padin ang isasagot ko.

Hindi na siya sumagot pa at nagstart na ding magdrive.

Yung nangyare nga pala kanina. Nakita niya kaya? I guess. Lalapitan niya pa nga eh. Hays. Kawawang oso.

Tama ba yung gagawin ko sana kanina? Hindi na kasi kinakaya ng konsensya ko. Duh. Pag natuloy yung gagawin nila, eh di konsensya ko pa kapag may nangyareng masama. Kasi naman napakachismosa ng tengang to eh. Kainis.

Bahala na nga. Bukas or sa ibang araw nalang. Baka naman iba yung ibig sabihin nila nun. Tama yun. Ako lang tong baliw na kung ano anong iniisip.

"Ah oo nga po pala Maam Irene. Dumiretso daw po muna tayo sa office ng Dad niyo bago tayo umuwi." sabi lang ni Manong kaya bigla akong kinabahan. Sana naman di to about sa pag aaral ko.

"Bakit daw po?" tanong ko naman. Nagkibit balikat lang siya. Hays.

---

"Hi Dad!" masaya kong bati nang makapasok ako ng office niya. Ngumiti lang siya sakin.

"Maupo ka Hyun. I will discuss something." sabi niya at tinuro yung upuan na tapat niya. Sumunod na ako at umupo na dun.

Grabe. Ang dami niyang paperworks. Kaya pala hindi na siya masyadong nakakauwi ng bahay. Pumapayat na din siya.

"Dad nakakakain ka pa ba?" malungkot kong tanong sa kanya. Napatawa lang siya.

"Oo naman. Bakit?" tanong pa nito.

"Pansin ko kasi pumapayat ka na eh." sagot ko. Masyado niyang pinapagod sarili niya eh. Ganito ba kapag CEO ng isang kumpanya? Nakakaawa.

"Don't mind me Hyun. Okay lang ako. Tsaka ginagawa ko to para sayo. Magfocus ka sa pag aaral okay?" sabi niya lang at ngumiti sakin. Napangiti nalang ako at tumango. Hay nako Dad.

"Speaking of pag aaral, how's school? Nag aaway padin ba kayo ni Seulgi?" tanong niya at tumawa. Napabusangot ako sa kanya.

Yup. Kilala niya si Seulgi. Magkakakilala ang family namin pati narin nila Wendy. Magkakaibigan ang mga ito at partners sa iba't ibang companies na pagmamay ari nila. Sadyang kaming dalawa lang talaga yung hindi magkasundo.

Bakit ba eh ayaw ko sa kanya eh. Lagi niya akong inaasar at pinapahamak. I hate her kaya.

"Why bringing her up? Di ko siya kilala noh." sabi ko at nag crossed arms. Naalala ko na naman yung ginawa niya sakin kanina.

Ang gand--

Ititigil mo yan o ititigil mo?

"Nag aaway padin nga kayo." sabi niya lang at tumawa. Nasanay nadin sila sa ginagawa namin kaya tinatawanan nalang nila yun.

"You need to be friends with her Hyun. Para narin sa kapakanan at future natin." sabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya. Ano daw?

"Saka na pag hindi na siya mukhang oso." padabog kong sabi. Tsaka pag naging puti nadin ang uwak. Tapos di na siya lumalandi.

"Hays. You need to Hyun. This is for your own sake and for the company." sabi niya pa kaya napatingin ulit ako sa kanya. Bakit ba pinipilit niya ako?

"Ano bang meron Dad? Bakit gustong gusto mong mapalapit ako sa osong yun?" tanong ko na may halong pagtataka.

Nakakalito naman kasi. Parang dati hindi niya pinapakelaman yung pag aaway naming dalawa.

"Because she's your soon to be fiance."

KILL ME NOW.

----

Pasok mga readers~ Enjoy sa pagbasa~
Nang matuwa ang author na tamad sa paguupdate~ A!

One more time~! 😂

Gom Meets Chu || seulrene ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon