CHAPTERS 26 and 27

1.7K 93 14
                                    

Chapter 26

"Sinasabi mong nagkantutan sila sa loob ng bodega?" nakasimangot ang kalbong naka-Amerikana habang kausap ang lalaking nakayuko, hawak ang magkabilang kamay sa harap ng kanyang pundilyo.

"Parang nahipnotismo sila, boss," dagdag niya.

Napaisip si Silvano. "Inatake kayo ng dalawang lalaki, tama?"

Tumango ang lalaki.

"Pinatilapon kayo ng isa sa dalawa?"

Tumango ulit siya. "Parang may hangin na tumulak sa amin, boss."

"Isang telekinetic," saad ni Silvano.

"Tapos yung isa inutusan niya ang mga kasama ko na kantutin sina amo."

"Matagal ko nang kilala sina Ishmael. Wala akong naamoy na kabaklaan sa kanila."

"Yun din nga ang pinagtataka ko, boss."

"Hindi nakapagtataka. Matagal ko ng alam ang tungkol sa mga others."

"Others?" tanong ng tauhan.

"Mga nilalang na may kapangyarihan, ang tinatawag nilang superhumans."

"Boss, malaking bulilyaso ang nangyari. Mukhang naulol ang mga kasama niyo."

"Kailangan silang iligpit." Hinimas ni Silvano ang baba habang nakatitig sa pader.

"Suicide po yata yang naisip niyo, boss."

"Papatayin natin sila sa paraang hindi nila inaasahan. Kailangang malipol ang mga katulad nilang salot."

Chapter 27

Tinotoo ni David ang sinabi niyang titigil na siya sa pag-aaral. Ilang araw na siyang hindi nakikita ni Dane sa eskwelahan. Hindi na rin niya ito inabala. Marami sana siyang gustong itanong sa kanya, tulad ng kamusta na nga ba si Hannah. Hindi man lang sila nagkaroon ng pagkakataong makilala ang isa't-isa. Gusto niyang malaman kung naipaalam ba niya kay Hannah ang tungkol sa kakayahan niya. Gusto niyang makita si Alice. That dog was adorable. But Dane thought David needed his space. He wants to give him that space. Naisip niyang hindi sapat na rason ang pagkakatulad nila sa isang bagay upang maging magkaibigan sila.

Umabot na ng mahigit isang daang libong views ang scandal na kinunan niya sa bodega. Pinaskil ni Dane ang video sa isang porn site, at kumalat na ito sa internet. Naging tampulan na ng katatawanan ang mga nasa bidyo. Lingid sa kaalaman ni Dane ang magiging bunga ng kapangahasang ito.

"Kanina ko pa napapansin ang lalaking yan na umaaligid." Nakadungaw si Elaine sa bintana.

"Baka may hinihintay lang."

"Ilang araw ko nang napapansin yan."

Tiningnan ni Dane ang lalaki. Umiwas ng tingin ang estranghero nang magtama ang tingin nila at nagdial sa telepono nito. "Baka bisita ng kapitbahay natin," komento ni Dane. "Masyado ka namang paranoid. Ano'ng gusto mo? Patumbahin ko siya mula rito?"

Nakabihis ng pang opisina si Elaine. "Hindi ka ba late sa klase mo?"

"Late na. Aabsent na nga lang ako sa first subject ko."

"Dane, let me know if you wish to quit college."

"I will."

"Aba!" Napalingon siya sa anak niya. "Sarkastiko? Really?"

"Joke lang." Hinalikan niya sa pisngi si Elaine. "Ikaw talaga di ka na mabiro."

Nang makalabas si Elaine ng pinto, tinitigan niya ang lalaki. Nakadungaw naman si Dane na inaabangan ang gagawin ng nanay niya. "What are you doing in front of my house!" Nakapamewang at nakasimangot siya sa estranhero. Hindi sumagot ang lalaki kaya tinitigan ito ng nanay niya nang masama. "You want me to call the cops."

QUEERWhere stories live. Discover now