Prologo

10.8K 311 0
                                    

Prologue

Nagkakagulo ang mga doktor at nurse sa isang pasilidad kung saan nakaratay ang matandang tila ay patay na habang umaalingawngaw ang tunog ng makina na ang monitor ay nagpapakita ng mga tuwid na linya. Nakabuka ang bibig ng mamang nakapikit. Kulubot ang kanyang mukha. May mga bukol ang talukap ng kanyang kaliwang mata. Iilang puting buhok ang natira sa bumbunan niya. Ang kanyang mga pisngi ay walang laman at animo'y balat na lamang na nakadikit sa mga buto ng kanyang mukha.

"Director, are you sure he's worth the huge amount of money your agency is spending?" tanong ng isang lalaki sa katabing mas matanda rito. Pareho silang nakatingin sa mga doktor at nurses na tila ay binabalik ang kamalayan ng matandang nakaratay.

Bumuntong-hininga ang mamang nakasalamin. Bakas sa kanyang mga mata ang malalim na pag-iisip. "If only someone else out there were like him, we wouldn't be here." Malumanay ang kanyang boses.

"But it's been 8 years. Is there any assurance that he'll come out of his coma?"

Biglang nag-beep ang makinang nasa sulok malapit sa higaan ng matandang pasyente. Huminga nang malalim ang isa sa mga doktor. Tumahimik naman ang mga kasama nito habang inoobserbahan ang pasyente at sinusuri ang lagay ng puso at paghinga nito.

"Let's wait still." Malamlam ang ekspresyon sa mukha ng lalaking nakasalamin.

"Director," saad ng babaeng doktor na lumapit sa kanila, "he's stable now. But he's been passing out more frequently."

"I see that." Nakatanaw pa rin ang mamang nakasalamin sa nakaratay.

"His body is giving in. How long do we still have to keep him alive?" Nakatitig ang doktor sa director.

"Until I find someone like him," saad ng direktor.

--------------

4/18/2018 Writer's Note: Thank you for giving this story a chance. It suffers from an identity crisis. It wants to be written in 1st person narration with Dane as the sole viewpoint character, but writing in it 3rd person POV feels right. Anyway, I'll figure that out when I'm done, and I'll just edit everything after finishing the initial draft, and I may write another version of this in English. Again, thank you. Sorry sa interruption. Please vote and comment on the chapters. 

QUEERWhere stories live. Discover now